Chapter 12

40 6 9
                                    

Chapter 12

Nagising ako sa sinag ng araw na saktong sakto sa mukha ko. Oh goodness, my skincare routine! Napabalikwas ako sa kama, hindi ko napansin na nakapulupot pala sa binti ko ang kumot ko. Kaya bumagsak ako sa lapag.

"Aray ko! Pambihira naman, oh!" daing ko.

Sa dinami-daming pwedeng sumalo sa 'kin, sahig talaga? Double pain.

Umagang-umaga kasi bakit ang t*nga ko 'agad?

As I rerouted my gaze on the bed, I realized the absence of Ate Winter. She already left without waking me up? Ang sama naman. T-Teka, anong oras na ba?!

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong mag-a-alas siete pa lang naman pala ng umaga. Gosh, ngayon na lang ata ako muling tinanghali ng gising. Masyado ba akong nag-relax?

Ewan ko ba. All I know is that these past few days, my heart felt lighter. Wala ring kahit anong problema ang bumabagabag sa 'kin. Okay kami ni Harvin at ng iba pang miyembro ng OT7s. Mababait ang mga kasama at boss ko sa trabaho. Walang pressure and toxicity. Kaya ang sarap at gaan lang talaga sa pakiramdam.

Matapos kong makapag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para makapag-almusal. Hindi ko na inaasahan na nandyan si Liv o si bunso. Panigurado naman kasing pumasok na ang mga iyon.

Kaya laking gulat ko nang makita ko ang dalawa sa lamesa. Si Yowana, hindi pa nakauniporme. Gusot ang buhok, pupungas-pungas pa. Halatang kagigising lang. Si Liv naman, nakapambahay pa. Pero ang isang 'to, selpon 'agad ang almusal sa umaga.

"Good morning.." bati ko sa kanilang dalawa.

Pansin kong wala na sina Mama at Papa. Ngunit alam ko naman na bago iyon umalis, areglado na rito sa bahay lahat. Napangiti ako nang mapasadahan ng tingin ko ang hapagkainan. Naro'n na ang sinangag, hotdog, sunny side up eggs, tuyo at kamatis na may sibuyas. Nakahanda na rin ang gatas sa tasa. Lalagyan ko na lang ng mainit.

"Morning po.."

"Good morning, Ate Sam.."

Parehong malamya at malumbay na bati nila sa 'kin pabalik. Napailing na lamang ako.

"Anyare sa inyo? Kalalamya niyo. Magsiligo na nga kayo ro'n!" sinadya kong taasan ang boses ko para mahimasmasan at magising ang diwa nila.

Hindi naman ako nagkamali. Nang pareho silang napangiwi at nangasim ang mukha sa sigaw ko, alam kong gising na ang mga 'to.

"Ate Sam naman! Ang sakit sa tainga.." reklamo 'agad ni Liv.

"Oo nga, Ate. Kay aga, oh ang lakas ng boses mo. Kahiya sa kapitbahay, yucks..." segunda naman ni Yowana.

Umirap ako.

"Whatever. Edi, maingayan sila. Gutom na 'ko, e."

Pagkaupo ko ay 'agad na sumubo na ako ng pagkain. Sumimsim sa mainit na gatas bago ko sila binalingan muli.

"Late na kayo, ha?" ani ko.

"..."

"Oh, bakit hindi kayo sumasagot?"

"Foundation day kasi namin ngayon, Ate..." saad ni Liv.

"Oh? Happy Foundation Day!"

"Ngek. 'Di naman Ate masaya. Katamad nga pumasok." pakli naman ni Yowana.

Sa Suncrest Academy din naman ako nag-aral. Halos lahat naman kami. At sa pagkakatanda ko laging masaya at memorable ang events na ginagawa sa school. Lalo na kung espesyal na okasyon. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ganito na lang ang reaksyon at mukha ng mga kapatid ko.

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now