Ranked #58: Jeremy

150 23 4
                                    

Chapter 58: Jeremy

Enerie's Point Of View

1:00 PM na natapos ang trabaho ko para sa araw na ito ngayon kaya naman mabilis nadin akong nag-inat ng kamay sabay malakas na nagbuntong-hiningang sumandal sa inclining chair ko at sandaling ipinikit ang aking mata para makapagpahinga hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.

Nagising nalang ang diwa ko nang bigla akong makarinig ng isang sunod-sunod na katok sa pinto.

"Excell! Mamaya mona ako istorbohin please."

"Hoy! Ako to. Si Sandra. Pwede ba akong pumasok?"

Si Sandra? Nang marinig kong may sumagot dun sa labas ng pinto kaagad din akong tumayo. "Bukas yan." Sabi ko din naman at hindi nga nagtagal ay bumukas nadin ang pintong yun at pumasok nga si Sandra.

"Hi! Kamusta kana?" Bungad na tanong din naman nito sakin kaya't napangiti ako.

"Eto. Busy pa rin." Sagot ko din naman habang inaayos ang ilang papers na nakausli sa pile nito.

"Sunday ngayon a. Diba dapat nagpapahinga ka man lang?" Nakalapit na si Sandra sakin at mas lalo talaga siyang gumaganda ngayon.

"Bakit parang ibang-iba ang itsura mo ngayon? May lakad kaba?" Tanong ko din naman rito at tumango siya.

"Tama ka. Kaya samahan mona ako."

"Naku. Hindi ako pwede." Diretsong sagot ko din naman tsaka muling naupo.

"Bakit naman?"

"Pagod ako e."

"E palagi ka namang pagod diba?"

"Basta. Ayoko muna."

"Enerie. Kasama naman natin si Elfin e. Kaya samahan mona ako. Birthday niya kasi at wala siyang ibang makakasamang e celebrate yun." Tugon pa nito sabay ni lean ang mukha sakin.

Hindi nalang ako nakatugon.

"Enerie sige na. Pumayag kana please! Tapos ikaw pa ang clanmate niya tapos hindi ka sasama? Hindi tama yun."

"Kainis ka. Sige na nga."

"Ayos! Salamat Enerie. Halika na. Sabay na tayong pumunta dun sa bahay nila." Sabay hinatak na ako nito patayo sa upuan at hawak-hawak ang balikat kong lumabas ng silid nayun.

"Ah teka. Ngayon naba?"

"Oo naman. Sa bahay ng lola niya e ce celebrate ang birthday niya kaya medyo malayo-layo din yun dito dahil siguradong nandun nadin yung iba mopang clanmates." Dahil sa huling sinabi ni Sandra napatigil ako sa paglalakad kaya't taka niya akong tiningnan. "Bakit, Enerie?" Tanong niya naman.

"Ah. Wala. Wala naman." Sabay kusa na nga din akong naglakad ulit tungo sa kwarto ko para magbihis.

Lagpas isang linggo na ang lumipas mula nung matapos ang dungeon raid namin ng Evil$aints kung saan ay nakalaban namin ang isang dark monsters dun. Yun nadin ang huling beses na nakita ko si Jeremy dahil simula din kasi nun hindi na siya nag online hanggang ngayon. Yun ang nabalitaan ko kina $even at ng iba pa.

After that dungeon raid, hindi na ako kinakausap o ginugulo ni Jeremy. Siguro gusto niya lang akong bigyan ng kunting space where i can stop worrying on something na guguluhin niya ako.

Kahit sa social media accounts niya hindi ko siya nakikitang active or kung active man siya, hindi ako online ng mga oras nayun. Kahit sa school, hindi ko siya nakikita. I guess he was away or something at inexcuse lang siya ng adviser niya. The reason? I don't know.

Nahihiya din naman akong magtanong kina Sandra or Joshua kung ano na nangyari sa lalaking yun. Well. Kung hindi siya magpapakita sakin, mas mabuting linawin na nya. Hindi yung nang-iiwan sa ere.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon