Umaarteng Puso No.2: Echoserang Girlush

975 35 13
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Echoserang Girlush

Gender: Female

Age Bracket: 16-20 years old

Location: Philippines

Eksena:

"I had my first boyfriend before but we ended up last 2 years ago. Dahil first boyfriend ko sya sobrang mahalaga sya sakin. 2 years ang naging relasyon namin pero hindi alam ng parents ko dahil ayaw pa nilang magkaboyfriend ako. Hindi ko rin sya naipakilala kasi ayoko madisappoint ang parents ko dahil may usapan kami na di ako magboboyfriend hanggat hindi pa ako graduate ng college. Until pumunta sya ng abroad nang kunin sya ng mommy nya. I was so desperate at that time, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya nagstop ako sa school ng one semester at nagtrabaho, plano ko kasi sumunod sa kanya dun. Kaya nagtrabaho ako para makapagipon. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman na nawawala na yung magic sa pagitan namin. Hanggang sa ako nalang ang nagsasabi ng "i love you" tuwing tumatawag sya. Nakaramdam na rin ako ng panlalamig sa kanya. Hindi ko nalang iniisip yung negative na sinasabi ng mga taong malapit sa akin, na posible daw mawala yung feelings nya para sakin dahil sa malayo kami sa isa’t-isa. Pero hindi ako naniwala dahil mahal ko nga sya ng sobra. Hanggang sa hindi sya magparamdam ng isang buwan. Tapos isang gabi na nasa trabaho ako, tinext nya ko ng kung pwede magkaibigan nalang kami. Umabsent ako ng ilang araw at halos ayoko na bumalik sa work nun. Nagawa ko ring magparinig ako sa fb dahilan kung bakit dinelete nya ako. Then after 3 months, inadd ko ulit sya sa Facebook and he accepted it. Walang conversation. Kasi akala ko okay na ko. Akala ko naka move on na ko. Pero nakita ko yun pic nila ng bago nyang gf at naka in a relationship pa sya. Masakit pa rin nga!  I thought getting used to their sweet photos and statuses means that I'm okay.

Akala ko nakamove on na ko. Pero nito lang na January, umuwi sya sa Pilipinas. At nagkita kami sa mall. At duon, bitbit nya pa ang Girlfriend nya. Yung feeling na di mo alam kung haharapin mo sila o hindi. Pero lumapit pa din ako . Tapos yung pakiramdam na it's been almost 2 years pero sobrang sakit nun pinakilala nya ko bilang EX-GIRLFRIEND nya. Pakiramdam ko ngayon ang unfair nya. kasi sa loob ng 2 years na wala na kmi, sya pa din yun ideal man ko. Sya pa din yung gusto ko. Na bawat manligaw sa akin sya ang pattern ko."

Pag-iinarte:

"PAANO KO SYA MAKAKALIMUTAN?"

Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:

Unang una, natutuwa ako, kasi nagawa mong maging inspired dahil sa isang tao. Sa panahon ngayon, lahat ng nagmamahal nagagawang maging ispired,. Pero iba yung sayo, talagang desidido kang nagtrabaho para sa plano mung sundan sya..

Eto na ang simula ng payo ko. Oo, masakit yungnangyari, karamihan naman siguro ng nasaktan, ganun ung hinahanap, kaparehas ng taong una nilang minahal. Pero kasi, isa lang sya sa mundo. Hindi ka makakahanap ng copycat nya. Hindi mo sya maaaring ixerox para magkaroon sya ng kagaya. Hindi ka na makakahanap ng katulad nya. Yun ang sad na part.

Mahal mo sya, oo, pero ngayon lang yan. Namnamin mo na ung mga araw na umaarte yang puso mo para sa kanya, pati ang sakit na ipinaparamdam nya sayo, namnamin mo na. Hindi ba halatang pinamukha nya saung hindi ka na nya mahal at wala na kayong kapag-a-pag-asa sa ginawa nyang pakikipagkita na kasama pa ang girlfriend nyang bago? Masakit yun, pero inuulit ko, PINAKITA NYA LANG NA WALA NA KAYONG PAG-ASANG MAGING KAYO ULIT. Sana tumagos sa isip at puso mo, first step para makamove-on. ACCEPTANCE.

Namnamin mo na bawat sakit na nararamdaman mo ngayon, kasi darating ang panahon, yan ang magbibigay sayo ng dahilan para bumagon at matauhan. Yang mga sakit sa puso na nararamdaman mo, part lang yan ng pagmomove on.. IKAW BA HAHAYAAN MONG MAGING GANYAN KA NA LANG? Siguro ngayon hindi pa nagsi-sink in sa utak mo ung nangyayari kasi bulag ka pa sa nararamdaman mo. Pero sigurado ako isang araw, pasasalamatan mo ng naghiwalay kayo dahil dumating na sayo ung taong nagbigay ulit sayo ng dahilan para magmahal. Bata ka pa, sabihin na nating pagmamahal na sobra yang nararamdaman mo, pero trust me darating ung araw na higit pa dyan yung mararamdaman mo. Akala mo lang sya na yung mahal mo ng sobra, pero mali ka, sya lang ung nauna, sya lang ung nagse-set ng standards, pero kapag dumating na ung right time, ibibgay din ni God un para sau. Maraming magagagndang bagay na ibinigay sa atin si God Bida, siguro it's da time para bigyan mo muna ng oras ung sarili mo para sa ibang bagay. Pahinga mu muna yang puso mo, kasi masyado ata yang nabugok sa unang fall nyan. Make yourself busy, why don't you try to study again. Sayang naman un, dahil sa lalaking un napahinto ka pa sa pag-aaral. Walang kwenta. Wew.

Para makalimutan mo sya, eto ang mga paraan:

1. Idelete mo lahat ng messages nya sa cellphone, kung trip maaari, pati number nya. Pero make sure na hindi mo yun kabisado. USELESS SA PAGSEARCH NG PANGALAN NYA SA CONTACTS AT PAGPINDOT NG DELETE.

2. Lahat ng alalang materyal na meron ka mula o tungkol sa kanya, iwasan mo na.Tulad ng mga regalo nya sayo, ITAGO MO LANG, WAG MONG ITAPON. Unang-una dahil pag dumating ang panahon na okay ka na, promise, ang sarap balikan kapag tinitignan mo un. Kumbaga alala ng unang pag-ibig, naks! Wahaha pangalawa, sayang naman un noh! Panghihinayangan mo rin ang mga yun kung sakaling itapon mo. Hahaha

3. Sa Computer mo, idelete mo na din ang folder mo ng mga pictures nyo kung meron man. Sa lahat ng accounts mo sa mga social networking sites, mapa FACEBOOK, TWITTER, TUMBLR, WATTPAD, PLURK, MYSPACE, MULTIPLY, TAGGED, BEBO, LINKEDIN, NETLOG o ASK.FM man yan, idelete mo na sya! Wag mo ng tanungin kong bakit.

4. Kung may favorite o theme song kayo, alisin mo muna sa playlist ng ipod mo o kaya ng cellphone. Isa ang music sa makakapagpaemote sayo. Mapapaiyak ka lang nyan kapag naalala mo na naman ang mga panahon na ang kantang yun eh nakakapagpakilig sayo.

5. Iwasan na din muna ang maging Dora The Explorer sa mga dating places nyo ni Ex dati, isa ring way yun para maging emo ka. Yak.

6. Have something to do na hindi mo pa nagagawa, kung dati hindi mo pa nasusubukang kumaen ng pinakuluang bubuyog, why not try it? Kung dati 2 gulong ng bike ang nasasakyan mo, try mo ngayon walang gulong. Kung dati natutulog kang nakapikit, why not nakadilat naman? Try something na kakaiba kaysa sa regular mong ginagawa. Nalilibang mo na nag sarili mo, nakakadiscover ka pa ng ibang bagay.  Malay mo dun mo madiscover na pinaglihi ka sa isda at nakaya mogn matulog ng nakadilat.

7. Go out with your friends, bond with them. Yung mga panahon na hindi mo pinapansin ang aya nilang gala dahil priority mo ang date nyo ni Boyfriend eh di it's about time na bumawi ka sa kanila. Happy na, masaya pa.

8. Make a new routine sa buhay mo, kung dati 8am ka gumigising, ngayon mga 4am gumising ka na. Maglaba ka, tapos matulog ulit. Ganun. Ibahin mo na ung sistema ng pamumuhay mo, makakalimutan mo na sya pati ang pananaw mo sa buhay maiiba.

9. Lastly, wag mong isasara ang puso mo para magmahal ulit .Wag na wag. :) Masakit man ung nangyari, maging open ka pa din sa mga chances na may makikilala kang iba. Pero wag mo silang gagamitin para makalimot ka, gamitin mo lang silang paraan para magsimula ulit na makakilala ang iba pang personalidad at karakter ng mga lalaki.

HULING PAYO.

Wag mo na syang gawing ideal man, bakit sya pa din ang ideal mo? Gusto mo ulit masaktan? Sya na nga yung nakasakit sayo, katulad nya pa ung gugustuhin mo. Try a different man, pero wag kang maghanap, sumubok ka lang. Pero gawin mo lang yun kapag handa ka na ulit, wag kang sasagot ng lalaki kung hindi pa rin okay ang buong puso mo. TAKE NOTE, BUONG PUSO, kasi baka mamaya yung ibang parte nyan eh may pasa pa o kaya ay may galos. Masasaktan ka na, makakasakit ka pa. :)

Bigyan mo ng chance yung sarili mo na magmahal ulit, don't be unfair sa sarili mo na maging masaya ulit. Ung sa inyo ni Ex, tapos na un, he's just a part of your past that you should keep and cherish. Be thankful to him dahil naging kayo, natuto kang magmahal ng ganyan. Pero hindi lahat ay may happy ending, maaaring hindi sya ang nakalaang prince charming sayo. Kaya Prinsesa, subukan mong lumabas ng palasyo at mag-ikot ikot sa ibang kaharian, baka nanduon ang Prinsipeng itinadhana sayo.

Pero tandaan, magmahal ka ulit sa TAMANG ORAS, sa TAMANG PAGKAKATAON. Kapag BUONG-BUO nang okay ang puso mo. :)))

*******

Natulungan din ba kita katulad nya? :)

Buti naman.

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon