Chapter 17

38 3 6
                                    

Chapter 17

"Rise and shine, Saaam!"

Hindi ko iyon pinansin at mas lalo ko lang hinila ang kumot ko para takpan ang mukha ko. Alam ko naman ang sunod na gagawin ng ate e. Siguradong hinahawi niya na ngayon ang kurtina para matamaan ako ng sinag ng araw. Panira na naman ang isang 'yan ih.

Narinig ko ang papalapit niyang yabag sa may paanan ng kama ko. Huwag mong sabihin. . .

"Waaaaaah! ATE WINTER!" napaigik ako nang kilitiin niya ang mga paa ko.

This woman really knows my weakness and weak point. Shemay!

Kaya gumulong ako sa kama para iwasan siya. Nang makaiwas sa kanya ay 'agad na akong umupo sa pagkakahiga. Masama ko siyang pinakatitigan.

"Ate namann, ano'ng problema mo? Kay aga aga oh!"

"To tell you my dearest sister, there are seven people waiting on you downstairs. And what I mean about seven are them. Hindi na malaman ni Mama kung paano sila aasikasuhin. Kaya kung ako sa 'yo bababa na ako ro'n at pakikiharapan sila." Nakapamaywang pa si Ate Winter nang sabihin niya iyon sa akin.

"ANO?!" Bigla akong napatayo at lumapit sa may balkonahe namin para kumpirmahin.

To my shock, there were black cars outside my house. From the looks of it, I already knew it was from the company.

"Sam-ah! Good morning!" a voice greeted me.

It took me a few seconds to confirm who's the owner of that voice. It was from leader Riley. Nakapatong ang palad niya sa noo habang tinatanaw ako rito sa itaas. Nang marinig ng iba ang pangalan ko ay muntikan na akong himatayin nang sabay sabay naman nagpakita ang natitirang anim.

"Annyeong! Good morning!" bati naman nina Frosh, Matteo, Xavier at Kenzo sa akin.

"Magandang umaga, idol!" si Night.

"Magandang ikaw sa umaga, binibini." buong kumpyansang saad naman ni Harvin. Dinaig pa ang tindi ng sikat ng araw sa mga ngiti niyang 'yan.

"Ah. . . waaaah!" naisagot ko na lang sabay atras pabalik sa kwarto.

"Ate, anong araw na ba ngayon?"

"Lunes ngayon, sis." kaswal lang na sagot ni ate.

"Lunes?! Bakit nandito sila? Sa Thursday pa kami dapat magkikita-kita."

"Alam mo sis, dami mong ebas. What if mag-asikaso ka na para maharap mo na iyong mga koreano at hapon sa baba? Ipakilala mo 'ko ah, don't forget. Bye bye."

***

Matapos kong makapag-ayos ay kaagad na dumiretso na ako sa baba. At doon ko nadatnan si Mama sa salas habang mariing nakikipag-usap kay Miss Mclaine.

Hinanap naman ng mga mata ko ang ilan ko pang kapatid. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko mapagtanto na may mga klase pala ang dalawang iyon.

"Boys, this is what you call malunggay pandesal. It is one of the known breakfast of every Filipino. We usually pair it with a coffee or hot chocolate." pakinig ko ang boses ng ate sa kusina kaya naman ay doon na ako nagtungo.

Sa aming animan na hapagkainan ay nakita ko ang grupo ng OT7s na prenteng kumakain at nakikinig sa sinasabi ni Ate Winter. Tingnan mo nga naman, sabi niya ipakilala ko raw siya e sya na nga itong naunang magpapansin sa pito. Si Harvin pala ay nakaupo lang sa monoblock chair. Kaswal na kaswal ang galawan niya, kung 'di mo sya kilala malamang ay napagkamalan mong Pilipino lang ang isang 'to.

"Noona, you're right, it tastes good with coffee." Kenzo exclaimed while wearing a bright smile.

"Aniyo. Kenzo hyung, it's better with hot choco." Night countered.

"I like this bread. Thank you for this, noona." Riley smiled at my sister looking like a cute cat.

"You guys are so adorable!" hindi na talaga napigilan ni Ate ang sarili at ambang kukurutin pa ang pisngi ni Riley nang pigilan ko sya.

"Ate, get a hold of yourself. Mga idol 'yan masisibak ako 'pag pumantal 'yan." pabulong kong sermon sa kanya habang nakangiti naman ako sa pito.

"Hehe, sorry I lost it with my bias cutiepie! Sorry na."

Binati naman akong muli ng pito at hindi kagaya ng kanina ay hindi na ako sumigaw o nawala sa paningin nila. Tinanong ko nga rin sila kung anong nangyari.

"We were supposed to meet this coming Thursday. Bakit kayo nandito?"

"Are we not welcomed here?" Harvin butt in.

"No, it's not like that."

Nagtaas kilay pa sa akin ang lalaki mas ipinaparating ang disgusto sa naging tanong ko kanina. Topakin.

"You're right, Sam. It was supposed to be on Thursday but something came up on Renesme's schedule. That is why Mclaine-ssi said, we need not to cancel the plans if we can come to you. She said you're way more hardworking and dedicated to this. But still, we need your consent." Leader Riley explained.

"Is it fine with you, Sam?" si Xavier naman ang nagtanong sa akin.

"Well, uh. . . oo naman! I'd love to. Kayo kaya 'yan, syempre hindi ko kayo tatanggihan." I giggled.

"We knew you'd say that!" Matteo muttered enthusiastically.

"You know what, Sam it's a good thing Night knew your exact address. It really did help a lot. It made me wonder if he ever came to this place once." Frosh uttered curiously.

Well, how do I say this? Pumupunta naman talaga rito si Night kapag gusto niya. Ganoon rin si Harvin, minsan na siyang pumunta rito. Akala ko ba alam nila iyon base sa sinabi sa akin ni Night na nagpapaalam naman daw siya kay Riley at Kuya Kenzo niya?

"Actually, he--" Harvin cut me off.

"I told him about it. I was the one who told the address to Night. No more questions."

"R-Right, I knew it from Harvin hyung." Night said while rubbing his nape.

Tumango na lang ako sabay ngiti sa mga nagtatakang ekspresyon nila. Maya maya pa ay tinawag na kami ni Miss Mclaine. Nag-usap kami sa nabagong schedule na malugod namang sinang-ayunan ng aking ina para sa akin.

Hindi ko makakalimutan ang bawat reaksyon ni Mama. Mababakas ang pinaghalong saya at pagiging proud sa kanyang magandang mukha.

"Akalain mo nga naman may anak na akong artista oh! Mana sa akin 'yan." puno ng galak na pakli ni Mama.

"It is without doubt, Ma'am. You have very beautiful genes."

"Thank you!" masayang saad naman ni Mama kay Miss Mclaine.

***

Hindi ko alam na unang set pala namin ay sa beach. Good thing, pinabaunan naman ako ni Mama ng pang swimming. Hindi ko naman din sure kung maliligo ba kami o ano.

"Juice?" he smiled as he handed me an orange juice. I cannot help but smile as I trace my fingers on the umbrella cocktail.

"You're always pretty whenever you smile."

"And you think you're gwapo habang binobola ako, Harvin?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay ngumiti siya na halos magpawala sa singkit niyang mata.

"Diyan ka magaling ih, gagayumahin na naman ako ng mga ngiti mong 'yan." bulong ko.

"What?"

Umiling na lang ako sa kanya sabay ngiti rin ng matamis. As he was about to say something, director-nim called him. Tumango na lang ako nang magpaalam siya sa akin.

Hindi rin naman nagtagal ay tinawag na muli kami para i-shoot ang demo concept trailer. Pagpipilian pa raw kasi kung sino sa aming dalawa ni Renesme ang bagay sa konsepto. Noong una marami pa akong what ifs pero habang tumatagal parang ayos na sa akin ang sulitin na lang ang bawat oras na kasama ko ang OT7s. . . lalong lalo na si Harvin.

—inkcyantist—

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now