Chapter 9

47 13 2
                                    

Chapter 9

Livana's POV

"Yowana, paabot nga dyan ng mga color pen. Diyan lang sa cabinet na sinasandalan mo." turo ko sa katabing cabinet ni Yowana.

Kami kasi ni Yowana ang magkasama sa isang kwarto. Samantalang sina Ate Winter at Ate Sam naman ay may kaniya-kaniya nang silid. Napapakamot na lang ako sa ulo ko gamit ang lapis dahil sa hindi ko maintindihan na iginuhit ko sa sketch pad.

Kasi naman ih! Sa dinami-dami ng pwedeng maging takdang-aralin ito pa talaga? Grabe ka na talaga, Contemporary Arts.

Kaya nga ako nag-Tourism kasi akala ko more on speeches, brochures and budget itinerary lang ang problema namin. I didn't expect things would still fall this way.

Napabuntonghininga ako, malala. Until I realized there's someone who can really help me here.

"Hoy, Yowana! Hoy, awat nga muna sa cellphone." tumayo ako at walang pasintabing hinablot ko ang selpon niya.

Iyan, Livana tinapunan ka tuloy ng napakasamang tingin ng isang Yowana Blythe Meneces. Jusme, akala mo matatapos ang buhay ko sa titig niya.

"Ano? Pakibalik na ng cellphone ko." wala sa mood na sabi niya.

"Himala, wala ka atang sa mood na makipag-away? Anyare?" takang tanong ko rito.

"Hay, amin na nga lang 'yan Ate Liv." Mabilis na nabawi niya ang phone niya sa kamay ko. Pa'no ba naman e halos magkapantayan lang kami sa height. Kainis, sobra.

"Ito naman. Parang nagtatanong lang naman ih."

Akala ko hindi niya na ako narinig. E, kasi naman bigla ba naman magsuot ng earphones? Apakabastos. Pero, hehe mukhang narinig niya naman. Nag-angat kasi siyang muli ng tingin sa 'kin.

"What?"

"Wala. Diyan ka na nga lang. Sa labas na ako gagawa. Enjoy..." peke ko siyang inirapan bago nagmartsa palabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung anong nasa isip ko pero nakita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Ate Sam. Mga ilang segundo rin akong nakatayo ro'n. Paulit-ulit kong tinatanong sa isip kung kakatok ba ako o hindi?

Hanggang sa napagdesisyunan ko nang kumatok. Tatlong beses ko iyong ginawa ngunit walang nagsalita sa loob.

"Ate Sam, papasok ako ah? Papatulong lang sana ako sa ar--" nagitla ako nang kadiliman ang sumalubong sa 'kin.

Kaya sa takot kong may bumulaga sa 'king gagamba sa gitna ng dilim ay kumaripas ako ng takbo papuntang sala. Habol ko ang hininga habang walang tigil sa pagbaba at taas ang dibdib ko.

"Ano na naman 'yan, Livana? Gabing gabi na nagagawa mo pang magtatakbo. Aatakehin ako sa 'yo sa puso, bata ka!" sa sobrang hingal ko, hindi ko tuloy nasabayan ng beat box ang freestyle rap ni Mama. Charotiness!

"M-Mama, saan si Ate Sam? Nakita niyo po ba?" nagtatanong ang ekspresyon kong bumaling rin sa gawi ni Papa.

Ngunit wala na akong naisagot dahil mahimbing na itong natutulog sa tabi ni Mama. Hay, mag-mo-movie pero tutulugan lang naman. What a night.

"Hindi ko alam. Atsaka, bakit mo ba hinahanap? Ang Ate Sam mo pagod na pagod 'yon galing trabaho. Kaya kung pu-pwede Livana Faye, tantanan mo ang ate mo. Hala sige, matulog ka na do'n. Akyat!" Wala na. Pinandilatan na ako ng mata ni Mama.

"Mama naman ih!" maktol ko bago nagmartsa pabalik sa taas.

Sa huli ay nanatili ako rito sa kwarto ni Ate Sam. Baka may pinuntahan lang iyon kaya hihintayin ko na lang. Binuksan ko lahat ng ilaw sa kwarto niya. Syempre, hindi naman sa madumi siya sa kwarto o ano. Gusto ko lang makita at maging handa kung may ipis o gagamba man na maninira ng gabi ko.

Just A Fan Of Yours (Fan Series #1)Where stories live. Discover now