Chapter 13: Saturday
Criziah's PoV
Kanina pa ako pabaling-baling sa kama pero hindi ako makatulog.
Weird, kapag ganitong araw naman na walang pasok ay pagtulog lang ang alam kong gawin.
Pero bakit hindi ako inaantok ngayon?! Tinatamad din akong gawin ang mga bagay na madalas kong gawin pag-nandito lang ako sa loob ng kwarto which is maglaptop, mag-cellphone o magbasa ng libro sa shelf.
Grabe naman ang araw na toh. Isang napakalaking BORING!
"Lolo!"napu-frustrate na ako kaya napa-sigaw ako at bigla nalang ay nakasilip na ang nakangiting mukha ni Lolo sa pinto ng kwarto ko.
Ang bilis naman!
Nahahawa na ba si Lolo kay Butler Jin? Ninja narin kaya ang lolo ko?
At saka hindi ko naman sya tinawag eh, sumigaw lang ako out of frustration sa sobrang pagkaboring dahil nakakulong lang ako dito sa malaking bahay nya.
"Yes, my dearest grand daughter?"nakangiti nya pang tanong kaya umupo ako sa kama at ngumuso sa kanya.
Well, nandito narin naman sya. Might as well get a chance to ease my boredom inside of this palace-like cage.
"Bakit po ba hindi ako pwedeng lumabas?"nagpapa-awa kong tanong at parang na-confuse si Lolo.
Ang weird talaga. Bakit sya pa itong na-confuse eh ako itong ikinukulong nya sa hindi ko malamang dahilan.
"Sinong may sabi?"confused nyang tanong kaya nanlaki ang mata ko at agad syang nilapitan at binuksan ng malaki ang pinto dahil nakasilip nga lang sya dun diba!
And what does he mean sinong may sabi?
Eh sa pagkakaalala ko, hindi nya ako pinapayagang lumabas kapag nasa labas ng school at sunday lang ako nakakalabas na kasama pa sya dahil nagsisimba kami.
Is it one of the turn of events here since I came back last week?
Pero come to think of it, hindi malabo na binabawasan na ni Lolo ang pagiging mahigpit nya sakin since binago nya rin ang Celestine high as a daily leaving school nung bumalik ako.
Natatakot ba syang maglayas ulit ako?
"So, it means po pwede na 'kong lumabas?"masaya at excited kong tanong at napakamot pa sa noo si lolo bago tumango.
Napa-tili ako at sinugod ng yakap si Lolo at napa-sigaw pa sya ng matumba kami sa sahig.
Buti nalang carpeted ang halos lahat ng parte ng bahay, even my hallways here on the third floor kaya napatawa nalang ako habang tumatayo habang sya ay naka-simangot sakin.
"Why do you have to do that?"naka-simangot nyang tanong pero ngumisi lang ako at tinulungan na syang tumayo.
"Thank you po, lo!"masaya kong sabi at muli syang niyakap pero hindi na kami natumba ngayon kaya niyakap nya rin ako pabalik at tinapik pa ng tatlong beses ang likod ko as if assuring me for something.
"No, prob. Just be back before 5 pm and don't forget to call me if someone is following you from behind, or if a plane just crash on your area, or if a van stop near you, or if you feel strange on your surrounding, or--"he's being unreasonably cautious again so I cut him off by hugging him again which made him stop talking.
"I'll call you if something happens. Don't worry too much, lo. I'll be fine. 'Di ba nga paborito mo 'kong apo kasi maganda ako? And besides, I already experience living alone for how many months. Wala nga akong isang araw na mawawala sa bahay ngayon eh. Babalik din po ako."I carefully said while hugging him and then I felt him hugged me back kaya napangiti ako.

YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...