Chapter 19

88 7 0
                                    

Chapter 19: Movie 

Criziah's PoV

"Nasundan ka ba?"kinakabahang tanong ni Jelo ng makasakay na ako sa kotse nya. Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse nya.

"Hindi naman ata. Tara na!"nagmamadali kong sabi at ini-start nya na ang makina.

May student license sya kaya naman pwede syang mag-drive. Samantalang sinabihan ko naman si Butler Jin na may pupuntahan ako. Pero sigurado namang may susunod at susunod na bodyguard sakin. Si Lolo pa!

Nakahinga ako ng maluwag ng maramdamang papalayo na kami sa school.

Sa wakas. After ng halos kalahating oras na pag-iwas sa mga nagaabang na mga kaklase, nakatakas din ako.

Ngayon kasi ang napagkasunduan naming ipapakilala ako ni Jelo kay Melanie bilang pinsan nya.

Anong masasabi ko? Napaka-loyal nya sa Babyboo nya kaya gusto nyang ipakilala ang mga taong nasa paligid nya, lalo na pag-babae.

Wala pang 15 minutes ay nakarating na kami sa coffee shop na sinabi ni Jelo kay Melanie na pag-kikitaan namin.

Maganda naman ang coffee shop pero siguro walang tatalo para sa akin sa coffee shop nila Giane. Bukod kasi sa pamilya ng kaibigan ko ang may-ari, mas trip ko ang design ng shop na yun.

Wala pa duon si Melanie at naghintay pa kami ng ilang minuto bago sya dumating.

Napatango-tango ako ng finally nakita ko na si Melanie.

Panalo!

Kaya siguro iniyakan sya ni Jelo, maganda naman kasi.

Pino ang galaw at mukhang hindi makabasag pinggan. Mukha ring mayaman kahit saan tingnan.

At ng nagsalita na sya para bumati, para akong nakarinig ng anghel. Guni-guni ko lang ba o para talagang may puting aura na nakapaligid sa kanya?

"I'm so glad na pinsan ka ni Babyboo ko. Kung hindi, baka pinagselosan na kita."kinilabutan ako sa sinabi ni Melanie nung naiwan kaming dalawa dahil um-order si Jelo.

Para kasing for a second, biglang nagkasungay ang babaeng kaharap ko.

Natawa nalang ako at hindi pinahalatang kinabahan.

"By the way, gusto mo bang mag-Mall minsan? Yung tayong dalawa lang?"tanong nya kaya pumayag nalang ako. Pano ba naman ako makakatanggi sa isang anghel na bumaba sa lupa?

Maya-maya pa ay dumating na ang order namin at napapangiwi nalang ako kapag pinapakita nila ang ka-sweet-an nila sa isa't isa.

Mukha lang akong extra dito, ang saklap.

Naiiyak na ako sa sobrang ka-sweet-an nila na nakalimutan na nila ako. It'll be rude naman kasi kapag inistorbo ko sila para magpaalam.

'Bakit? Rude din naman sila ah! May single kaya dito noh!'

napatango-tango ako sa sinabi ng kabilang utak ko. Pero as if namang masasabi ko yun sa kanila. I just face my cake and poked it.

"Ayos ka lang dyan Criziah?"biglang tanong ni Jelo kaya nginitian ko sila at tumango kahit ang gusto kong sabihin ay ganito: "Ayos? Mukha ba akong ayos? Akala ko ba ipapakilala mo ako sa kanya, tho naipakilala mo naman talaga, pero bakit ganon?! Dapat pinauwi nyo nalang ako ng maaga kesa ibinabalandra nyo ang katamisan nyo sa isa't isa sa mismong harap ko pa! Kung ayaw nyong ako ang umalis! Kayo nalang!!"

Ayun, gusto ko sanang magdrama sa lovebirds na ito, pero wag nalang. Masarap naman yung cake eh!

"Welcome Maams, Sirs."rinig kong sabi ng nag-wewelcome sa entrance ng coffee shop. 

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now