Chapter 13
SAMANTHA'S POV
I couldn't believe what my eyes were seeing. There's something warm that tugged at my heart. I was touched that Ate Issey and Izy are supporting me for this.
Umaapaw sa saya ang nararamdaman ng puso at sistema ko. Isang application entry ang ipinabasa sa akin ni Ate Issey kanina. Nagpapa-audition pala ngayon ang kumpanya para sa magiging leading lady ng OT7s sa gagawing MV, music video sa nalalapit nilang comeback.
Hindi mawaglit ang ngiti sa aking labi. Kusa ko na ring naitapon ang aking sarili kina ate Issey at Izy. Ate Issey registered my name on the online audition form.
"Thank you po talaga! Bakit ang bait niyo sa 'kin?" maluha-luha na ako sa kasiyahan.
"Ish, ang iyakin mo Sam!" asik ni Izy habang umiiling sa akin. Pero kita ko pa rin ang pangingilid ng luha niya.
"Of course. Anything for you. You know, hindi ka naman iba sa 'min. We're sisters, remember?" Ate Issey winked at me.
Pagkakalas namin sa pagyayakapan ay tinulungan na nila ako sa kung anong ilalagay ko sa portfolio ko. Until something dawned on me.
"Puwede mag-audition ang empleyado ng kumpanya?"
"Hala! Oo nga pala." singhap ni Izy na siyang nagpakaba sa 'kin.
Akmang titigil na ako sa pag-ayos ng portfolio nang biglang tumikhim at magsalita naman si Ate Issey.
"It is open for everyone, I mean every ladies out there, Sam. And about your question a moment ago? Of course, even an employee of the company can join too. We did asked it personally with Miss Mclaine Miranda. Kaya 'wag ka nang masyadong mag-alala o kabahan diyan. We got you!" Nakangiting wika ni Ate Issey habang marahang tinatapik ang balikat ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na huwag paulanan ng masamang tingin si Izy. Nal*ko na naman ako ng babaeng 'yon!
"IZY!" sigaw ko. Hanggang sa naghahabulan na kami na parang bata sa loob ng dressing room.
"Joke time lang naman 'yon! Ang seryoso mo masyado, Brynn Samantha!"
"Humanda ka talaga sa 'kin 'pag naabutan kita."
***
Pagkaraan ng ilang minuto ay naging abala na sina Ate Issey at Izy sa trabaho nila. Naanyayahan kasi ang OT7s ng isang kilalang kumpanya ng inumin na i-endorso ito sa pamamagitan ng isang theme song na siyang kakantahin ng kpop group. At ngayon ang araw ng pre-recording.
Natanaw ko sina Leader Riley at Xavier na prenteng nakaupo na sa harap ng vanity mirror dito sa dressing room. Tahimik lang ang dalawa habang inaayusan sila. Ngunit kapag nakakakuha ng tiyempo ay nag-uusap naman ang dalawa. Pakinig ko rin nga ang pagtatawanan nila ni Xavier.
Kapansin-pansin na mas malapit si Riley kay Xavier. Lahat naman sila magkaka-close. Iyon nga lang kagaya sa isang malaking grupo ng magkakaibigan, meron at meron talaga iyong ka-vibes mo. The so called partner in crime. At sa tingin ko, sa OT7s sina Riley at Xavier iyon.
Well, kung pagpapangkat-pangkatin ko siguro ang sub-unit nila ay magiging ganito: Riley and Xavier, Harvin, Matteo and Night, and last Frosh and Kenzo.
"Stop staring at me." he teased and let out a playful smile.
Katatapos ko lang ayusan si Harvin nang hindi ko napansin na kanina ko pa pala siyang tinititigan sa salamin.
"I have eyes, Mr. Lee. Kung bakit ba kasi ang gwapo masyado." Tugon ko ngunit pasadya kong pabulong na sinabi ang huling pangungusap.
YOU ARE READING
Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)
FanfictionWhat if a plain girl living in a normal village suddenly crossed paths with a famous personality? A famous idol, admired and dreamed of all. She had her chance to get closer with him. But would she stay and be each others' endgame? After all, "I'm j...