Chapter 8
Hindi ko namalayan na kanina pa pala tumutunog ang ringtone ng cellphone ko kapag may tumatawag. Pagsipat ko rito, shucks, si Harvin ang nagregister sa caller ID!?
"E-eubuseyo!" I tried making my voice lively to cover up my state of shock.
"What took you so long to pick up my call?" Ay, ang sungit gabing gabi na.
Napakamot ako ng ulo dahil sa inis. Ngunit kalaunan ay narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Natahimik ako. Nag-iisip kung ano na ang sunod na magiging topic namin.
"Look, I'm... sorry. I didn't mean to greet you that way. Well, uhm, good evening, Sam."
I stayed quiet as I bit the insides of my cheek. But I know deep inside of me, my heart is screaming with joy. Kinikilig ako anuba!
I shook my head harshly. Hindi puwede 'to! Sam, hindi sa lahat ng oras marupok okay?
"Punishment." seryoso kong saad sa kanya.
"W-What?"
"Huwag mo 'kong ma-what what diyan, Mr. Harvin Ethan Lee. As your punishment, you will only converse with me using Filipino. Kung ayaw mo, madali akong kausap. Ibababa ko na itong t-"
"Andwae! A-ang ibig kong sabihin, 'wag na muna. Kahit hindi pa ako gano'ng kahusay. Sisikapin ko para sa 'yo." muntik na akong mapabungisngis kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
Kahit na medyo may korean accent pa rin ang pagkakasabi niya no'n ewan ko ba, nacu-cute-an ako. Omg, ka talaga Harvin!
"Mabuti kung gano'n. Nagkakaintindihan tayo. Bakit ka pala napatawag?" I paused to check the clock near my bed. Mag-a-alas diyes na ng gabi.
"Pwede ba kitang makausap?"
"Hindi pa ba tayo nag-uusap, Harvin?"
"Yes we are. Ah, I-I mean pwede ba kitang yayain lumabas?"
"Tungkol ba ito sa kanina? Harvin... kung para 'to do'n sa pagtuturo ko sa inyo. Okay lang na 'wag na. I appreciate your g-"
"Samantha, please let me finish first. This isn't about earlier. I really want to take you out for a date. If you would let me..."
I blinked twice. I wasn't surprised that he was this straightforward. But here I am, speechless and startled again.
"A d-date? Seryoso ka ba, Harvin?"
"More than serious about you. In fact, I was standing 15 minutes outside your gate."
"A-Ano?! Ah, aray!" sa sobrang gulat ko ay nahulog na ako sa kama ko.
Agad ko namang pinagpagan ang pang-upo ko. Seryoso ba talaga 'yan si Harvin? Jusme, agad na kinuha ko ang nahulog ko ring phone. Akala ko wala na si Harvin pero ongoing pa naman iyong call namin.
At natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakadungaw sa bintana. Mabilis na nahanap ng mata ko si Harvin sa tapat ng gate namin. Naka-gray hoodie at gray sweatpants lang siya. Naka-face mask rin ngunit nang makita niya ako ay ibinaba niya iyon para mangitian niya ako.
"Magandang gabi, aking binibini." Agad akong natauhan nang marinig ko iyon kaya marahas akong napaatras.
Nagtago ako sa likod ng kurtina ng bintana ko. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas na ito sa dibdib ko. Makailang ulit akong huminga ng malalim.
"Paano mo nalaman ang address ko? At teka nga, dis oras na ng gabi Harvin! Ngayon mo pa talaga naisip 'yan?" singhal ko sa kanya kahit na kabado pa rin ako.
YOU ARE READING
Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)
FanficWhat if a plain girl living in a normal village suddenly crossed paths with a famous personality? A famous idol, admired and dreamed of all. She had her chance to get closer with him. But would she stay and be each others' endgame? After all, "I'm j...