Ranked #26: Help Me Welcome

178 30 2
                                    

Chapter 26: Help Me Welcome

Jeremy's Point Of View

Maraming bata ang masayang nagkakatuwaan dito sa gitna ng isang park.

Mayroong naghahabulan, may nagsasayawan, may nagkukuwentuhan, at mayroon ding magjowa na naghahalikan. Haha gulat kayo no. Shout out sa mga walang jowa.

Anyways, nakaupo ako ngayon dito sa isang bench nagpapasilong sa isang malaking puno dahil sa panahon ngayon, hindi na talaga natin nakakayanan ang sobrang init ng panahon kaya't kailangan talaga nating sumilong hangga't maaari, lalo na at tanghaling tapat ngayon.

"Sobrang init talaga ng panahon ngayon. Baka sa susunod na mga taon masunog nalang tayo kapag nasikatan lang tayo ng araw." Bigla namang may nagsalita sa gilid ko at napansin ko din naman dun si Vern na nakatayo habang may hawak hawak na dalawang ice cream.

Ngumito ako rito. "Matagal tagal nadin tayong hindi nagkita, Cheater."

Sumimangot naman siya sa naging tinawag ko sa kaniya. "Alam mo, kung hindi lang talaga ako naging mabait kanina pa kita nasapak diyan. Tsaka bakit ka naka eyeglasses. Ang weird mo tuloy tingnan."

Dahil sa sinabi niya agad ko din namang tinanggal ang eyeglasses ko at nilagay ito sa bulsa ng tshirt sa kaliwang dibdib ko. "Oh ayan. Masaya kana?" Sarkastikong tanong ko naman sa kaniya.

"Tinanong lang naman kita kung bakit ka naka salamin, hindi ko sinabing tanggalin mo." Umupo siya sa tabi ko at binigay sakin ang isang ice cream na hawak niya. Nagpasalamat naman ako bago ito kinain kasabay niya.

Sandaling katahimikan lang at pinagmamasdan ko ulit ang mga batang naghahabulan sa palibot ng isang fountain at kahit na pinagpapawisan na sila ay hindi man lang nito naisipang magpahinga muna sa kakatakbo.

Ang mga bata talaga. Hindi man lang pinansin ang matinding sikat ng araw at nagpatuloy lang sa laro nila.

"So. Tell me." Bigla namang nagsalita si Vern kaya't nabalik ko sa kaniya ang aking atensiyon. "Did you actually figured out Skull's true identity?"

Tumango ako sabay nilibot ang paningin sa paligid. "Yeah. It's true. Ilang araw lang din ang nakalilipas mula nung malaman ko yun. It's pretty shocking too. I mean. Walang ni isa sa amin ang nag-aakalang si Stunley ang taong yun."

Ti next ko si Vern patungkol sa bagay nato at nagpasya naman siyang personal na makipagkita sakin kaya nga nandito kami ngayon sa park.

Malalaman din naman ng publiko na si Stunley si Skull mamayang gabi so why keep it a secret?

"Sangayun ako sa sinabi mo. Kung tama ang hula ko, malamang galit na ngayon ang mga ka clanmates mo kay Stunley dahil nga sa ginawa niyang ito."

"Hindi lang sila galit. Even Enerie wished him dead nung sandaling marinig niya mismo na ang dating admin niya sa isang clan noon ay si Skull pala." Dagdag ko naman.

"Sasabihin moba sakin kung pano mo nalaman yun?"

"Hindi."

"Okay. Pasensya na."

"No. It's okay."

Tumahimik ulit kami saglit at bigla ko nalang ding narinig ang mahinang buntong-hininga ni Vern kaya't muli ko siyang nilingon.

"Shadow." Seryosong sambit niya habang nasa harap lang ang tingin.

"What is it?"

"About Skull. May gusto kasi akong sabihin sayo tungkol sa kung bakit sobrang lakas niya." Muling saad niya kaya't bahagya akong nagulat.

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon