Chapter 20
"You're pretty when I look up close and in detail, you look lovely when I look at you for a long time."
Naalimpungatan ako nang makaramdam ng konting pag-alog. Hanggang sa maalala ko na nasa byahe pala kami papunta sa bayan ng Clarins. May isang rest house kasi doon ang OT7s kaya maganda raw na doon na kami mag-shoot ng ilang scenes.
"Finally awake?" marahan siyang tumawa habang nakatunghay sa akin.
Nag-init ang pisngi ko nang matanto kong nakasandal pala ako sa balikat ni Harvin?! Gosh, nakakahiya.
"Sorry, nabigatan ka siguro sa akin. P-Pero salamat, Harvin." Mabilis na umiwas ako sa kanya ng tingin. Kinikilig lang talaga ako.
Muli ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko rin alam ngunit tila naghahatid ito ng kiliti sa aking pandinig. Ang ganda lang pakinggan ng tawa niya. Hay, nako.
Pansin kong halos tulog din ang ibang miyembro ng OT7s. Si Riley katabi niya si Xavier pareho silang may neck pillow. Si Matteo naman katabi niya si Night. Ang cute lang ng height difference nila. Kapansin-pansin kasi na kahit sa malayo na mas malaki na sa kanya ang kanilang maknae. Sa kabilang banda naman ay magkatabi ang magkapatid na Frosh at Kenzo.
I wonder if Harvin already fell asleep? Or binantayan niya lang kaya akong matulog?
Pasimple ko lang sana siyang sisilipin kaso hindi ko naman inaasahan na lilingon pala siya sa gawi ko. Sa gulat ko e nagpanggap na lang ulit akong natutulog.
"I saw you. Stop pretending to be asleep, Sam."
Dumilat ako ng kaunti, kitang kita ko kaagad ang nakapaskil na ngisi sa kanyang labi.
"Iyon naman pala e. Nakakainis ka, pinagpanggap mo pa ako!" asik ko rito pero hininaan ko lang naman. Nakakahiya kala Kenzo ih.
Humalukipkip ako. Desidido na akong huwag siyang papansin buong byahe.
"Hey, nagalit ka ba binibini?" Naramdaman ko ang mahinang pagtusok niya sa pisngi ko.
"Matulog ka na lang, Harvin." malamig kong saad sa kanya.
"Aniyo. I don't feel sleepy at all, Sam."
Nang marinig ko iyon ay hindi ko maiwasang huwag mag-alala. Clearly, nakakapagod talaga itong preparation nila para sa bagong album. Kaya nakamamangha talaga itong dedikasyon nila sa larangang ito.
"Sam. . . are you awake?"
"Yeobo..." I felt his breath behind my left ear.
Hindi ko alam kung mangingisay na lang ako o ano rito. Shuta ka talaga Harvin! Bakit mo naman ako ni-yeobo diyan?
"Kyaaaa," napatakip na lang ako sa mukha ko. Ramdam ko na rin ang pag-iinit ng buong mukha ko sa pinaghalong kilig at kahihiyan.
"Pfft."
Nakakainis nagagawa niya pa talagang magpigil ng tawa diyan. Habang heto ako, babawian na ng buhay sa sobrang kilig.
"Yeobo's always cute when she do this." pabulong niya pang ani habang ginagaya ang pagtatakip ko ng mukha kanina.
"Don't call me that. Sa pagkakaalam ko, Mr. Harvin Ethan Lee hindi pa kita sinasagot. At isa pa, bawal sa inyo ito 'di ba? So, please huwag mo akong masyadong landiin. Marupok 'to, sobra." Hininaan ko na lang ang huli kong pangungusap.
"I can always violate those rules for you, Sam. I don't care of anything else right at that moment I met you. You're all that matters to me now, yeobo." Natulala na lang ako nang mabilis niyang nahuli ang kanan kong kamay.
YOU ARE READING
Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)
FanfictionWhat if a plain girl living in a normal village suddenly crossed paths with a famous personality? A famous idol, admired and dreamed of all. She had her chance to get closer with him. But would she stay and be each others' endgame? After all, "I'm j...