Ranked #57: Against the Dark Monsters • Part 4

133 21 4
                                    

Chapter 57: Against the Dark Monsters • Part 4

Jeremy's Point Of View

Mabilis na pumihit paharap kay $even ang monster nayun na kaniya ding ikinagulat sabay mabilis na patalong umatras ng halos apat na metro din palayo sa monster.

Pero kasabay din nang paghinto nito sa pagkakaatras ganun lang din ang bilis na pagsunod ng monster at nakalitaw agad ito sa harapan mismo ni $even sabay harapang pinabulusok ang kanang kamao nitong nababalot ng black energy tungo sa mismong mukha ni $even, kaya't mabilis din niyang naihilig pakaliwa ang leeg niya.

Sabay gamit ang kaliwang kamao din ng monster nayun paabante din nitong inuppercut ang panga ni $even kaya't paikot na iginilid ni $even ang katawan pakanan niya at nung makapwesto siya sa kaliwang bahagi ng monster inakma na sana niyang iwawasiwas ang dalawang espada pahalang sa tagiliran nito nang paikot din namang harapang sinipa ng monster diretso ang mukha ni $even.

Kaya't nanlaki ang matang iniharang ni $even anf dalawang pisnge ng espada sa paparating na sipang yun at sobrang lakas ng impact nun dahil napakabilis at napakalakas ding tumalsik paatras si $even dahil sa shockwave force na kumawala sa atakeng yun ng monster.

Pero nanatiling nakatayo si $even hanggang sa matigil siya sa pagkakatalsik ng halos siyam na metro mula sa monster.

Pero sa kasabay na pagkakataon ay lumitaw din sa mismong likuran niya ang monster nayun at nung bahagyang naipihit ni $even ang gulat na mukha sa kaniyang likuran kasabay ding pinabulusok ng monster ang nagtataasang kuko nito sa kanang kamay patungo sa mismong mukha ng kasama ko, kaya't buong bilis akong hindi nagdalawang-isip na kumilos.

At nung sandaling dalawang pulgada nalang sana at matutusok na ang mga mata ni $even sa matutulis na kukong yun ng monster mabilis din akong nakapagitan sa kanilang dalawa, sabay gamit ang kaliwang kamay mabilis kong nasampal paitaas ang kanang kamay ng monster nayun kaya't hindi nito natuloy ang atake kay $even.

Kasabay rin nun ay paabante kong pinabulusok ng harapang suntok ang dibdib nito gamit ang kanang kamao kong may gauntlet kaya't mabilis na tumalsik si Lucifeer papalayo sakin nang halos anim na metro lang din.

"Akala ko hindi ka aabot." Sabi ni $even kaya't nalingon ko kaagad ito. "So will you tell me now what's wrong with this monster? Alam mona ang sagot sa riddle diba?"

"Ang dalawang sungay at pakpak niya ang sagot sa riddle." Diretsong sagot ko din naman, kaya't bahagyang nagulat si $even and then na napag-isip isip din niya na tama nga ako dun. "The sign of rising is the wings. And the sign of a demon is no other than the horns."

"Bakit napaka simple naman ata?"

Natawa ako sa sinabi ni $even. "Simple things are much harder sometimes."

"So what we should do, is to cut all it's wings and horns then we can finally get it's head to finally kill it, tama ba ako?" Mabilis na sabi ni $even.

Napatango ako sabay hinanda sa kanang kamao ang gauntlet. "Kapag lumipad na ito malamang magiging imposible na satin ang mahabol ito dahil malakas din ito sa long range battle. Kaya't kailangan nating tapusin to bago pa niya gawin yun."

Malakas akong nagbuntong-hininga at nung akmang tatakbuhin kona ang monster para atakihin. Bigla nitong inangat ang naka stretched na kanang braso paturo sakin ang nakabukang palad niyang nababalot ng black energy sabay napakabilis itong pinabulusok na parang isang black energy beam.

Kaya't nanlalaki ang mata kong naiharang agad ang gauntlet ko pasalubong sa paparating na beam energy.

Kaya't nung sandaling tumama nga yun sa aking gauntlet isang napakalakas na shockwave ang kumawala kaya't nagkabitak din ang lupang kinatatayuan ko habang tuloy-tuloy lang ang beam nayun kaya't tuloy-tuloy lang ding na de deflect ng gauntlet ko ang beam nayun sa iba't-ibang direksiyon habang bahagya din akong na da drag paatras kaya't nagtiim-bagang akong nagpipigil na wag tuluyang tumalsik sa sobrang lakas na force ng beam nayun.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon