Ranked #28: Evil$aints vs. DemonWard • Part 2

157 30 4
                                    

Chapter 28: Evil$aints vs. DemonWard • Part 2

Jeremy's Point Of View

"Yeaver. Eerie. You need to get out of here. Kailangan nyong mahanap si Guinev to protect her at all costs." Hindi nilulubayan ng tingin si Kagiya na utos sa dalawang kakampi kong nasa likod.

"Roger that!" Sabay din naman nilang sagot bago mabilis na nagpatuloy sa pagtakbo kaya't kahit gustong-gusto ni Kagiya na habulin at tapusin ang dalawang yun ay hindi niya yun kayang magawa ng ganun kabilis dahil nga nakatutok ang dalawa kong mata sa kaniya.

One wrong move and he will end up the very first player na ma eeliminate sa larong to. I guess he's smart enough to not move carelessly. And that is a very bad sign to start this fight.

Nakatutok ang espada few meters away from him. At nung sandaling kumilos siya ay yun nadin ang naging cue ko para umabante nadin para salubungin siya.

When the time na kalahating metro nalang ang distansya naming dalawa sa isa't-isa ay mabilis ko din namang pahalang na iwinasiwas ang espada ko directly towards his right neck pero mabilis naman siyang nakapag somersault palagpas sa uluhan ko at mabilis na nakalapag sa likuran ko kasabay nung sandaling maiwasiwas ko ang espada sa harap. With that small distance and quick trajectory, napakadelikado kapag nagpabaya pa ako kapag lumalapit sa kaniya.

"I'm getting excited with this already!" Malakas na sigaw ni Kagiya at kasabay nung pagkaharap ko kay Kagiya ay sumalubong agad saking mukha ang nakabukas na palad nito na may gauntlet sabay mabilis na sinakop ang mukha ko.

At nung sandaling pipigsain na niya ang mukha ko gamit ang gauntlet nayun, "Silent Slash!" Kasing bilis lang ng kidlat na tila ba'y may dumaan na kunting trail of slash sa pagitan naming dalawa ni Kagiya at sa napansin nalang namin si $even na nakatalikod sa amin ngayong pagitan.

Pagkatapos ay bigla-bigla nalang ding naputol ang braso ni Kagiya kung saan nakahawak sa mukha ko. That was a very clean cut and fast.

Dahil sa pagkakawala ko sa hawak ni Kagiya ay mabilis din naman nitong iginalaw ang isa pa nitong kamay para suntukin ako sa mukha pero mabilis din namang nakakilos ulit si $even sabay mabilis na nahiwa ulit pababa ang wrist nayun ni Kagiya.

Sabay din nun mabilis kong iwinasiwas ang espada ko pahalang sa tiyan ni Kagiya pero mabilis siyang nakaatras ng halos tatlong metro palayo sakin.

Pero mabilis din namang lumitaw si $even sa likod niya. At nung sandaling maibaling ng saglit ni Kagiya ang atensiyon sa likod ay sinamantala ko ang pagkakataong yun at mabilis na naka sprint papunta sa harapan ni Kagiya.

And as if a cue, saglit na napangisi si $even sa likuran ni Kagiya na na gets ko naman din ang nais niyang iparating.

And at the very same time ay mabilis kaming nag cast ni $even ng skill namin habang napapagitnaan si Kagiya.

"Spinning blade!" Sabay naming sigaw pero nung sandaling tatamaan kona sana ng pahalang na umiikot kong blade ang leeg ni Kagiya habang si $even ay sa likod nito pero sa isang pitik lamang ng isang daliri s hindi namin malamang lokasyon nanggaling bigla nalang umapaw ang malakas na fire force sa paligid ni Kagiya na nag anyong ulo ng agila kung saan nasa loob si Kagiya nun.

At sa sobrang tibay ng fire force nayun na nakaharang sa buong katawan nito ay biglang natigil ang spinning force namin pareho ni $even nung sandaling makatama lamang ang mga espada namin dun na agaran naman din naming ikinabigla.

At kasabay din nun ay may mabilis na kumawalang tila dalawang kamao na anyong apoy din at sabay kaming direktang natamaan ni $even sa aming mga katawan na naging dahilan para mabilis kaming napatalsik papalayo.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon