Chapter 49: Just Like I Always Do
Jeremy's Point Of View
Kinabukasan.
Nagsimula na ang mga hinandang activities ng section namin at medyo nakakatuwa pero meron ding nakakapagod.
"I'm not doing that!" Sigaw ko dahil naglalaro kami ng truth or dare challenge at mukhang ako pa talaga ang napag tripan.
"Sige na jeje. Gawin mona." Pamimilit pa ni Sandra kaya't ang sarap tuloy nitong inudnod ang mukha sa lupa.
"Not happening, Sandra. Iba nalang." Pero patuloy din ang pagtanggi ko dahil hinding-hindi talaga ako gagawa ng ganung klase ng bagay sa buong buhay ko.
"Okay sige na nga. Iba nalang. Ah! Halikan mo ng ten seconds si Enerie." Pag-iiba nito ng challenge kaya't nagulat si Enerie dun habang malakas namang naghiyawan ang lahat.
"Hoy. Grabe ka Sandra. Ten seconds talaga." Protesta agad ni Enerie pero tinawanan lang siya ng kausap niya.
Natapos ang laro naming yun hanggang sa maggabi na din at puro katuwaan at kalokohan lang ang ginawa namin.
May kunting activities naman ang pinagawa samin ng guro gaya ng paggawa ng reports about sa mga na experience namin dito sa camping trip namin at kunting sharings narin tungkol sa mga buhay ng bawat isa habang nakaupong nakapalibot sa isang malaking bonfire.
"Mr. Jeremy? Ikaw na ang mag share." Saad bigla sakin ng teacher namin dahil natapos na si Enerie sa pag she share niya na katabi ko. "Tell us something about you or your family or anything. Basta ikaw ang bahala."
"Okay maam." Tugon ko naman at mahinang nagbuntong-hininga tsaka ngumiting nakatingin sa bonfire.
I started sharing my life to them. Not the whole story of course, i shared to them about my parents passing. About how life really means with pain and how to cope up on something important no matter how hard life can get.
Medyo nagiging ma drama na ang buhay ko sa paningin nila kaya't tinapos kona din dun ang sharing ko at hinayaan na yung iba na makapag share din.
After that, hinayaan na kami ng guro na matulog kaya't pumasok na nga yung iba sa kani-kanilang mga tents pero meron pa ring iba na talagang gustong sulitin ang gabi namin dito at nag kukuwentuhan pa rin.
"Enerie, inaantok kana ba?" Tanong bigla ni Sandra rito.
"Ahm. Hindi pa naman." Sagot din nito at lumingon sakin. "Ikaw. Inaantok kana ba?"
"Hindi pa din naman." Sagot ko naman. Mag-aalas niwebe palang at mukhang marami na sa amin ngayon ang nakatulog. Ang dami kasing lamok dito sa labas eh.
"Talaga?" Sabay humikab si Sandra. "Inaantok na kasi ako eh."
"Matulog kana." Magkapanabay naman naming sambit ni Enerie rito kaya't agad kaming nagkatinginan dalawa habang si Sandra naman ay napasimangot
"Sige na nga. Matutulog na ako. Para kasing nagiging epal na ako sa lablayp niyo eh. Basta't wag kayong gagawa ng milagro diyan ah." Sambit ni Sandra nang ito'y tumayo at nagtungo na sa tent nilang dalawa ni Enerie.
"Ah jeje." Tawag naman sakin bigla ni Enerie kaya't agad akong napalingon sa kaniya.
"Bakit?"
"Gusto kolang sanang malaman kung, kailan mo ko balak pakasalan."
Nagulat naman ako sa tanong niya kaya't natawa siya. "Hindi. Biro lang. Nauto ka naman agad." Natatawa pa nitong sabi kaya't agad ko itong sinundot sa tagiliran niya.
"Aray ko!" Daing agad nito.
"Muntik mona akong mauto dun ha?"
"Hindi muntik. Talagang nauto kita." Natutuwang sagot naman niya kaya't napailing-iling na lamang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/291895417-288-k266420.jpg)
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
FantasyThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...