Chapter 1
SAMANTHA'S POV
Hanggang ngayon na nakasakay na ako sa bus ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Kumakabog din ang puso ko habang papalapit ng papalapit na kami sa kumpanya. Can I really make it?
Medyo may kalayuan pa naman kaya naisipan ko munang makinig sa earphones. Wala sa sariling napili kong playlist ay ang kanta ng OT7s. Marinig ko pa lang ang boses ni Harvin ay talaga namang hindi ko maiwasang mamula. Ang ganda talaga ng boses niya!
Nasisiyahan na akong nagsa-soundtrip nang biglang may tumatawag sa ‘kin sa Messenger. Group chat call pa pala ito.
Yowana wants you to join the video call.
Imbes na mainis ako dahil sa naudlot kong pagsa-sound trip ay himalang hindi ko iyon naramdaman. Iba talaga ang hatid na good vibes ng OT7s, especially ng boses pa lang ni Harvin. Kaya maging sa pagsagot ng tawag ay malapad pa rin ang ngiti ko.
“Wow, lapad ng ngiti ah? Natanggap ka na siguro sa trabaho ‘no, Ate Sam?” masayang saad ni Yowana. Ang cute at maalaga naming bunso.
“Hi, Ate Sam! Ay bongga, magkano sahod every month? Hehe.” pabiro namang ani ni Livana, isa pa rin sa kapatid ko. Siya ang ikatlo sa aming magkakapatid. At kagaya ko ay fan din siya ng OT7s. Kung hindi ninyo naitatanong, magaling na mananayaw ang isang ‘to.
“What’s with the sudden call? Good thing we’re now on our lunch break. Kumusta, Sam?” si Ate Winter naman na pansin kong kumakain ng lasagna. Nakasuot pa rin siya ng uniporme pang opisina. Always the serious one but she’s a sweet Ate too.
Hindi ako ‘agad nakasagot sa kanila. Ngayong naalala ko na naman ang tatlong kumpanya na tumanggi sa ‘kin ay bahagya akong nalungkot.
“What’s with the face, Sam? Kanina lang, kung makangiti ka e parang wala nang bukas.” tumawa si Ate Winter sa kabilang linya.
“I got rejected by three consecutive companies, Ate.” Pag-amin ko.
Nabakas ko sa mukha nina Yowana at Livana ang malungkot na ekspresyon. Ngunit si Ate Winter lang ang nakataas ang kilay.
“Hayaan mo sila, Sam. For sure there are still many good companies out there who are much deserving of you. Okay lang ‘yan, we know you did your best.” Ate smiled proudly at me.
“Subok lang nang subok, Ate Sam. Alam kong may mas magandang plano sa inyo si Bro.” Si Yowana naman.
“Yeah, we’re always proud of you, Ate Sam!” Saad naman ni Livana.
Hindi ko na napigilang bumulalas ng tawa dahil sa nagawa pa ni Livana na mag-finger heart sa screen. Makalokohan talagang babae.
“Hala, ano’ng nakakatawa sa sinabi ko, Ate? Wrong grammar ba ang aking english? Sorry na me in advance” nahihiyang tumawa si Livana.
YOU ARE READING
Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)
FanfictionWhat if a plain girl living in a normal village suddenly crossed paths with a famous personality? A famous idol, admired and dreamed of all. She had her chance to get closer with him. But would she stay and be each others' endgame? After all, "I'm j...