Chapter 3

181 9 0
                                    

*This chapter is revised.

Chapter 3: The Punishment

Criziah's PoV

"Oh my gosh, she's back!"

"Heh, akalain mong bumalik pa yan!"

"She's back!"

"Yeah right, parang may nagbago sa kanya!"

"Oo nga noh, parang mas gumanda sya ngayon."

"Baka inlove!"

"Oh no! Kanino? I want to know!"

Gossip here and there. Kung ano-ano na lang ang napapansin ng mga toh.

Mabuti nalang talaga at hindi ako ang pinagtsi-tsismis-an nila. Kundi baka ipinatapon ko na sila sa mars. Higit pa naman ng ayaw ko ay yung pinag-uusapan ako habang nakatalikod, dapat kung pag-uusapan nila 'ko sa harap ko mismo at naririnig ko para naman nakakapagdepensa ako kapag mali na ang balitang nalalaman nila. Pero sino kayang pinag-uusapan nila?

Anyway, hindi ko nalang pinansin ang mga tsismosang nadadaanan ko at nag-diretsyo na sa paglalakad papunta sa opisina ng pinaka-mamahal kong auntie. 

Tinatamad akong mag-hagdan kaya ginamit ko nalang ang elevator. School toh pero may elevator pang nalalaman, kaya nagiging tamad ang mga estudyante eh. Tingnan mo ko ngayon, imbis na maghagdan, tinamad! Kaya pipindutin ko na sana ang 4th floor button pero may kamay na pumigil sa pagsara ng pinto ng elevator.

"Didn't you hear me said stop?"muntik pa kong mag-drool ng makita ko ang gwapong lalaking pumigil sa pagsara ng puso ko-- ayy este ng pinto pero nawala yun ng mag-salita sya. Ang ganda sana ng boses nya kaso bakit pa-paos at pa-galit?

"Huh?"yun nalang ang nasabi ko. May sinabi ba sya kanina? Wala naman akong narinig ah.

"Tsk."yun na lang ang sinabi nya at sya na ang pumindot ng 4th floor. Ngumuso nalang ako sa sarili ko at tumingin nalang sa reflection ko sa pinto ng elevator.

Ilang minuto narin at parang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya tiningnan ko ang kasama ko dito sa loob. Pero naka-sandal lang sya sa may wall ng elevator at nagse-cellphone.

Umiling-iling ako sa sarili ko. Baka guni-guni ko lang.

And at last, bumukas narin. Means nakarating na kami sa fourth floor. Naunang lumabas yung gwapong lalaki at dire-diretso syang naglakad pakaliwa ng hallway. For a moment, hiniling ko na lumingon sya pero hindi yun nangyari. Muntik pa 'kong mapagsarhan ng elevator kasi nakatingin lang ako sa retreating back nung guy, buti nalang napigilan ko at agad ng lumabas para pumunta na sa opisina ni Auntie Maine.

"Gosh, glad your back my beautiful niece!"masayang bungad sakin ni Auntie Maine ng papasukin nya ko matapos kong kumatok. Tumayo agad sya sa upuan nya at nilapitan ako para yakapin and I hugged her back.

"Hmm, pero may punishment parin po ako."naka-nguso kong sumbong. Nag-chuckled sya bago ako tingnan habang hawak parin ang dalawang braso ko.

"Of course, pinag-alala mo kaya kaming lahat!"bigla nya akong hinampas sa kanang braso at inis akong tiningnan. Mahina lang akong dumaing dahil hindi naman talaga masakit yung hampas nya at mahina lang yun tapos niyakap nya ulit ako.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now