This is the First Author's Note.
Ehem.
Unang una sa lahat. Ipapaliwanag ko lang ang nilalaman ng echos na ginawa kong ito.
HINDI ITO LOVE STORY, PERO PUNONG PUNO ITO STORYA NG DAHIL LANG SA PAGMAMAHAL.
HINDI ITO ON-GOING SERIES NA SASADYAIN NYONG ABANGAN ANG UPDATE, DAHIL MAGKAKARON LANG ITO NG KASUNOD KAPAG MAY PUSO NA NAMAN NA UMARTE SA AKIN.
HINDI DIN ITO HORROR STORY, PERO MATATAKOT KANG BASAHIN DAHIL BAKA O PANIGURADO TATAMAAN KA LANG SA MGA PAYONG MABABASA MO.
HINDI DIN ITO COMEDY, PERO PAMINSAN-MINSAN AY SUSUBUKAN NG MAY AKDA NA PANGITIIN KA DAHIL BAKA SABIHIN MO ANG HARD NAMAN NG AUTHOR.
HIGIT SA LAHAT..
HINDI ILALAGAY SA BAWAT KWENTO ANG TUNAY NA SITWASYON NG HUMINGI NG PAYO.
UPANG INYONG MAS MAINTINDIHAN.
1. ANG SITWASYON NA ILALATHALA NG MAY AKDA AY MAY HALO/ DAGDAG-BAWAS NA SA MGA PANGYAYARI MULA SA ORIHINAL NITONG KWENTO.
2. LALAGYAN NG MAY AKDA NG ALYAS O CUTE NA NICKNAMES ANG MGA HUMINGI NG ADVICE. KAYA SAFE ANG PANGALAN NYO.
3. HINDI PORKET NAGDEDICATE AKO, SYA NA YUNG TAO NA HUMINGI NG ADVICE, HINDI KO YUN GAGAWIN. MAGDEDEDICATE AKO DAHIL GUSTO KONG MABASA NYA YUNG KWENTO NG INADVICE-SAN KO O TRIP KO LANG SYANG DEDICATE-AN. CLEAR?
4. WALANG SINO MAN ANG MAKAKAALAM SA TUNAY NA KWENTO SA LIKOD NG MGA PAYO.
Kaya kung kayo man ay may mga tugon ukol sa pagiging BROKENHEARTED o dumadanas ng LOVE PROBLEMS, wag kayong mahiya i-pm ang may akda. Mabibigyan ka na ng payo, mailalathala pa ang problema mo este ang sitwasyon mo.
Sa Librong ito, hindi ka lang maaadvice-san at hindi lang ikaw ang matutulungan, makakatulong ka pa sa author na mabawasan ang aadvice-san dahil sa parehas lang naman kayo ng sitwasyon. Hahahaha biro lang. Sa pagkakalathala ng storya mo, pati ibang mambabasa makakakuha ng aral at bonggang advice mula sa pinagdadaanan mo.
********
Ang Nagtatago Sa Nakatalikod Na Babaeng Kulot
Oo, sya ang may akda. Sya ang mag-fe-feeling good love adviser sa inyo at mageechos na sabihin ang mga bulok nyang payo.
Ang owtor ay ilang beses ng nasaktan. Oo, nasaktan. Paulit-ulit na nasaktan.
Pero ngayon, eto, masayang nagmamahal. Palaging inspirado.
Pero wag kayong masyadong umasa sa may akda. Bopols din yan minsan sa payo nya. Pero karamihan naman ng pinayuhan nya eh natuwa sa kanya.
Hindi nya pinangarap na maging si Papa Jack, isa lang syang ordinaryong kaibigan na mahihingian ng oras para makinig at bigyan ka ng mga salitang sana ay makatulong sayo.
Isa lang syang ordinaryong tao, kaya PLEASE lang. Wag nyo syang ituring na echosera, ituring nyo syang kaibigan. :))
Hindi mahiyain ang owtor, kaya wag din kayong mahiya mag open up sa kanya.
Magtiwala kayo na lahat ng ikwekwento nyo sa kanya ay tanging message box/ chatbox nyo lang ang saksi. Si Powpow, Sam at Chocolate (mga pangalan ng cellphone ng may akda) ang makakaalam kung sa text ka naman humingi ng payo. MAGTIWALA.
****************
"Aabisuhan kita, prangka ako. Lahat ng ipapayo ko, kung may halong biro man, ito pa rin ay mas naglalaman ng purong katotoohanan. Ipagpaumanhin mo kung makakapagsabi ako ng masasakit na salita kung kinakailangan para lang ibukas ang iyong isipan. Hindi ko kailanman magiging intensyon na saktan ang damdamin mo. HELLO? Hurt ka na nga dahil sa love eh sasaktan pa kita, tama ng si LOVE na lang manakit sayo. Konsyensyahin mo pa ako.
Pero hindi ba, mas okay ng makarinig ka ng masasakit na salita para magising ka sa realidad ng buhay? Hindi ang matulog na lang sa inaakala mong fairytale."
-may akda
P.S.
Sa mga hihingi ng advice, wag kayong mahiya. Hindi ko rin agad-agad gagawan ng echos ang idinulog nyo, syempre aayusin ko un para sa ikagaganda ng kwento nyo, sa proteksyon nyo at sa mga mambabasa na matututo mula sa pinagdaanan nyo.
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.