Chapter 4
SAMANTHA'S POV
This is it pancit parang kahapon lang e katatanggap ko lang sa trabaho. Parang kahapon lang din na ginusto kong pabilisin nang dumating ang Lunes. At heto na nga ako, hinahatid ni Papa sa kumpanya para sa unang araw ng trabaho.
Nagkataon din na walang tanggap at masyadong gawain ngayon si Papa sa talyer kaya heto maihahatid niya kaming lahat sa pupuntahan namin.
"Oh, mga anak sino muna ang uunahin kong ihatid sa inyo?" saad ni Papa habang binubuhay na ang makina ng medyo may kalumaan na naming kotse. Pero huwag ka, ang pulido pa rin naman kung umandar.
"Syempre, kami muna po!" bulalas ni Yowana. Napatawa naman tuloy si Papa at Mama.
Bale kasi ang posisyon namin e si Mama ang katabi ni Papa sa unahan. Tapos kami namang apat sa likuran. Kapapasok lang ni Ate Winter sadyang si Livana na lang ang kulang para makaalis na kami.
"Si Ate Liv, talaga kahit kailan ang bagal kung gumalaw!" pakinig kong reklamo ni Yowana sa gilid ko.
"Ano pa. Kay haba haba na kasi ng buhok hindi pa paputulan. Iyon naman ang dahilan kung bakit siya natatagalan sa pag-aayos ng sarili." komento ni Mama na may kasama pang pag-iling.
"Ma, hayaan niyo na po. Iyon naman po kasi ang gusto niya." saad naman ni Ate Winter.
"Hon, kalma lang. Ang aga aga ang init na agad ng dugo mo sa anak natin. Maaga pa naman, hindi pa sila mahuhuli." inabot ni Papa ang kamay ni Mama at marahang dinampian ng halik ang ibabaw na palad.
Kaya ang aming ina, sa isang iglap tanggal na agad ang init ng ulo. Hayy, salamat talaga sa 'yo, Papa! Ikaw lang talaga ang katapat ni Mama.
"Wow naman. Sa wakas, natapos ka rin senyora." bungad ko nang dumating na si Livana na sobrang bagsak at ayos ng mahabang buhok.
"Naman, Ate kailangan 'di tayo losyang 'no." tumawa na lang ako sabay tango kay Papa sa unahan.
Mabilis lang ang naging byahe. Kagaya ng napag-usapan, sina Liv at Yowana ang naunang ihatid. Sumunod, si Ate Winter at ang panghuli'y ako na.
"Oh, heto anak ang baon mo. Kumain ka sa tamang oras. Huwag magpapagutom, ah? Relax lang, kaya mo 'yan." saad ni Mama pagkababa ko sabay abot sa akin ng baon ko.
Napangiti ako. Napakagaling talaga ni Mama magluto dahil kahit nasa lagayan pa lang ito ay naamoy ko pa rin. Amoy pa lang, masarap na.
"Galingan mo anak! At 'pag hindi busy ang Papa mamaya, mag-text ka lang. Susunduin kita agad dito." ani naman ni Papa sabay kindat sa akin.
"Sige po. Ingat din po kayo ni Mama. I love you!" tugon ko naman at isa-isa ko silang binigyan ng halik sa pisngi.
Sam, you got this! You have to give your best for this day. So, the first day of work here I go!
Sa kalagitnaan ng pagpasok ko ng company building ay biglang tumunog ang phone ko. Hindi ko naman dapat titingnan iyon kasi papasok na ako ng trabaho. Ngunit hindi ko alam. May kung anong pwersa ang nagtulak sa akin na sipatin ang telepono ko.
Saglit akong natigilan dahil hindi naman nag-register sa contacts ko iyong number. So, basically I received a text message from a stranger.
From: Unknown Number
Good morning, Samantha. See you later 😉
Wrong send kaya ito? Pero mukhang hindi naman... kasi kung oo, ba't kilala ang pangalan ko? At 'see you later' pa raw? Aish, baka kapangalan ko lang.
YOU ARE READING
Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)
FanfictionWhat if a plain girl living in a normal village suddenly crossed paths with a famous personality? A famous idol, admired and dreamed of all. She had her chance to get closer with him. But would she stay and be each others' endgame? After all, "I'm j...