*revised
Chapter 16: Play
Criziah's PoV
"Arghh! Ako ang nanlibre, ako pa ang walang nakain?!"inis na inis na reklamo ni Mau. Napangiwi ako habang tumawa naman ang anim.
"Yan kasi! Puro ka reklamo!"pang-aasar pa sa kanya ni Giane at lalo silang nagtawanan.
Pa'no ba naman kasi, nung dumating yung apat which is Levi, Louie, Henry at Rick, lalo lang nag-reklamo si Mau.
Syempre walang pumansin sa kanya at patuloy lang kami sa pagkain, tapos ayun, naubusan na sya.
Kalalabas lang namin ng Jollibae at naglalakad-lakad nalang kami para magpa-baba ng kinain.
Napabuntong-hininga ako sa parang pinagbagsakan ng lupa na mukha ni Mau.
Kinuha ko sa isa sa mga shopping bags na dala ko ang dalawang burger na naitago ko at isang large fries tapos inabot ko yun sa kanya.
"Oh. Buti may naitago ako."pairap kong sabi sa kanya. Nagliwanag ang mukha nya at agad yung kinuha.
Iuuwi ko sana yun kaya nagtago ako kasi gusto kong ipatikim kay Lolo. Pero siguro, bibili nalang ako next time.
"Uyy, meron pa?"sinamaan ko ng tingin si Henry sa nakangiti nyang tanong.
"Ang kapal mo noh! Ikaw nga halos umubos ng nasa table eh!"bulyaw sa kanya ni Mau at dahil may lamang burger ang bibig nya, tumalsik kay Henry ang ibang nanguya nya na.
Medyo napalayo ako sa kanilang dalawa. Gross!
"Uuwi na ba kayo agad?"tanong ni Levi at nagkatinginan kaming lahat.
"Pwede ako hanggang mamaya pa."si Giane ang unang nagsalita at nagsunod-sunod na sila.
"Eh ikaw?"sa akin naman sila tuminging lahat. Ah... ayos lang naman siguro kay Lolo.
"Magte-twelve palang naman kaya pwede pa ako."sagot ko at napangisi silang lahat.
"Guys, what were you planning?"may kaba sa boses kong tanong pero walang sumagot at hinila nalang nila ako sa kung saan.
"Mga isip-bata talaga kayo!"I exclaimed horribly at binato lang ako ng maliit na bola ni Mau, buti di tumama.
"Masaya maging bata!"si Henry naman ang sumigaw kaya napatampal ako sa noo ko.
Napa-awang nalang ang labi ko ng pati si Giane ay sumampa narin sa malaking ball pit pool.
Akala ko naman kung saan nila ako hihilahin, dinala lang naman nila ako sa childrens playground ng Mall matapos naming dumaan sa baggage counter para ilagay ang mga pinamili naming tatlo nila Mau at Giane.
"Criziah! Dali! Slide tayo!"masayang tawag ni Giane pero nakatayo lang ako dun sa entrance. Nakakahiya kasi kami lang ata ang teen-ager dito at puro maliliit na bata at magulang ang nandito.
I heard about the saying 'If you don't beat them, join them' from one of the animation movies I watched.
Hindi talaga ako naniniwala sa ganong kasabihan kasi madaming negative thoughts ang mga pumapasok sa isip ko, pero ngayon... parang gusto kong subukan. Kasi... naiinggit ako.
And so, without further ado I dive in the pool of balls.
"Sa slides!"masayang sigaw ko at hinila na si Giane na tinawanan lang ako.
"Sama ako!"sigaw ni Louie at sumunod na sya sa amin ni Giane sa slides. And we slide, and slide and climb the ladder. Tawa lang kami ng tawa hanggang may sumaway samin na staff.
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...