Chapter 10

54 13 0
                                    

Chapter 10

"Good morning!" I greeted my co-workers with a jolly smile.

It is always great to start your day with a smile. A smile that would radiate to anyone you will pass by. Most of them smiled back at me but some only gave me a light nod.

"Jolly Monday?" bungad sa 'kin ni Izy pagkapasok ko ng dressing room.

"Huh?"

She clicked her tongue. "Maang-maangan na naman siya. What's the chika?"

"Huh?"

She rolled her eyes on me. "I am now starting to hate you." aniya sabay abot sa 'kin ng coffee at pumpon ng tullips.

"Ano 'to?"

"Bulaklak at kape, ses." untag niya naman.

"Yeah, I know! Pero sino nagbigay?"

Nang tipid siyang nagkibit balikat ay doon ko natantong wala na akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya. Pumwesto na siya roon sa working space niya at hindi na ako muling inimikan. Ano kayang problema no'n?

From: Harvin Lee

Good morning, Samantha. I want to be the one greeting you first. Kiligin ka please? See you later ;)

Halos mahulog ko ang cellphone ko nang mabasa ang chat ni Harvin. Yeap, on that night we really talked about many things. I get to hear some part about himself. At kasama nga do'n iyong pagpapalitan namin ng pangalan sa facebook. No'ng una akala ko nagbibiro lang siya. Pero pagkauwi ko pa lang ng bahay ay nakatanggap ako ng friend request mula sa kanya.

No'ng tiningnan ko naman ang account niya ay nalaman kong ako lang ang friend niya do'n. Hindi ko alam kung bakit halo-halong emosyon ang naramdaman ko no'n. Ang cute lang kasi. Pakiramdam ko napakaespesyal ko talagang tao para sa kanya.

Seriously, saan niya naman iyon natutunan na 'kiligin ka please'?

Nasa kalagitnaan ako nang pagtitipa ng tugon ko kay Harvin nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang pilyong si Night. Saglit niyang binati ang iba ko pang kasama sa silid bago siya dumiretso sa gawi ko.

"Noona! Noona! Ate!" masigla siyang naupo sa tapat kong upuan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na talaga ito nadala. Masyado niya akong pinatatanda gayong magkasing-edad lang naman kami!

"Hmm?" simangot kong sagot sa kanya.

Ngumuso siya sa akin matapos niyang maupo sa tabi ko. Nagpapaka-cute na naman ang isa diyan.

"What did I do?" he uttered cluelessly.

"Ewan ko sa 'yo." Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit ko na dadalhin mamaya.

"Wait, Sam!" magaan niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

I put on a straight face while I'm mentally laughing. Inisin ko rin ang isang 'to.

"I have something to tell you..." he blinked several times. I remained silent, a sign that I am waiting for his next words.

"I g-got perfect on the Filipino quiz at Tiktok!" bulalas niya. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha niya.

Kung 'di lang siya idol, ihahalintulad ko na talaga siya sa isang bata na first time nagkaroon ng achievement sa klase. Iyong tipo na nakakuha siya ng 5 stars dahil sa perfect quiz. Oh, Night...

"Oh? Wow." Nagpanggap naman akong nagulat.

Nang umiling ito sabay irap sa 'kin, alam ko nang nagtagumpay ako sa pang-iinis sa kanya.

"Feiku." untag niya. "You don't seem proud at me even a single ounce."

"Hala siya. Ang drama mo naman, Night! Proud kaya ako." Itinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. Kulang na lang mag-cross my heart pa ako o kaya tapon susi. Charot.

Pero hindi na ako nito pinakinggan. Prente na itong umupo sa sofa habang nakasuot ng airpods. Wala na, nasagad na natin ang pasensya ni Night Serpanza.

Okay, suyo who? Suyo well, Sam. Fighting!

Kaya ang ginawa ko ay umalis muna ako sa silid at nagdiretso sa pantry. Kumuha ako ng isang tray ng strawberries at inilagay ko sa microwave. Alam kong hindi niya matatanggihan 'pag ito na ang naging katapat niya.

"Huy, fav mo oh. Unahan na kita. Salamat, Sam. Okay, no problem ikaw pa!" kinindatan ko siya.

"Pfft." Lumingon siya sa gilid. Grabe, nakakatawa do'n?

"Ayaw mo ba? Sig--"

"I'll eat it. Akin na." Wow, siya naman galit galitan? Pilyong 'to!

Nginitian ko siya nang sobrang tamis. "Ito po, sir Night. Enjoy..."

"Pfft. Drop the silliness. Gusto ko na lang humingi ng pabor." Pasimple kong nakita ang saglit na pagkakapaskil ng ngisi sa labi niya.

"Sige ba, basta kaya kong gawin. Bakit hindi?"

"Jinjja?" Tumango na lang ako.

Pinagkiskis niya ang mga palad niya habang nakapikit ang mata. Animo'y humihiling sa isang genie ng bagay na gusto niyang matupad.

"Let's go out together. A friendly date as my reward, Sam?" Mariin ang mga titig na ipinukol niya sa 'kin.

"A-Ah... i-iyan ba talaga ang gusto mong mangyari, Night?" parang maamong bata naman itong nagtatango sa akin.

May parte sa akin na hindi nagugustuhan ang nangyayari. Naging malapit na ang loob ko kay Night. At saka siya na rin ang pinakatinuturing kong kaibigan. Ayokong bigyan ng malisya pero bakit pakiramdam ko may iba siyang kahulugan sa date na iyon?

Pasagot na ako nang biglang may humablot sa akin. Natagpuan ko na lang ang sarili sa rooftop garden ng Vybe Labels. Hindi ako makapaniwala sa hitsura ng kasama ko.

Si Harvin na sobrang madilim ang awra. Hindi kagaya ng mga halaman at magagandang bulaklak dito na naghahatid ng banayad at kalmadong pakiramdam, ang lalaki ay ang kabaliktaran ng mga iyon. Hindi ko matukoy ang dahilan ng madilim niyang ekspresyon. Sa pagkakatanda ko ay maayos naman ang naging pag-uusap namin kanina sa chats. Paano at ganito siya ngayon?

Kung hindi lang kita mahal, malamang turn off na ako sa 'yo. Automatic, rupok resistant. Wala na talagang balikan.

"H-Harvin?" pagtawag ko sa kanya.

"I thought you promised to have a date with me. What was that, Sam?" kunot noong tanong niya sa akin.

"Yes, I-I did."

"Is there something going on between you and Night? Sabihin mo na sa akin ngayon para alam ko na kung saan ako lulugar. Tell me, so that I can dictate my heart to stop liking you."

—inkcyantist—

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now