Ranked #07: Damsel-In-Distress Quest • Part 1

176 27 3
                                    

Chapter 07: Damsel-In-Distress Quest • Part 1

Yeaver's Point Of View

"Joker?! Ikaw ba talaga yan? Hindi nga!"

"Shut up, Quill."

"Hindi talaga ako makapaniwala." Saad pa ni kuya Quill at tila hindi talaga nito inaasahang makikita namin dito si Joker. What is he doing here anyway?

Napalingon samin ni kuya Falcon si Joker kaya't tila bigla kaming nanigas sa aming kinatatayuan dahil ngayon lang namin naharap si Joker ng wala si kuya Shadow sa tabi namin.

Nakakakaba naman nito. Parang gusto konang tumakbo paalis eh.

"You two must be Shadow's acquaintances." Lumapit samin si Joker at nilahad ang kaniyang kanang kamay sa aking harapan. "Nice to meet you." He said politely at bahagya pang ngumiti kaya't napalunok naman ako ng laway at wala sa sariling natanggap ang kaniyang palad at nagkamayan kami saglit bago ko din ito mabilis na binitawan.

"Nice to meet you din po. Kuya Joker." Hilaw akong ngumiti at tumango din naman siya.

"So you must be the Evil$aints fire. Falcon, the fire wizard. Nice to meet you too." Nilahad din ni Joker kay kuya Falcon ang palad niya at normal naman itong ngumiti bago tinanggap ang kamay ng admin ng LaughingSaber clan.

"N-nice t-to m-meet y-you d-din p-po."

Gusto ko mang matawa pero hindi lang naman si kuya Falcon ang kinakabahan ngayon kaya't pinigil kona lang ang aking sarili at palihim na hinagod ang likuran ni kuya Falcon dahil tila lalagnatin na ito ngayon anumang oras dahil sa sobrang kabado niyang magsalita.

Akala ko nga talagang normal lang na ngiti niya yun kanina habang tinatanggap ang kamay ni Joker pero eto. Siya pala ang mas kabado saming dalawa.

"Guys. Pasok na tayo. Wala pa namang naka register ni isang player dito eh. Kaya't gawin na natin to bago pa tayo maunahan." Napukaw ang atensiyon naming tatlo dahil sa biglaang sinabi ni kuya Quill.

"Kung ganun, sasali po ba kayo, kuya Joker?" Tanong ko sa kaniya kaya't kaagad siyang napatingin sakin.

"Ah. Hindi. Wala naman kasi akong balak lumaro diyan eh."

"Pero bakit nakaabang ka dito kanina kung wala kang interes na pumasok diyan?" Tanong naman ni Kuya Quill sa kaniya.

"Ah about that—"

"Sige napo. Subukan lang po natin. At isa pa sakto lang ang bilang natin ngayon para makapasok sa quest nayan. Mas marami, mas malaki ang magiging win rate natin." Hindi ko alam kung bakit ko nagawang ma invite si kuya Joker dito pero hindi ko na naman mababawi yun diba? I'll do it if i can pero bago pa muling makasagot si kuya Joker hinila na siya kaagad ni Kuya Quill dun at pina register ang IGN niya.

"I told you that i'm not playing this."

"Wag kana ngang magreklamo diyan. Evil$aints members ang mga kakampi natin dito kaya't sobrang malaking privilege to. Makikita nating in action ang miyembro ni Shadow. Aren't you curious too how they play when in quest? Huh? Pumayag kana."

"Sabi na ngang hindi eh."

"Wait nga lang kasi. Just listen okay?"

Habang nagtatalo pa ang dalawang admin nayun sa harap ng dungeon portal napansin ko naman si Falcon na tila hindi mapakali kaya't napunta sa kaniya ang tingin ko.

"Kalma kalang, Falcon. Si Joker lang yan. Stay calm. Stay calm. Hooh. Stay calm." Nag me meditate pala tong katabi ko kaya hinayaan kona lang muna siyang magdasal diyan at binalik ang atensiyon dun sa dalawang admin na daig pa ang nag dedebate sa sobrang liit na bagay.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon