Chapter 18

24 4 12
                                    

Chapter 18

It was a nice day in Suredale. I love Sundays not because it's my day off but because it is church day. I made a slow turn in front of the mirror. And giggled as I loved to see me in my pastel blue dress.

"Ate Sam? Sa baba ka na lang namin hintayin." pakinig kong si Liv iyon.

Himala at nauna pa iyon sa akin makapag-ayos? Si Ate Winter wala na rin dito sa kuwarto. Nasisiguro kong nasa baba na rin siya at naghihintay.

When I already felt satisfied with my look, I immediately went down.

It only took us fifteen minutes to reach the renowned cathedral in Suredale. Magmula bata ako ay dito na talaga kami nagsisimba. Though, we really had 2 churches in the city. I can say, this is my favorite from its fascinating exterior to its enthralling interior.

As the mass began, we were quietly listening to the priest. Looking at my family melted my heart. This is one of my favorite moments with them.

Iyong sabay sabay kayong nagsisimba, makikinig sa magandang balita ng Diyos, masayang sumasabay sa mga tugon at kanta. I am glad I was born to a family where God is deeply rooted within us.

"Let us offer each other the sign of peace."

"Peace be with you." I smiled as I went to Mama and Papa. I gave them a kiss on their cheeks.

Matapos no'n ay nagsipagsunuran na rin sila Yowana, Liv at Ate Winter.

Nang matapos ang misa ay nagyaya naman si Ate Winter na lumabas at kumain. Hindi naman umabot ng dalawampung minuto ang pagmamaneho. Nakarating din kami sa paboritong chinese restaurant ni Mama.

"Order niyo lang lahat ng gusto niyo. It's on me." may pagkindat pang sambit ni Ate.

"Wow. Mapera na talaga ang ate Winter namin ah? Napakagalante!"

"Sulitin mo na, Liv baka magbago pa ang isip ko at hindi ko isabay iyong order mo sa bayad."

Nagtawanan na lang tuloy kami sa pag-aasaran ng dalawa. Nang bumaling ako kay Mama ay tila nagpipigil lang itong huwag maiyak.

"Ma? Ayos ka lang?"

"O-Oo naman. Parang kailan lang, mga maliliit pa kayo nang dinadala namin kayo rito ng Papa niyo. Ngayon, kayo na ang nanlilibre sa amin." namumula na ang pisngi ni Mama. Pansin na rin ang pangingilid ng luha niya.

"Mama, ang drama palagi! Huwag ganyan, naiiyak din ako e." pabirong sita sa kanya ni Ate Winter.

"Hindi pa ba kayo nasanay sa Mama niyo? Napakaiyakin." natatawang pakli naman ni papa.

Maya maya pa'y dumating na ang mga niorder namin. Hindi na rin kami nakapagkuwentuhan dahil kapwa na kami mga nasa pagkain ang atensyon.

"Hindi mo naman sinabi sa akin anak na ang gagwapo ng mga kasama mo sa trabaho! Gulat na gulat ako nang umagang iyon." si Mama matapos niyang kumain.

"Sinong mga gwapo? Ba't hindi ko 'yan alam?"

"Waaah, huwag mong sabihin ang OT7s iyon?!"

Natulala na lang ako. Buti na lang napansin siguro ako ni Ate Winter kaya siya na ang sumagot sa kanila.

"Hindi niya 'yon katrabaho, Ma. Actually, sila 'yong artists sa pinag-apply-an ni Sam na kumpanya. Yes, ang OT7s nga 'yon. At kaya hindi mo nakita, Pa dahil nasa trabaho kayo nang dumating sila sa bahay."

"Ayyy, sayang 'di man lang ako nakahingi ng selfie or kahit autograph ni Kenzo or ni Xavier." nakangusong ani naman ni Liv.

"Hoy, Livana umayos ayos ka. Mga matatanda na iyon sa 'yo."

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now