Chapter 22: Meet the Section G
Criziah's PoV
"Good morning C!!"napatakip agad ko ng tenga ko ng sumigaw agad ang mga kaklase ko pagkapasok ko palang sa classroom.
"Ang ingay nyo! Good morning den!"natatawa ko ding sigaw at pumunta na sa upuan ko sa first row kung saan katabi ko sila Jelo at Yuan na nagbubulungan.
Mukhang hindi pa nila ako napapansin kaya dahan-dahan akong lumapit sa gitna nila.
"...narinig ko lang."sabi ni Yuan at kumunot ang noo ni Jelo.
"Sigurado ka ba? It's been almost 3 weeks simula ng nag-quit yung last."may pag-dududang sabi ni Jelo.
"Narinig ko nga lang. Nasabi ko na din kay Boss President, siguro papunta na sila."medyo seryosong sabi ni Yuan. Kumunot ang noo ko.
"Sino?"tanong ko at nagulat pa sila at napatayo. Pinanlakihan nila ako ng mata which saying 'Why are you eavesdropping?' kaya tinaas ko agad ang dalawang kamay ko.
"I'm not eavesdropping!"mabilis kong sabi pero pinanliitan lang nila ako ng mata kaya napa-buntong hininga ako.
"Okay fine, pero medyo lang naman. Bakit kasi kayo sa upuan ko nagbu-bulungan?"nameywang ako sa harap nila and Yuan scoffed.
"Upuan mo? Wala namang pangalan mo dyan oh!"mapang-asar nyang sabi at kunyari pang may hinahanap sa upuan ko.
"So? This chair is meant to be mine! 'Wag ka ngang mang-aagaw, may upuan ka naman oh!"pakikipag-asaran ko rin. Magsasalita pa sana sya kaso biglang tinakpan ni Jelo ang bibig nya and so I held my head high.
I'm sooo victorious! Kahit hindi ko alam kung paano ako naging victorious.
Pansin kong natahimik din ang klase at lahat sila ay nakatingin sa unahan kung saan may nakatayong isang babae na cute ang height pero mukhang nasa 20's or more na nasa tabi ni Kleine. Kelan pa sila dyan?
Tumikhim muna ang babae na nakasuot ng uniform ng teacher. Oh! Sya na ba yung sinasabi ni Auntie na bagong teacher ng Section G?
"Uhm, good morning Section G. I'm Mariane and I'm your new homeroom teacher for this school year. You can call me Ma'am Mariane or Teacher Mariane, up to you but don't call me Mrs."cool lang nyang pakilala at napa "Oh!" ako.
Ang cool nya!
Bagay sya sa room namin since puro mga isip-bata ang nandito. Kailangan namin ng guide--oops, di ako kasali.
Nagtaas ako ng kamay at tinawag naman nya ako kaya malaki ang ngiti akong tumayo.
"I'm Criziah po, Maam! Nice to meet you po! Please take care of us all"masaya kong pakilala sa sarili ko at lalo akong sumaya ng ngumiti din sya at nagpasalamat.
"What are you doing?"sigaw na bulong ng nasa likod ko sa tenga ko kaya tinapik-tapik ko ang pisngi nya.
"Acknowledging her!"sigaw ko ring bulong kay Mau. Bakit ba toh nandito? Eh sa kabilang dulo ang upuan nito eh.
"Bakit?"sigaw na bulong nya ulit.
"Eh–"
"Magkakapalit na kayo ng mukha, alam nyo?"bored na saway samin ni Jelo na nakaupo na pala sa tabi ko. Nanlaki ang mata namin ni Mau at agad naglayo ng mukha.
"Ewww! No way!!"parang babae nyang reklamo at nagpagpag pa sa hangin.
"Wow huh! Maka-eww ka, grabe! Maganda ako noh!"reklamo ko rin at nakarinig ako ng kunyaring nag-suka kaya sinamaan ko ng tingin sila Jelo at Yuan na biglang nag-piece sign.
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
JugendliteraturCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...