Chapter 6

65 23 0
                                    

Chapter 6

Livana's POV

"Ate Liv, kita na lang tayo after lunch ah? 'Wag mo 'kong iwan, isusumbong kita kay Mama." saad ni Yowana sa 'kin nang maghihiwalay na kami sa hallway.

Pasimple ko siyang inirapan sabay buntong hininga. Ito talagang batang 'to, laging ginagamit ang winning card niya. Kaloka, syempre ayoko naman masermonan ni Mama.

"Oo naman! Tsaka 'wag mo naman madalasin gamitin 'yang winning card mo ineng. Wala akong panama diyan." ismid ko rito na ikinatawa naman niya.

"Hahaha, bye bye. Naninigurado lang naman Ate Liv. See you mamaya..." kumaway na ito sa akin kaya tipid nalang akong ngumiti rito.

Same school lang naman kami ng kapatid kong iyon ih. Iyon nga lang, magkaiba ng department. Grade 9 pa lang kasi si Yowana which is for Basic Education Department. Samantalang Grade 11 naman ako, well, under pa rin naman iyon ng BED. Pero, I am a senior high school student na.

Supposedly, first year college na dapat ako ngayon kung hindi lang nauso si K-12. But this is life, I mean may magagawa pa ba ako? Ang life talaga parang buhay.

Kaya nga inggit na inggit na ako kila Ate Winter tsaka Ate Sam kasi hindi nila naranasan itong K-12. Napasuwerte. Si Ate Sam iyong huling batch ng mga estudyante na naka-experience ng wala pang K-12 ih. Sana all na lang.

So, now I'm in grade 11 nga. I took the TVL strand of Tourism. My dream profession is to be a successful flight attendant someday. To travel around the world. And most importantly, South Korea is my dream destination.

First semester pa lang naman kami. Pero magugulat ka na lang talaga sa bilis ng panahon. Dahil hindi mo na lang mamamalayan samakalawa o sa susunod Finals niyo na pala. Gano'n napaka-amazing talaga bumanat ng oras 'no? Nangangabog kay Flash ih.

Feel na feel ko ang paglalakad ko papuntang classroom ko con todo ngiti pa. Syempre, kahit wala naman na akong crush dito sa school kailangan pa rin na presentable at maganda tayo lagi. Lalo pa kung ganito kabongga iyong uniform mo.

Suncrest Academy is one the famous, prestigious school in our town. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay talaga namang may sinasabi sa buhay. Karamihan din sa mga nakakapagtapos sa academy na ito ay madaling nakakakuha ng trabaho.

Ipinagpapasalamat ko na siguro na kahit hindi kami ganoon kayaman ay nagawa naman kaming mapag-aral dito nina Mama at Papa. Kaming lahat simula kay Ate Winter hanggang sa 'min na nila Yowana. At malaking tulong na rin doon ang pagiging iskolar namin lahat.

Inaamin ko na hindi naman ako ganoon katalino pero masipag ako at nagagawa kong mamintina ang mga grado ko. Ganyan naman kasi talaga kapag balanse ang inspirasyon kaya pati sa edukasyon may sapat talagang dedikasyon.

I am wearing a two set uniform: white long sleeve and a midnight blue coat with the logo of the academy on its left, gray skirt, white knee socks and 2 inches heels of black shoes. 'Di ba ang bongga?

Papaakyat pa lang ako sa hagdan kasi naman 3rd floor pa iyong classroom ko. Kainis, agad na akong napairap kasi ampanget talaga ng sumalubong sa araw ko.

"Hi, papasok ka na?" Mas umirap pa ako ng todo sa naging pagbati niya.

"Obvious ba? Nasaan ba tayo? Malamang, doon nga talaga ang punta ko. Kaya kung wala ka nang matinong sasabihin, please, lumayas ka na sa harap ko." walang pasubaling saad ko naman sa kanya. Pramis, kalmado pa ako niyan.

"Ang sungit mo pa rin. Para ihahatid lang sana e." sagot niya pa sabay kamot sa batok niya.

"Wala naman nagsabi sa 'yo na ihatid mo 'ko ah? Tsaka isa pa, hindi kita inoobliga. Kaya ko na, Tyler. Gets mo? Kaya shoo!" hantaran ko pang iwinasiwas ang kamay ko sa harap niya na para siyang langaw na gusto ko nang maglaho.

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now