Chapter 14

40 3 0
                                    

Chapter 14

"Sam! Yohoo..."

Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala akong natulala sa pwesto ko. Aftershock na nga ba kung tawagin ngunit hindi pa rin ako ako matunawan sa nangyari kanina. I just bumped into a famous female personality. I heard a lot of praises and adoration coming from people who supports her. And I couldn't just deny the fact that she was really a beauty.

But apart from that, I am not aware and literally didn't expect that particular situation would be our encounter. Napagtarayan pa ako. Kung hindi lang sana ako nagpakalutang sa daan, wala sigurong ganoong mangyayari. And for the record, baka naging fan niya na rin sana ako. Kaso nakakahiya na um-attend ng fanmeeting or fansign tapos maaalala niya ako roon sa naging pagkikita namin. Haiish, 'wag na lang.

I'll save myself from second hand embarrassment.

"Hoy, ayaw mo na ba ng fries? Heto, oh popcorn parang hindi ka naman interesado sa pinanonood natin." nahihimigan ang pagtatampo sa boses ni Ate Winter.

Nanonood kami ngayon ng horror movie, Blood Red Sky yata iyong pamagat. Hindi ko nga masyadong natututukan dahil sa aking mga agam-agam.

"Hindi, Ate... akin pa rin 'to. Iyo na 'yang popcorn, alam mo namang 'di ako mahilig diyan."

"Sige. Basta manood ka na, ah?" tinaasan niya ako ng kilay bago niya itinuloy ang pagp-play ng movie.

Natawa na lang ako. I felt threatened on the way she darted those gaze on me. Si Ate Winter yata ang mas nakakatakot kaysa rito sa pinanonood naming mga bampira.

Nasa salas lang kami ni Ate Winter nanonood. Sirado na ang pinto sa unahan at likod ng bahay, patay ang mga ilaw at tanging ilaw na nagmumula sa tv ang nagsilbing liwanag namin. Sina Mama at Papa naman ay nagpaalam na kanina nang matapos ang hiniling nila na action movie. Samantalang sina Yowana at Livana naman ay nasa kani-kanilang kuwarto na. Hindi ko alam sa dalawang iyon kung ano ang pinagkakaabalahan nila.

Siguro nanonood na naman iyon si Yowana sa Tiktok ng mga f-ina-follow at paborito niyang influencers. Si Livana, palagay ko'y nanonood ng v-live ng mga nii-stan niyang boy groups o baka ng Going Seventeen.

"Ate, hindi raw ba tayo dito sasamahan ng dalawa? Akala ko pa naman movie night 'to?" kuryuso kong tanong kay Ate.

"Hmm... 'di ko sure, sis. Pero sabi ni Liv, bababa na lang daw sila pagtapos nilang gawin iyong projects nila. Ayaw naman kasi magpatulong ng dalawa. Kaya na raw nila. Biniro ko nga ang dalawa sabi ko, dapat na ba akong maging proud niyan? Iyon, tinawanan lang ako sabay palayas sa akin sa kwarto nila. Cruel, rude kids." may pag-iling na litanya sa akin ni Ate.

Natawa akong muli.

"Minor moments nga naman." humahagikhik kong pahayag.

Pakaraan ng ilang segundo ay natagpuan ko na lang ang sariling ko na nakikipagtawanan kay Ate Winter. Eksakto rin ay may narinig kaming mga papalapit na yabag ng mga paa.

"Tawa niyo diyan? Ang creepy rinig na rinig namin sa taas, mga Ate!" umakto pang nanginginig sa takot si Liv.

"Base sa nabasa ko sa mga ligaw na threads sa fb dot com, attracted daw mostly ang mga ghost and bad spirits sa mga nagtatawanan. Kaya dapat 'di na kayo nagtatawanan 'pag ganitong dis oras na ng gabi, Ate." si bunso, hayan na naman siya. Mananakot pa.

"H-Hoy shuta! Ateeee!" tili ni Liv sabay takbo papunta sa puwesto namin. Sumiksik siya sa pagitan namin ni Ate Winter habang nakaangkla ang magkabila niyang kamay sa braso namin.

"Hoy, babae ginawa mo naman ata kaming human shield." sita sa kanya ni Ate. Ngunit ang babaeng matatakutin, mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak sa amin.

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now