Ranked #27: Evil$aints vs. DemonWard • Part 1

184 26 3
                                    

Chapter 27: Evil$aints vs. DemonWard • Part 1

Jeremy's Point Of View

Isang katahimikan ang naganap nung sandaling mapunta ang spotlight sa direksiyon ni Stunley na marahang naglalakad papunta dun sa bahagi ng stage kung nasan ang kagrupo niya.

Halos puro bulungan ang aming narinig at makikita sa kanilang mga mukha ang gulat at pagkalito dahil sa kanilang nakita ngayon.

"Teka lang. Diba si Stunley yan?"

"Oo nga."

"Kung hindi ako nagkakamali, dati siyang admin noon sa isang kilala ding malakas na clan. Eleven$in yata yun."

"Bakit siya nandito?"

"Kung ganun, siya ang nasa likod ng katauhan ni Skull?"

Sari-saring komento ang aming narinig mula sa mga audience pati nadin yung iba pang players na nandito ngayon sa stage mismo.

"Heh! This is quite a shocking revelation, huh. I wonder what he's old clanmates are feeling right now." Rinig ko namang nakangising bulong ni Kagiya habang nakapamulsang nakatayo lamang sa tabi ko.

Si DarkGrim naman ay tila naguguluhan din at nung magtama ang paningin naming dalawa, para bang sinasabi nito na kung may alam ba ako sa nangyayaring ito. Then i only nodded to confirm it kaya't tila naging matalim ang titig niya sakin. "Bakit hindi ko alam to?" I'm sure ganiyan ang itatanong sakin ni DarkGrim ngayon kung sakali mang nasa malapit ko siya pero iniwas kona lang din ang aking tingin at muling tinuon sa harap ang aking atensiyon.

Bakit ko naman sasabihin pa sa kaniya? Ni hindi ko nga nasabihan si Quill tungkol dito na mas close kopa yun kumpara sa kaniya.

Tumagal ng halos dalawang minuto ang ingay sa mga audience at may iba namang napapatayo. Pero nung sandaling mag feedback muli ang mikropono ng sobrang lakas ay biglang nakuha ang atensiyon ng lahat at napatingin sa direksiyon ng emcee.

"Attention, please. Stay quite everyone. We will now give the welcoming address to our very own GC president." Saad naman ng emcee sabay binigay dun kay sir Frelinko ang mic kung saan kaagad din naman itong naglakad hanggang sa huminto ito sa harapan mismo ng stage at pinagmasdan ang lahat ng mga tao.

Dahil dun ay muling natahimik ang lahat at sila'y muling nagsiupuan sa kanilang mga pwesto.

"As you all know. I'm welcoming all of you tonight. For this big event. Pero bago ko yun sasabihin. Gusto kolang sanang ibigay kay Skull ang pagkakataon, para maliwanagan tayong lahat ngayon. And please. Let's all listen to him. Let's give him a round of applause. Please." Walang ni isang pumalakpak kagaya ng sinabi ni sir Frelinko.

Lumapit naman si Stunley at ngiting tinanggap ang mikropono mula dito at hinarap ang mga audience.

Saglit na nagpakawala ng isang buntong-hininga si Stunley habang pinagmamasdan ang mga tao. At nagawa pa talaga niyang sulyapan ako na nasa gilid lang din niya. "There you have it." Sabi nito pero sakin siya nakatingin na para bang sakin niya pinapahiwatig ang mga yun. Pagkatapos ay mabilis din niyang binalik sa harap ang kaniyang tingin. "Like you all just heard a minute ago. Ako nga si Skull. This is exactly the first time na maipapakilala ko ang aking sarili sa publiko bago ang laban ko. Alam kong nakakabigla. This is clearly an unexpected moment for all of you. Pero pakiusap. Kung may galit man kayo sakin dahil sa pang haharass ko sa ibang kilalang playes din—just let me tell you na may rason ako para gawin yun. I'm not a psychopath boy who loves hurting others. I'm just doing it purposely to achieve more indirect and secretive goals na ako lang din mismo ang nakakaintindi. Masasabi nyo na ngang baliw na talaga ako kapag sinabi kopang napaka importante to para sakin eh."

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon