Chapter 12: Shadow Is Here
Yeaver's Point Of View
Natapos din sa wakas ang quest naming apat and the most shocking part para sakin ay hindi yung pagkapanalo namin kundi yung nakuha naming price sa quest din na yun.
The four of us received a very special gift box kung saan ang loob nito ay dalawang special coin na kung hindi kami nagkakamali ay kaparehong-kapareho talaga nung binigay ng butler kay Kuya Quill.
Akala namin hindi totoong half a million ang amount ng gold sa game nung isang coin nayun pero nung sandaling ma check ko mismo dahil kasabay din nung pagpapaalam namin sa isa't-isa, mag isa akong pumunta sa isang store na malapit at nakakagulat ngang legit ang sinabi ng butler NPC nayun samin.
Eksaktong 500,000 golds ang amount na nakuha ko nung ibinenta ko yun sa store owner na NPC. Nakakakaba to. Kung pwede lang talagang ma convert ang gold nato sa totoong pera siguradong milyonaryo na ako ngayon. Hindi lang pala ako kundi pati nayung tatlong nakasama ko sa quest dahil meron din silang ganito.
At dahil dun, bumili na ako ng mga items na pwede kong i upgrade at sa araw din nayun ay nagpasya na akong bumili at gumamit ng iba namang sandata para sa darating naming laban. Napapansin ko kasing medyo malaki ang disadvantage ko kapag laging daggers lang ang sandata ko lalo na at pahirap ng pahirap ang mga nakakalaban namin ngayon.
Akala ko din kasi magsisimula pa ako sa mahinang mga kalaban dahil hindi naman ako umaasang matatanggap agad ako bilang member ng Evil$aints ng ganun lang kabilis. But om the contrary, sobrang saya ko naman nun. Kahit medyo nabibigla ako at hindi agad nakaka adjust sa laro na medyo mahirap, kumbaga nabigla ako sa hard vibe ng laro pero mabuti nalang talaga at nandiyan si kuya Shadow dahil siya ang mentor ko.
"Anything i can help you, sir?" Masayang tugon ng isang weaponry owner sakin nung sandaling makapasok na ako sa store niya para bumili ng sandata.
"Ah. Gusto kolang sanang pumili ng magandang sandata. May laban kasi kami mamaya at medyo malakas yung mga kalaban." Hindi ko alam pero simula nung mapansin ko kung gaano makipag-usap samin ang butler nung quest nayun, napansin ko na tila ba ay parang totoong tao talaga ang kausap mo at hindi isang programmed na tao lang.
It feels like they have personal opinions on their own na parang hindi kasali sa code na ginamit para mabuo sila which is so remarkable and mysterious at the same time. Feeling ko nga nasa real world ako ngayon eh kahit na alam ko namang naglalaro lang ako.
"Well then, feast your eyes with our finest and latest invented weapons. Enjoy peeking." Ngumiti lamang ako sa sinabi ng store owner at nagsimula nang maglibot libot sa store nato kung saan punong-puno ng mga sandata sa palibot ng silid.
Mayroon pang nakalagay sa isang salamin at mayroon ding nakalagay na presyo na napapalunok kana lang dahil sobrang bigat nito sa bulsa. Kung maka presyo naman sila, aakalain mong ang yayaman ng lahat ng customer.
Mayroon din akong nakita dung isang broad sword na kasing laki lang din nung palaging ginagamit ni kuya Joker pero iba ang kulay nito kumpara sa kaniya at siguradong bago lang din ang modelong nandito.
Marami ding mga iba't-ibang klase ng bow and arrow na nakasabit sa dingding habang mayroon din namang mga magagandang disenyo ng knight swords dito. Marami ring daggers dito at nakita kopa nga yung kapareho ng dagger na gamit gamit ko ngayon pero hindi kona yun tiningnan pa dahil kagaya nga ng sinabi ko, gusto kong mag-iba ng sandata.
Bilang assassin, ano naman kaya ang pipiliin ko? What should be the best option there is? Sa aking paglalakad-lakad dito sa store napako ang tingin ko dun sa isang katana sword na may kulay red na hilt habang kulay pula at may disenyo ng flame ang blade nito. Kulay puti naman yung kabilang edge nito kaya't sobrang ganda nitong pagmasdan.

BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
FantasyThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...