Chapter 9

114 7 0
                                    

*This chapter is revised.

Chapter 9: Girls


Criziah's PoV

"Nasan si Jelo?"tanong ko sa mga kaklase ko pagkalabas namin sa Super market.

Pansin kong nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na nag-shrugged.

"Just make sure na papasok sya bukas ah. Walang exempted."nanliliit ang mga mata kong sabi at nauna ng naglakad papunta sa sasakyan ko at sumunod din naman sila.

Napangisi ako ng maka-pasok na sa backseat ng sasakyan ko at napangiti sa nangyari kanina.

Ang tatamad talaga ng mga kaklase ko!!

Pagkalabas ko ng room at building ay dumiretso ako sa opisina ni auntie at nakita ko syang naka-ngisi sakin.

"How's the first day of being a tempory Pres of the class?"ngisi nyang tanong pero sumimangot lang ako.

"Wala pa nga po eh. Ayaw naman nilang mag-linis eh. Auntie bakit nga ba ako ang napiling Temporary president?'"curious kong tanong at napangiti si Auntie.

"Why don't you ask your Grandpa?"naka-ngisi nyang suggestion at natahimik ako, kapag si Grandpa ang dahilan wala ng tanong-tanong.

"Eh bakit po hindi nililinisan ng janitors yung floor namin?"bigla kong tanong. 

Ang alam ko kasi dapat nalilinisan yun every afternoon or even lunch or morning, pero yung floor namin parang last year pa huling nalinisan eh.

Saglit na natigilan si Auntie bago ngumisi ulit.

"Uhm. It's not really in my case to tell you those. Find it youself, dear."napakunot-noo naman ako sa naging sagot nya.

Masyado ngang discreet ang Section G. Siguro hindi ko na muna dapat yung pakialamanan.

"Ehh, kahit kaunting tulong lang po Auntie?"pagpapacute ko pa.

"I don't know how can I help you with this. But all I really know is, hindi nila hinahayaang may umakyat sa floor na yun maliban sa mga nasa main building faculty."

Napaisip ako sa sinabi ni Auntie. And I think I have an idea.

Huh! Sa ayaw at sa gusto nyo, maglilinis kayo!

Nagpaalam na ko kay Auntie at dumiretso sa guard's house kung saan katabi lang ng dyanitor's room. Mabuti at kilala ko si kuyang Guard at sya ang nagpakilala sa akin sa mga janitors ng school na ng oras na yun ay wala pang ginagawa dahil break time nila.

Sinama ko sila sa building namin dala ang mga gamit nilang panglinis at lihim pa akong napangisi ng makitang gulat silang nakatingin samin habang nagkukumpulan sa may fence ng floor. Ng malapit na kami sa building ay tsaka lang sila bumaba at may epal pa ngang lalaki na pasigaw-sigaw sakin.

Tinakot ko lang naman silang ang mga janitors ang paglilinisin ko sa floor namin and as usual, hindi sila pumayag so we settled na kami kami nalang ang maglilinis ng floor kaya pinaalis ko na yung mga janitors na kakamot-kamot sa ulo bago tumalikod.

Nagalit pa nga yung bagong dating na teacher na pangatlo ata sa sched ng class dahil nakita nya kami sa labas ng room lahat at pinagtaasan ng kilay bago umalis. Hindi manlang umakyat sa room eh kaya kami nalang ang umakyat.

Pero tamad parin sila kaya nag-palusot sila na bibili ng mga supplies sa paglilinis and I think it's a great idea dahil wala naman talaga kaming panglinis at para naman matikman nila ang lasa ng sarili nilang gamot. Halata naman kasing palusot lang yun kaya pumayag ako pero  sumama ako para walang lusot.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now