Chapter 23
"Saranghaeyo, Sam. I love you. Mahal kita. And all the different languages of 'i love yous'. Above all, this heart of mine speaks the truest form of love I've never felt for someone before. It has always been you, yeobo."
Itinapon ko na ang sarili ko kay Harvin sa kabila nang pagluha ko sa tuwa. Kung ano man ang nagawa ko sa dati kong buhay, salamat talaga. Salamat dahil ginantimpalaan ako ng isang Harvin Ethan Lee sa buhay kong ito.
"Mahal na mahal din kita, Harvin. I love you too. Saranghae, yeobo." napahagikhik ako habang hilam sa luha.
Magaan namang pinalis ni Harvin ang luha ko. Kusa naman akong napapikit nang patakan niya rin ng magaang halik ang aking mga mata.
"My yeobo's a crybaby? She's the cutest crybaby, hmm?"
Napatawa na lang ako sa tono ng pagkakasabi niya no'n sa akin. Kaya pilyo ko namang hinampas ang balikat niya.
"Aigoo! It's painful, yeobo."
"Arte mo talaga, Mr. Lee!" asik ko naman sa kanya.
Humalukipkip ako. Gusto ko na lang maupo. Nang may makita akong bench ulit ay doon na saan ako didiretso. Ngunit hindi na rin naman ako nagtagumpay dahil hinila na naman ako ni Harvin sa kung saan.
Tumambad sa akin ang maliit na arkong entrance sa boating area ng town plaza.
"It's fine, yeobo. If you're afraid that you can't swim, it'll be fine. I am here. You'll always be safe." he gave my hand a light squeeze. "I will never let you drown except for the love I have for you."
Napangiwi naman ako para asarin siya.
"Ang mais mo na naman, Harvin." iling ko sa kanya.
"Then I'll be your favorite corn, eh?"
"Tara na nga lang. Sumakay na tayo?"
"Am I not your favorite then? Who else, y-yeobo?"
Kung ano-ano pa ang mga pinagbubulong ni Harvin. Hindi ko na rin pinansin dahil nasa boating na ang buong atensyon ko. Kahit na nagmamaktol pa ang isa riyan ay inalalayan niya naman akong maupo sa bangka namin. Ang cute nga ng bangka namin dahil mayroon itong maliit na bubong para naman hindi rin kami sobrang mainitan.
Ang ganda siguro dito kapag gabi. Iyong sobrang liwanag ng buwan tapos may floating lanterns ganern. Oh, 'di ba lakas maka-Rapunzel. Pero iyon lang naman ang thoughts ko if ever na mamasyal akong muli rito ay sisiguraduhin kong gabi na.
Marami-rami na rin kaming namamangka rito. Pero hindi naman kami nagkakasalubong sa iba dahil may iba rin silang puwesto na pinupuntahan. Nang lingunin ko si Harvin ay nakanguso pa rin itong nagsasagwan.
Nakakaawa naman parang inaway na naman siya ng buong mundo. Pero dahil mabait ako ay naupo na ako sa tapat niya. Binuksan ko ang hopia na binili ko para sa sarili ko kanina. Itinapat ko iyon sa labi niya.
"Mwo?" kunot-noong tanong niya.
"Just have a bite. It will make you fall in love with me over and over again. May gayuma, Mr. Lee." I bit my lip to suppress my smiles.
Umiling naman siya sa akin. Maarte rin niyang ipinaling ang kanyang ulo para tanggihan ang inaalok ko.
"That won't work on me anymore. I felt harder that a love spell would surely be useless, Sam."
"Asus, banat king ka talaga 'no? Sige na, isang kagat lang."
He threw me a side glance and heaved a sigh.
YOU ARE READING
Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)
FanfictionWhat if a plain girl living in a normal village suddenly crossed paths with a famous personality? A famous idol, admired and dreamed of all. She had her chance to get closer with him. But would she stay and be each others' endgame? After all, "I'm j...