Chapter 7

48 14 0
                                    

Chapter 7

SAMANTHA'S POV

"Hi, Ate Sam! Welcome home, kumusta work? Napagod ka ba?" salubong agad sa akin ni Livana pagkarating ko sa bahay.

Kung hindi ko lang nakita ang pasimpleng pag-iling sa akin ni Ate Winter ay hindi ko makukumpirmang gino-good time na naman ako ni Liv.

"Ate Liv, tawag ka ni Mama! Maghain ka na raw ng mga plato sa hapagkainan." nakangising singit naman ni Yowana.

"Oo papunta na a— teka, 'di ba ikaw ngayong gabi ang nakatoka do'n? Huy, Yowana 'wag mo 'kong inuutakan!"

Hindi na ako napagtuonan pa ng pansin ni Liv dahil sa naghabulan na itong dalawa. Todo takbo naman si Yowana 'wag lang siya maabot ni Liv paikot dito sa bakuran namin. Kaya dumiretso na lang ako sa kuwarto ko para makapagpahinga ng kaunti. Pagkatapos no'n ay balak ko nang maglinis ng sarili.

Kaso hindi na nangyari. Napahaba pala ang tulog ko. Paano ba naman ay napagod talaga ako do'n sa pagtu-tutor sa anim ko ba namang estudyante. Hayy, buhay ayos lang mga gwapo at attentive naman talaga ang mga iyon.

Nagising na lang ako sa magaang katok sa pinto ng kwarto ko. Sinipat ko muna ang maliit kong orasan sa side table, alas otso 'y media na rin pala ng gabi.

Napangiti na lang ako nang makita ang taong nasa likod ng pintuan. Nakangiti rin siya sa akin habang may hawak na tray at dahan-dahang lumalapit sa akin.

"Nalipasan ka na ng gutom. Ang Papa mo kasi, sabi ko gisingin ka e huwag na daw. Ayos ka lang ba sa trabaho, 'nak?" malumanay na aniya.

Hindi ko alam dahil wala sa sariling natagpuan ko na lang ang sarili ko na mahigpit na nakayakap kay Mama.

"T-Thank you po, Mama... "

"Ano ka ba naman, 'nak. Wala ito, sa ganitong paraan man lang matanggal ko ang pagod ng masipag kong anak." saad naman ni Mama habang hinahaplos ang buhok. Pinatakan niya rin ako ng magaang halik sa ulo.

"Kumusta po ang carenderia natin? For sure, dinumog na naman po 'no? 'Wag po kayong mag-alala, tutuparin po namin ni Ate Winter iyong pangako namin. Makakapagpatayo rin po tayo ng sarili nating restawran. Mag-iipon lang po muna kami." ngiting saad ko naman kay Mama pagkakalas namin sa yakap.

"Kahit 'wag mo na kaming alalahanin, 'nak. Unahin niyo ng Ate niyo ang mga pangarap niyo. Sapat na sa 'min ng Papa niyo na napakalaking tulong niyo na sa mga gastusin sa bahay. Tsaka sa pagpapa-aral sa mga kapatid niyo. Okay na 'yon anak."

Mabilisan naman akong umiling kay Mama bilang pagtutol.

"E, pa'no po kung sabihin kong isa po iyon sa pangarap namin—ko? Alam po namin ni Papa kung gaano niyo kagustong mas umangat pa ang maabot ng galing niyo sa pagluluto. Hindi lang po sa carenderia kundi pang-restaurant!"

Nakita ko naman ang pangingilid ng luha ni Mama. Pero itinawa niya pa rin at umiling-iling sa akin.

"Kumain ka na, 'nak. Niluto ko pa naman ang paborito mong sinigang na hipon."

Tumawa na lang ako at sinunod na lang ang sinabi ni Mama.

Si Mama talaga ang idolo ko sa lahat ng bagay. Dahil hindi naman ako lalaking ganito kung wala siya. She's a wonderful woman who shaped and molded me as who I am today. Kaya gusto kong maibalik rin sa kanila ni Papa ang mga sakripisyo nila sa 'min.

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now