Ranked #37: Legendary vs. Legendary • Part 7

164 29 14
                                    

Chapter 37: Legendary vs. Legendary • Part 7

Jeremy's Point Of View

Mabilis kong sinuntok ang dibdib niya gamit ang isa kopang kamay kaya't kaagad din naman niyang inangat pasalag ang isa din niyang braso kaya't kahit sa lakas ng impact nun kung saan kumawala ang dalawang magkakaibang kulay sa palibot ng gubat, hindi siya tumalsik papalayo. His foot control is getting more and more annoying.

Mabilis niyang sinipa ang tiyan ko pero gamit ang kanang tuhod ko, winakli ko ang paa niya pakaliwa sabay sinidekick ang tiyan niya gamit lang din ang parehong paa and that was a direct hit to his stomach kaya't mabilis siyang napayuko ng bahagya sa sakit.

Mabilis ko namang tinwist yung kamay niyang hawak-hawak kopa rin pero mabilis din naman niyang siniko ang kanang leeg ko kaya't hindi ko natuloy ang pag twist sa isang kamay niya dahil mas tinuon ko ang atensiyon ko sa paghilig paatras ng leeg ko sabay mabilis na inupper-cut ang baba niya pero mabilis din naman nitong naihilig din paatras ang leeg niya.

Pero mabilis ko din namang nasuntok ang kaliwang tagiliran niya at nung sandaling hahablutin na nito ang ulo ko ulit mabilis kong inilagan ang kamay niyang yun sa pamamagitan ng pag-ikot ng katawan ko sabay mabilis na inupperkick siya, at direct hit yun kaya't mabilis itong tumalsik paitaas at halos walong metro lamang ang distansya niya bago ito nakabawi ng balanse at nakatayo. Bumaba ang LB niya at nasa 40% na ito ngayon. His defense is still amazing. Gotta try harder next time.

At isa pa, hindi ko rin dapat sayangin ang oras ko dahil isang minuto lang ang itatagal ng lakas kong ito.

Kaya't walang pasabi akong tumakbo papunta sa kaniya kaya't mabilis din naman itong tumakbo din pasalubong sa akin.

"So you knew about it after all! How dumb can I be dahil hindi ko man lang yun nalaman kanina." Mabilis kaming nagkalapit sa isa't-isa.

Kaya't mabilis niyang ginamit ang kanang kamao niya para suntukin ang dibdib ko kaya't sinuntok ko din naman ito pababa gamit ang gauntlet ko sabay ini swing din ang kanang kamao ko patungo sa kaliwang pisnge niya pero mabilis din naman nitong naihilig paatras ang leeg niya sabay mabilis na sinidekick ang mismong dibdib ko gamit ang kaliwang paa niya pero naiharang ko din ang kamay kong may gauntlet kaya't hindi ako nasaktan.

Gamit din ulit ang parehong paa pinuntirya naman niyang i sidekick ang tiyan ko pero mabilis ko din namang naiwakli yun pababa, kaya't gamit naman ang isa pa niyang paa ay pinabulusok niya ito patungo na naman sa mukha ko kaya't mabilis ko din namang inihilig pakanan ang leeg ko sabay mabilis na sinuntok ang dibdib sabay nilipat sa kanan ang gauntlet ko at mabilis na pinabulusok ito tungo sa dibdib niya pero mabilis din naman nitong naiwakli lang din pababa ang kamay ko sabay paikot nitong siniko ang kaliwang pisnge ko kaya't mabilis ko din namang naipansalag ang kaliwang braso ko rito kaya't dahil sa lakas ng impact ay mabilis akong napagilid papalayo sa kaniya ng ilang hakbang.

Thank goodness, hindi nabawasan ang LB ko. Mukhang nakakasabay na ako sa mga atake niya ngayon.

Mas nilakasan niya ang pagpapalabas ng puting enerhiya sa kanang kamao niya sabay mabilis itong humakbang papalapit sabay buong lakas na pinabulusok yun tungo sa dibdib ko kaya't mabilis ko din namang sinalo ang wrist niyang yun ng aking kaliwang kamay sabay gamit ang kanan, malakas ko itong isinuntok sa tiyan ko kaya't sa sobrang lakas nun ay mabilis din naman itong tatalsik na sana pero dahil nga mahigpit ang hawak ko sa wrist niya kusang tumigil ang katawan niya sabay binitawan ko din naman ito, at gamit ang kaliwa, ay mabilis ko din namang siniko ang mismong mukha niya kaya't sa pagkakataong ito ay tumalsik na talaga siya papalayo sa akin ng halos siyam na metro ang layo.

Nagpagulong-gulong ito sa lupa dahil sa lakas nun at mukhang hindi na nito masyadong nako kontrol ang paa niya para tagalan ang kung ano mang klase ng pag atake. Bumaba na naman ang LB niya at nasa 28% na ito ngayon.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon