Chapter 16

49 3 5
                                    

Chapter 16

Good day, Samantha!

We're writing to share some exciting news with you! You and Renesme Kang have reached the chemistry build-up stage of the process after a thorough screening. We weren't expecting to have such a difficult time deciding between the two of you. The original plan was to pick just one, but we wanted to be fair so you could develop a good rapport with the OT7s.

This entails getting to know each other and going on friendly dates, but we need your assurance that everything will be done professionally.

If you are okay with this, we would appreciate your presence by 8:00 a.m. on Monday.

Sincerely,

Vybe Labels Entertainment

"Gagiiiii!" tili ko matapos kong mabasa ang katatanggap lang na e-mail.

Hindi ko namalayan na gumulong na ako't tuluyang nahulog sa kama. Tumama ang pang-upo ko sa malamig na sahig. Aray, deserve ko ba 'yon?

Kapagkuwan ay tumunog ang ringtone ng phone ko. Inabot ko iyon at 'agad na sinagot.

"Eubuseyo?" saad ng boses sa kabilang linya.

"H-Harvin? H-Hi. . ."

I heard his low chuckles.

"I heard you received the e-mail, hmm?"

Hindi na ako nagulat. Harvin and his ways of checking up on me.

"I mean, let me rephrase that. Isn't today's the day of the scheduled e-mail of the screening result?"

Ngayon, ako naman ang napatawa. Marahan din akong napailing.

"Yes, Mr. Lee. You're really spying on me, ha?" I kidded.

"Aniyo. I am just. . . too excited to know about the result. How was it, Sam? What does the e-mail says?"

I heaved a deep breath before I uttered, "I passed, Harvin!"

"Oh, kamsahamnida! I knew you would pass, yeobo." He muttered in a hoarse voice.

Ako naman halos mawalan na ng hininga. Tila nawala na rin sa isip ko ang kaninang sakit ng pang-upo ko buhat ng pagkakahulog.

Ramdam ko rin ang pagtaasan ng dugo ko sa buong mukha ko. Grabehan si Harvin! Umagang-umaga ginaganyan ba naman ako!?

"Sam! BRYNN SAMANTHA!" marahas akong napamulat ng mata. Malamig na sahig ang bumungad sa akin.

Magkasalubong ang kilay ko. Panaginip lang pala?

"Rise and shine, lodicakes!" pang-asar pang bati sa akin ni Ate Winter.

Inirapan ko siya. Tumawa naman siya ng napakalakas dahil hindi siya tinamaan ng hinagis kong unan. Tuloy, lumabas ng kwarto nang may malawak na ngiti. Kaasar!

Mahuhuli na ako sa trabaho. Kaya minabuti ko nang mag-asikaso na ng sarili bago bumaba at mag-agahan. Pagbaba ko ay naabutan ko ang dalawa, Livana at Yowana na nag-aalmusal. Kapwa itong umiinom ng mainit na gatas at kumakain ng tinapay na may palamang butter. Hindi ko na rin inabala pang hanapin si Ate Winter, malamang pumasok na 'agad para hindi ko magantihan.

Kumain na lang din ako ng tahimik sa tapat ng dalawa.

"Nakapasa ka, Ate?" ngumunguya pang tanong sa akin ni Yowana.

Nag-angat ako ng tingin at ngumiti ng tipid. Si Liv naman halatang interesado, todo ba naman ang pag-abang sa sasabihin ko.

"Hindi ko pa alam. Wala pa yata 'yong results. Ewan ko, haha. Olats na yata ako umpisa pa lang." I bit the insides of my cheek.

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now