*This chapter is revised.
Chapter 10: Cleaning
Criziah's PoV
"HOY IMPAKTA!"
"Yes?"may ngiti sa labing nilingon ko ang tumawag. Si CJ ang nalingunan ko.
Naka-taas ang kilay nya habang nakasampay sa kanang balikat nya ang kurtinang tinanggal sa isa sa mga bintana.
"Ano, hindi ka maglilinis? Sampung taon na kami dito ah, di ka manlang tumutulong!"exag na singhal nya sakin pero hindi yun naging dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko, maging ang sabay-sabay na sigaw din ng iba ng "Oo nga!" ay hindi naging dahilan para mawala ang ngiting tagumpay ko kasi lahat sila ay kumikilos at naglilinis.
"Sampung taon na kayo dyan hindi parin kayo tapos?"nakangiti ko paring sakay na tanong sa sampung taon nya kuno at ang bakla, nang-irap pa bago tumalikod.
Hindi ko nalang sya pinansin at nag-shift ng upo sa teachers table na kinauupuan ko.
Isa nga akong supervisor diba? Kaya syempre sa gitna ako ng room kung saan makikita ko ang mga workers.
"Criziah--"
"Hep hep!"pigil kong sabi kay Mau at itinaas pa ang kamay sa mukha nya na syang tumawag. Taka naman syang tumingin sakin.
"Temporary President dapat ang tawag nyo sakin. Or 'TP' okie?"sabi ko pa. Umirap din si Mau at bumulong ng kung ano na hindi ko na narinig.
"O sige na, sige na. Bumili ka nga dun ng pagkain, gutom na ko!"bigla nyang utos matapos tampalin ang kamay kong nakaharang sa mukha nya kaya napa-awang ang labi ko.
Maya-maya pa ay binatukan ko sya.
"Hindi ka nga tumutulong sa paglilinis eh!"singhal ko sa kanya pero inis lang syang nakatingin sakin habang nakahawak sa parteng binatukan ko.
Yan lapit lapit pa kasi. At saka ang lakas ng loob nyang mag-request ng snack eh wala pa nga syang nagagawang tulong.
"Nag-punas na ko ng limang upuan ah!"singhal nya rin kaya napahilot ako sa sintido ko bago tumayo at hinanap ang tatlong babaeng kung maka-asta rin ay parang mga boss na sinisigaw-sigawan ang walang magawang mga katulong.
Tho, exempted si Brittany dahil hindi talaga sya nagsasalita, at mild lang naman si Meena so si Scarlett lang talaga ang maingay.
"Girls!"tawag ko at agad naman silang lumapit with poise pa.
"Yes, cousin?"nagpuppy eyes pa sakin si Scarlet bago tumingin ng matalim kay Mau na natatawa ang itsura dahil napaka-unusual daw na ganyan makaasta si Scarlet.
Katulad kasi ng first impression ko sa kanya, maldita ang tunay na ugali daw nya. Ganun siguro nya kagusto ang pinsan ko, para magpalakas sakin.
Speaking of, wala pa kong balita sa mga naiwan ko simula ng umalis ako 3 months ago maliban sa napakalaking bahay ni Lolo.
Kahit ang bruhang si Maylee, ang bestfriend ko, ay hindi ko pa nakikita simula ng makabalik ako.
"Bili tayo ng snacks?"suggestion ko at pansin kong naka-hinga ng maluwag si Mau habang nagliwanag naman ang mga mata ng tatlo at pansin kong napatingin sa pwesto namin ang mga nakarinig.
"Hays salamat naisipan mo. Gutom na rin ako kakatingin sa mga ugok na toh eh!"madaldal na sabi ni Scarlet kaya napairap ang dalawang babae na di hamak na mas tahimik.
"Hoy ako nagsuggest!"epal pa ni Mau pero walang pumansin sa kanya kaya kakamot-kamot ng ulo syang umalis at sa kunwaring nagpupunas ng glass window na sila Leo nalang sya nakigulo.
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...