Chapter 18: Evil$aints vs. SolemnCircle • Part 4
Yeaver's Point Of View
Mabilis namang nawala ulit sa paningin namin si Drion matapos niyang ma eliminate ang Archer namin na si Elfin. He's fast like the wind. Lumalabas lamang siya kapag may target siyang nakikitaan ng butas at dun siya lalabas ulit.
That seems like a bad news, right? Hindi lang pala si Vaniki ang problema namin ngayon dahil hindi namin alam na ganito maging seryoso sa paglalaro ang wizard nila.
"Yeaver sa likod!" Red suddenly shouted making me turn to my back at nakita ko kaagad si Drion at handa nang itusok saking dibdib ang kaniyang wind sword kaya't mabilis naman akong napagilid patungo sa aking kanan para ilagan yun pero masyado akong naging mabagal at tumama yung thrust attack niya sa kaliwang braso ko.
"Aurghk!" Ungol ko dahil mabilis na tumagos ang espada niyang yung sa buto ko. Mabilis pa niya itong tinwist habang nakatusok pa rin sa braso ko kaya't mabilis ulit akong napasigaw sabay buong lakas at harapang sinipa siya sa kaniyang dibdib gamit ang kaliwang paa ko pero mabilis lang din niya yung nasampal pababa gamit ang kaliwang palad niya dahil yung kanan niya ang may hawak sa wind sword.
Kasabay din nun ay mabilis niyang hinugot ang espada mula sa braso ko kaya't napaatras agad ako ng isang hakbang habang iniinda ang sakit.
Pero mabilis din siyang nakalapit muli sabay mabilis niyang winasiwas diagonally downward mula saking kaliwa pakanan ang kaniyang wind sword kaya't gamit ang kanang kamay ko sinalubong ko naman ng aking katana ang slash niya making sharp sounds at the same time it made contact.
Sinubukan niya ulit na i slash pahalang patungo saking leeg ang espada niya pero nakayuko naman ako sabay ako naman ang nag slash upward ng espada ko tungo sa baba niya pero mabilis din siyang nakapagilid kaya't muntik lang masagi ng aking blade ang pisnge niya.
Kasabay din nun ay paikot niyang sinipa pahalang ang aking kanang tagiliran pero nung muntik na niya akong matamaan dun, mabilis ko ding naigalaw at naiharang ang kanang tuhod ko kaya't hindi niya ako tuluyang nasipa.
Kasabay din nun ay mabilis din niyang harapang isinuntok ang isang kaliwang kamao niya sa mukha ko pero kaagad ko din namang naihilig pakanan ang leeg ko.
He again tried to slice horizontally my waist pero mabilis akong patalong umatras ng halos dalawang metro mula sa kaniya. Kaya't nung sandaling lumapit siya buong lakas ko ding pinadyak sa lupa ang isa kong paa paabante kaya't nagkaroon ng bitak ang bahaging yun ng lupa dahil sa pwersa at kasabay din nun ay mabilis na nabalot ng apoy ang buong katawan ng katana ko at mabilis yung winasiwas pahalang tungo sa dibdib ni Drion at dahil sa bilis nun, hindi na niya nagawa pang mailagan yun sa sobrang gulat.
Ngunit nakapag somersault pa rin siya paitaas at mabilis na nakalapag sa likuran ko. Pero kasing bilis din naman ng kidlat na lumitaw si Red sa kaniyang likuran din sabay paikot na winasiwas pahalang din ni Red ang broad sword niya sa nakatalikod na si Drion pero kahit na sa bilis ng pangyayaring yun nagawa pa rin niyang maiba ang hugis ng espada niya at naghugis shield ito sabay iniharang niya yun sa kaniyang gilid kung saan banda tatama ang espada ni Red mula sa kaniyang likod.
The impact completely messed the shield and broke it pero kasabay din ng pagkawasak nun ay tuluyan nang tumalsik si Drion pagilid at tumatagos sa mga dingding ng kabahayan at sobrang ingay ng bawat bahay na natatagusan ng tumitilapong katawan niya.
"Tsk. Sana ginamit kona lang ang skill boost ko dun para natapos kona siya. Kaasar!" Naiinis na bulong ni Red kaya't napaharap naman ako sa kaniya. Isa namang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid at kasabay din nun ay may isang sobrang bilis na bala ang dumaan sa mismong mga mata ko mula sa isang matigas na dingding ng isang bahay ngayon na kinadidikitan ko kaya't mabilis kaming napadikit pa lalo sa dingding at sabay yumuko.
![](https://img.wattpad.com/cover/291895417-288-k266420.jpg)
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
פנטזיהThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...