Chapter 14: Meeting
Criziah's PoV
"Hi, guys! We're here!"kahit masigla ang boses ni Scarlet ng bumati sya ay rinig parin ang pagiging maldita nya.
Halatang hindi sya sanay sa hirap, sa boses palang pangmayaman na. May kakaibang accent kasi sya.
"Ba't mo kasama si Criziah?"nagtatakang tanong ni Mau na lumapit pa talaga sa akin na parang hindi naniniwalang ako talaga toh kaya pinitik ko ang noo nya na agad nyang sinapo at sinamaan ako ng tingin at lumayo.
"Great! Tamang-tama, nandito na ang temporary pres!"masiglang sabi ni Naomi at parang kidlat na sa isang iglap ay nakakapit na sa kanang braso ko.
"Anong meron? Ba't nandito lahat ng section G?"taka kong tanong ng inakay na ako ni Scarlet at Naomi sa mahabang Lawson-style sofa at pinagitnaan ako at tumabi narin samin sina Meena at Britanny habang nagsi-upuan naman sa lapag at sa iba pang couch yung mga lalaki.
"'Di kaya lahat noh. Wala si Boss President."naka-irap na pagkontra ni Ravier kaya binato ko sya ng hawak kong throw pillow na nasalo naman nya at ginawang unan at nahiga na sa sahig na may makapal na carpet. Inunanan sya ni Mau kaya napa-irap nalang ako sa kawalan. Mga baliw talaga.
"Magme-meeting tayo tungkol sa welcome party ni Kleine para sa monday."si Meena ang sumagot ng matino. May suot din syang glasses at naka-messy bun ang buhok nya habang simpleng pink na shirt at short lang ang suot nya. Cute.
Pansin ko lang sa mga girls ng section-G. Magkakaiba sila, sobrang magkakaiba.
Si Brittany ay sobrang tahimik at hindi talaga nagsasalita pero nangiti at tumatawa naman. Si Meena naman ay yung pang-secretarial at seryosong babae na nangiti rin naman pero parang sya yung mas matanda at laging taga-awat. Si Scarlet naman ay makulit pero grabe kung magtaray. Habang si Naomi ay parang laging may gagawing masama kapag ngumisi pero mukha namang mabait kapag nakangiti ng matino, madaldal din katulad ni Scarlet.
"Welcome party?"taka kong tanong. Kailangan pa ba yun?
"Oo party, you know? May balloons, and confetti, and cake--"masayang pahayag ni Scarlet at para pang nagningning ang mga mata nya pero biglang um-epal si Rickiel o Rick na lagi nalang daw epal sabi nila Scarlet.
"Ano, children's party?"epal ni Rick at nagtawanan sila ni Ryan na katabi nya lang sa L-shape couch na katapat ng couch na inuupuan namin.
At sa isang iglap lang ay hinahabol na sila ni Scarlet palabas sa pintong pinasukan namin. Natawa ako ng pinagsaraduhan nya ng pinto yung dalawa ng makalabas na tapos bumalik sya sa tabi namin.
"Hayst! Bilisan nyo na nga para maka-uwi na ako!"I believe pa-'inis' ang tono ng sinabi ni Harold kaso malumanay parin. Ewan ko sa isang yan, hindi marunong sumigaw eh. Pero mas okay na rin yun, bawas noise pollution.
"Oh wala ng eepal ah!"seryosong sabi ni Meena kaya tumango-tango kami. Napatingin kami sa pinto ng kumalabog yun at narinig namin ang sigaw nila Ryan at Rick na humihingi ng tulong at nakarinig rin kami ng tahol ng mga aso.
Tapos biglang nawala yung sigaw nila Rick habang tuloy parin ang tahol ng mga aso pero parang humina na hanggang sa nawala na.
Isang minuto kaming tahimik lang at pinapakiramdaman ang paligid.
"Are... they dead?"tulalang tanong ko at bigla nalang sumisigaw na tumatakbo yung dalawa galing sa glass door na kita ang swimming pool mula sa pwesto namin.
May nakasunod sa kanilang dalawang golden retriever na kasing tangkad ko na ata kapag tumayo at dalawang Chihuahua.
Papalapit samin sila Rick at nataranta akong napatayo kasabay ng iba ng makita ko yung mga aso na tumatakbo rin palapit samin.
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...