Ranked #15: Evil$aints vs. SolemnCircle • Part 1

156 24 0
                                    

Chapter 15: Evil$aints vs. SolemnCircle • Part 1

Yeaver's Point Of View

Sa maikling sandali lang ay sinabi ni Red saming lahat ang dahilan kung bakit hindi siya nakabalik agad sa clan ng sobrang tagal na. Sinabi niyang may urgent matter siyang pinuntahan dun sa ibang bansa dahil may ka date daw na pinakilala sa kaniya ng dad niya at dun sa america ang meeting place nila.

"Grabe namang date yan. America talaga ang meeting place? Di pwedeng sa kalye lang?" Natawa kaming lahat sa sinabi ni kuya Falcon.

"So anong ginawa nyo dun. Mag aasawa kana ba?" Tanong ni kuya Shepherd kay Red kaya't natawa lang ang huli at napakamot sa kaniyang batok.

"Ah. Kasi. Hindi ko naman gusto ang babaeng yun. Tinanggap kolang talaga ang alok na makipag kita ako para naman hindi masayang ang lugar kung saan kami mag me meet. Bayad na daw kasi yun at sinabi na nila sakin nung nakahanda na ang date kaya't hindi ako makatanggi."

"Kung ganun, bakit hindi mo man lang kami sinabihan na ganun pala ang nangyari. Akala nga namin tuluyan kana talagang mang-iiwan samin eh." Saad ni Edrin.

"Nakalimutan kong magpaalam eh. Pasensya na."

"Hays naku. Hindi na importante yun." Saad ulit ni kuya Falcon. "Ang mahalaga ay nakabalik kana at siguradong mananalo na talaga tayo ngayon."

Napangiti si Red at napalingon siya sakin. "Siguro alam mona ang tungkol sa nangyari sa admin natin." Saad ko naman rito at malungkot siyang tumango.

"Tama ka. Nasa news ang nangyaring yun kaya't imposibleng mahuli ako sa balita. So kumusta na si admin. Nasan pala siya?"

"Good evening! Ladies and gentlemen! Thank you for waiting. And now. For the contestant of this night match of the Summer bracket list, please help me welcome. The SolemnCircle clan!"

Natigil ang aming pag-uusap nang marinig namin ang boses ng emcee sa labas sabayan pa ng malakas na sigawan at tunog ng Musika sa stage kaya't bumalik ant kaba saming mga dibdib dahil naalala na namin kung gaano ka vital ang moment nato.

"Mukhang magsisimula na ang laban."

"Good luck guys!"

"Evil$aints for the win!"

"Goodluck, Yeaver." Ngiting sambit ni kuya Shepherd sakin kaya't ngiting tumango ako sa kaniya.

Nakipag fist bump sakin si kuya Eerie kaya't nakangiti ko siyang sinabayan bago sumunod sa mga kasama ko na lumabas dito sa waiting room.

"At ang magiging kalaban nila—please also help me welcome. The clan where the legend is born. The clan of the year. It's no other than the Evil$aints clan!!"

Ang galing talaga magpa hype ng tao ang emcee nato. Kaya gustong-gusto ko talaga kapag siya na ang nagpapakilala sa clan namin eh.

Nang mapunta sa stage ang tingin namin, nakita agad namin ang limang players na nakatayo dun at matalim na pinagmasdan kaming lima ng mga kasama ko.

"But what's this, bakit tila hindi ko nakikita ngayon si Shadow sa grupo nila? Hindi ba maglalaro ang admin nila sa pagkakataong ito ngayon?"  Saad ng emcee nang mapansin niyang hindi nga namin kasama ngayon si kuya Shadow.

Napansin din naman yun agad ng mga audience kaya't mas lalo silang nag-ingay.

"Bakit hindi nyo pinalaro si Shadow?!"

"Baka matalo kayo niyan!"

"Palaruin nyo si Shadow!"

"Gusto namin siyang maglaro!"

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon