Chapter 27:
Criziah's PoV
Wala na namang teacher.
Ilang minuto nalang bago tumunog ang lunch-bell pero bukod kay Maam Marianne, wala ng ibang pumasok na teacher.
It's been 3 or 4 weeks already simula ng napunta ako sa Section G, pero bukod kay Maam Marianne, wala na akong nakitang teacher na maayos na nagturo.
It's either magpapakita lang sila tapos aalis din, or magbibigay lang ng gawain.
Absurd!
At ang magagaling kong mga kaklase, pabor pa ata sa ganon.
Well, hindi sa akin.
"Ba't nakangisi ka na naman?"napapitlag ako ng nagsalita si Kian sa may tenga ko.
"Ba't nandito ka? Diba dun ka?"gulat kong tanong at tinuro pa ang pwesto nya pero nag-shrugged lang sya at umayos ng upo sa upuan ni Mau sa likod ng upuan ko.
"So ano na naman ang pinaplano mo?"nanliliit ang matang tanong nya.
Hmm, sasabihin ko ba?
Nah.
"You'll see."sa halip ay sabi ko nalang at tumayo na para lumabas ng pinto.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay nakita kong papasok si Jelo habang nakaakbay kay Yuan. Napatigil sila sa paghaharutan ng nasa harap na nila ako.
"San punta mo?"tanong ni Jelo at nakaakbay parin kay Yuan.
"Ah, comfort room?"hindi siguradong sagot ko and I felt my eye twitch. Liar.
"Ayun ang cr."turo nila sa comfort room na nasa gilid ng classroom.
"Out of order yan."sabi ko nalang at nagmamadali ng pumunta sa hagdan.
"Hindi ah!"rinig ko pang may sumigaw pero hindi na ako lumingon.
Baka pigilan nila ako kapag sinabi kong para sa kapakanan nila ang gagawin ko.
Dumiretso ako sa Main Building at pumunta sa principal's office.
Sorry Section G, this is one of the changes we need to have.
After a while, malaki ang ngiti kong lumabas ng office.
Tumunog na ang bell kaya paniguradong nasa cafeteria na sila, but to be sure.
Daan papuntang building ng section G ang tinatahak ko ngayon, malay mo naman kasi hinihintay pala nila ko. Kahit papano naman kasi may pagka-sweet din ang mga yun.
Okay fine, sino bang niloloko ko?
Si Aries lang talaga ang hahanapin ko since sinabihan ko syang sabay kami mag-lunch with his twin sister, kasama na rin sila Scarlett and the girls.
"Criziah!"napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong tumawag.
It's Aries and the girls!
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...