Ranked #05: Red Hologram

186 31 3
                                    

Chapter 05: Red Hologram

Jeremy's Point Of View

Virtual Reality machine. Or ang VR machine. Ayun kay sir Jason ito ay isa dawng machine na  gawa lamang sa mga piling minerales na ilang taon din nilang hinahanap at pinag eexperimentuhan hanggang sa makagawa sila ng ganitong klase ng machine.

Ginawa ang machine nato na ayun sa paliwanag ni Sir Jason, konektado ang proyektong ito sa kilalang WOR online virtual reality game na nilalaro at pamilyar sa halos lahat na ng mga tao sa mundo.

Ang VR machine nato ay umabot ng halos dalawampung taon na ang lumipas bago nila nasimulang itayo ito dito. Sobrang tagal nila itong pinaghandaan dahil nga hindi biro ang proyektong ito.

"Hindi kopa nasasabi sayo ang tunay na dahilan at kung ano ang function ng machine nato kaya't gusto kong makinig kang mabuti." Sambit ni sir Jason sakin.

Humarap siya sakin bago ito nagsimulang magsalita. Nasa tabi kolang si Enerie at si ate. "Ang VR machine ay isang highly-upgraded na NerveGear na sinusuot ng mga tao kapag sila ay naglalaro sa WOR online. Kung iisipin napakawalang kuwenta talaga ng proyektong ito dahil pwede ka namang makapaglaro sa virtual world gaya ng WOR online kung may NerveGear kalang at hindi na kailangan pa ang ganito ka laking machine para lang makapasok sa laro. Totoo yun."

Pinapaliwanag ni sir Jason samin ngayon ang lahat ng ito habang sini set up ng iba ang isang electrical inclining chair dun sa mismong gitna ng platform sa machine na nasa aming harapan.

"Kung ganun, bakit po kayo nagpapakahirap na tapusin ang proyektong ito kung mas efficient naman na normal na NerveGear nalang ang gamitin ng tao imbes na ang VR machine pa na ito?" Tanong ko naman.

"Ganun din ang pinakaunang tanong naming lahat na nagtatrabaho dito kay master Jing at alam moba kung ano lang ang sinagot niya?"

"Ano po?"

Ngumiti si sir Jason sakin bago ako muling sinagot. "Kung papipiliin ka sa dalawa, ano ang mas gusto mo; ang mag kotse o ang mag eroplano?"

Napakunot naman ako ng noo sa tanong niya kaya't sandali akong hindi makasagot rito. "Ano pobang ibig nyong sabihin dun?"

"Ang ibig sabihin lang nun ay kung isa kang traveler na gustong makarating sa iba't-ibang sulok ng mundo, sa tingin mo ano ang mas magandang transportasyon para sa bagay nayun? Diba ang eroplano? The more hassle the more adventure you get. What i'm trying to say is that. Master Jing is a very smart old man dahil may nakita siyang kunting clue tungkol sa dark secret ng WOR online. Sa madaling salita, isang new map o rehiyon na bukod sa nakikita nyo sa loob ng laro ngayon. Master Jing wants to find that place at siguradong imposibleng mahanap niya yun kung NerveGears lang ang gagamitin nya, so he created this VR machine to capture more bigger servers at baka isa na ang server kung nasaan ang new map nayun nakatago. Pati kami curious talaga dun at kahit na hindi namin alam kung totoo ba talaga yun o hindi. Hindi pa rin talaga tumitigil si master Jing na mahanap yun."

Isang new map? Isang bagong mundo na nasa kaloob-looban mismo ng WOR online game server ngayon? Paano naman yun mangyayari? Ibig sabihin ba nito mayroong nakatagong secret data o server sa loob ng game nayun at matagal na itong hinahanap ng isang matandang scientist?

"Sir Jason. Tapos napo ang pag aatach sa chair. Sabihin nyo po kung pwede na nating simulan ang first test." May lumapit na isang scientist kay sir Jason at sinabi yun.

Tumango si sir Jason rito. "Hindi muna sa ngayon. Tawagan nyo muna si master Jing dahil siya mismo ang mag te test dito." Sagot ni sir Jason at tumango naman ang lalaki bago ito umalis agad at nagtungo sa isang tabi at may tinawagan.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon