Ranked #09: Damsel-In-Distress Quest • Part 3

128 25 1
                                    

Chapter 09: Damsel-In-Distress Quest • Part 3

Yeaver's Point Of View

"Kuya Joker. Ayos lang po ba kayo?" Mabilis akong lumapit sa kaniya at mabilis din naman siyang nakatayo at malimit na tumango sakin na sinasabing ayos lang talaga siya.

Pagkatapos ay inilibot ang kaniyang tingin sa paligid. "So he escaped again." He concluded.

Napatango nalang din ako. "Mukhang kailangan po talaga nating wasakin lahat ng bricks dito sa paligid nato bago natin siya harapin."

"Yeah. Kung ganun lang sana kadaling gawin yun, kanina pa natin sinimulan. Pero sa dami ng mga bricks nato, at sa bilang meron tayo, imposibleng matapos natin to nang hindi lumalampas sa tinakdang oras. Kahit na alam nating ganun ang mga kilos ng Red king hindi pa rin natin masisiguro na mapapadali ang pagwasak sa mga bricks nato."

"Tama po kayo. Sobrang tibay din kasi nito kahit na medyo mukhang luma na."

"Nevertheless, we need to hurry this up para matapos na to. Kaya natin to." Pang chi cheer up niya sakin bago mabilis na tumakbo kung saan para hanapin ang kalaban namin.

"Opo!" Nakangiti ko ding sagot bago siya sinundan sa pagtakbo.

Kung titingnan ngayon mukhang malapit pa naming makalahati ang pagwasak sa mga bricks kaya't mas binilisan pa nina Kuya Falcon at kuya Quill ang kanilang kilos. Marami na silang nailabas na mana power pero hindi pa rin sila tumitigil sa kanilang mga ginagawa.

Hindi rin naman nagtagal at bigla akong natigil sa aking pagtakbo nang sabay lumitaw ang King sa isang brick sa bandang kanan ko kaya't hindi ako nag-alinlangan at mabilis kong winasiwas pahalang sa kaniyang leeg ang nasa kaliwang dagger ko pero mabilis lang ding nag shift ulit siya sa katabing brick kaya't nagasgasan kolang ng kunti ang brick na ipinalit niya sa pwesto niya.

"Tsk!" Lalapitan kopa sana ito para atakihin pero mabilis ulit itong nag shift at nawala nalang bigla sa aking paningin kaya't mas lalo akong nainis dahil imposible talagang matalo namin siya kung ganito lagi hanggang sa matapos ang countdown.

Maliban nalang kung mas mabibilisan nung dalawa ang pagwasak sa bricks pero gaya nga ng sinabi ni kuya Joker kanina, mahirap maubos ang lahat ng bricks dito dahil tiyak na mauubusan lang kami ng oras bago pa namin ito tuluyang maubos.

Nabalik sa brick wall na nagasgasan ng blade ko ang aking tingin at tila bigla akong napatigil dahil parang may naalala ako. "Scratch is fine."

Yun ang mababasa mo sa weakness profile ng Red King. Hindi ko ito napansin kanina dahil yung SP agad niya ang nagpa divert ng atensiyon ko at hindi kona naisip na may weakness din pala ito. But it's in a kind of a riddle or something. All i need to do is to think a simple answer para malaman namin ang kahinaan ng haring yun.

Scratch. Scratch. Scratch. Scratch.

Ano nga ang tagalog ng scratch? Oh! I'm so dumb. Bakit ngayon kolang to napansin? Nakakainis! I need to tell the others about this. Kung tama ang nasa isip ko ngayon. Walang dapat sayangin na oras. Sana gumana.

Hindi nagtagal ay nagkita kita kaming apat sa isang spot kung saan marami pa ring mga bricks at todo tingin din kami sa paligid dahil baka nasa malapit lang pala ang King nayun at nakikinig. Kung may sariling isip yun malamang ibabaliktad nun ang plano na gagawin namin. Pero thank goodness, wala naman kaming napapansing kakaiba so far.

"What's this meeting all about? Hindi tayo dapat magsayang ng oras sa ganito."

"Let's just hear Yeaver's plan alright? Sabihin mona ang nalaman mo." Nagpasalamat ako kay kuya Joker sa pag back up niya sakin kaya't hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi na sa kanila ang nadiskubre at ang plano ko.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon