Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Neneng Nii
Gender: Female
Age Bracket: 11-15 years old
Location: Province
Eksena:
"May naging bestfriend akong lalaki after ng break up namin nung playboy kong boyfriend. Ang dahilan kaya kami nagbreak kasi sinubukan ko lang kung anong gagawin niya kapag nagbreak kami, pero after ng break up namin eh isang araw pa lang may girlfriend na siya agad. Kaya sinabi ko sa sarili ko, na siguro hindi nya talaga ako mahal. So ayun, nagkaroon ako ng bestfriend. Yung lalaking bestfriend ko, mabait at pala tawa. Simula noon, siya lang ang lagi kong kasama hanggang sa nagtagal parang wala na lang sakin yung ex ko kahit nagtetext ulit siya sa akin binabalewala ko na at lahat ng atensyon ko dun lang sa best friend ko napunta. Well isa lang ako sa "i love my bestfriend victim" saka ibang iba ang pakikitungo ko sa kanya kasi, may pagkamasungit talaga ako sa mga lalaki pero pagdating sa kanya talagang dun na lumalabas ang pagkamabait ko. Sa tuwing nagtatampo siya sa akin todo effort ako para magkabati kami, yung bang mga ganung datingan. Basta ako lagi ang gumagawa ng mga efforts. Naiinis ako, minsan kasi ipinaparamdam niya na gusto niya rin ako pero minsan parang wala lang.
Dumating yung summer kung saan accidentally nabasa ng pinsan ko yung history ng chat namin nung bestfriend ko, para bang nagkainteres siya dun at nalaman ko na lang na inadd pala niya yung bestfriend ko. Yung pinsan kong yun ay kahit bata pa eh marami ng naging boyfriend kaya kinabahan ako dahil baka magkagusto sa kanya ang bestfriend ko. Lagi na siyang ikinikwento nung bestfriend ko sakin tapos parang naguusap na lang kami kapag tungkol sa pinsan ko. Syempre ang sakit nun kasi wala namang nakakaalam na inlove ako kay bestfriend, maliban sa sarili ko. Wala akong mapagkwentuhan nung mga nararamdaman ko, paano kasi sa bahay namin kanya kanya kami ng mundo.
Lagi pa akong binibiro ng pinsan ko noon na may gusto daw sa akin yung bestfriend ko tapos ngayon.. Para bang iniiwas niya mismo sa akin yung bestfriend ko na kahit ikwento man lang sa akin kung buhay pa ba yun o ano ng balita. Nung christmas break dun kami nagstay sa bahay ng pinsan ko at alam kong malapit na ang birthday ng bestfriend ko. Nageffort pa ako dati mag-aral mag-gitara at ng happy birthday para tutugtugan ko yung bestfriend ko. Pero hindi ko na binalak at itinuloy na gawin dahil wala namang halaga yun sa kanya. Gabi-gabi naririnig ko silang nag-uusap sa phone at tahimik lang akong umiiyak habang nagkukunwari akong natutulog. Ang sakit kasi eh, parang isang iglap nawala na lahat, yung closeness, communication, lahat."
Pag-iinarte:
DAPAT KO BANG SABIHIN SA KANYA NA GUSTO KO SYA? O SA PINSAN KO? O MOVE ON NA LANG?
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:
Masaya ako at naisipan mong dumulog sa akin, kahit na wala namang kwenta ang mga payo ko. Hahaha maraming salamat. Dahil dyan, bibigyan kita ng makabuluhan at makakakatusok sa pusong mga advice. :)
I want to give my kinikilig reaction duon sa sinabi mong isa ka lang sa "I LOVE YOU BESTFRIEND VICTIM". Nyahahaha! Ganyang-ganyan din kami ng jowa ko dati, nung bestfriends pa lang kami. Ganyan kami maglandian, Ahihi. Este magturingan. NAGMAMAHALAN NA MAGBESTFRIENDS. Na sa bawat isang I LOVE YOU BESTFRIEND, may 100% kilig na katumbas. Kung minsan, paraan lang ang pagsasabi ng I LOVE YOU BESTFRIEND para masabi sa tinuturing mong BESTFRIEND na mahal mo sya bilang GIRLFRIEND/BOYFRIEND, aminin? :D
Lalalala~ relate na relate ako. wahaha
Oh sya, eto na, seryoso mode na, :D
Ehem.. Ehem..
Masaya din ako na madali mong nakalimutan ang echos mong boyfriend. Buti na lang at hindi mo ibinigay ang 100% love mo sa kanya. Good job ka dun girl.
Mapunta tayo kay Bestfriend, maraming nabibiktima ng eksenang yan. Nafa-fall ang magka-opposite sex na bestfriends. Karamihan, nagtatagal ang pagkakaibigan at nauuwi sa pagkakai-bigan. Pero meron din namang pagkakaibigan at nauuwi sa pagkakaibigan pa din, pero hanggang dun lang talaga. So nasa iyo kung alin sa dalawang yan kayong dalawa ni Bestfriend mo mapupunta. It's easy to fall with your bestfriend, lalo na kung palagi mo syang nakakasama. Kung same kayo ng treatment sa isa't-isa. Pero being bestfriends have boundaries. Dito papasok si Pinsan mo. Kasi hindi mo maaaring makontrol ang pagkakaibigan nilang dalawa ng bestfriend mo. Ang pangit na part lang dun, hinayaan mo syang makapasok sa buhay ng bestfriend mo. Sana nagawan mong naparaan simula pa lang, kung alam mong ganun pala ung pinsan mo. Pero tapos na yun, ayan na close na sila at ikaw, nawala na sa eksena. Kawawa ka naman. Para kang naging bridge sa kanila kung magiging sila. Bridge hindi dahil pinaglapit mo sila, kundi dahil ikaw ung taong naging link nilang dalawa.
Pero hindi ko sinasaktan ang damdamin mo, gusto ko lang na magising ka. Kurutin natin ng kaunti ang puso mo. Tignan natin kung makakaramdam ng selos, ano? Nasaktan ka ba? Kung oo, ibig sabihin, may feelings ka nga. Hindi ko na sasabihin ang option kung wala, dahil I'm pretty sure, nasaktan ka. So ano, papayag ka na lang bang maging Bridge nilang dalawa? Sapat na sayong nagiinarte ka na lang kakaiyak sa gabi pag naguusap sila?
Sa tanong mo kung sasabihin mo o move on na lang, pukpukin kaya kita. Malamang isasagot ko, sabihin mo muna. Adik ka pala eh, wala pa nga move on na agad? Atat lang? May pupuntahan ka?
Malamang neng, sabihin mo kung ano ung nararamdaman mo. Pero ito yan, sabi mo kung sa Bestfriend mo o sa Pinsan mo? Base sa ginawa ng pinsan mo, masasabi kong wag na wag mong sasabihin sa kanya ung nararamdaman mo, SA NGAYON. Dahil hindi pa panahon, mamaya mag-inarte din sya, at gumawa na agad ng move nya kung paano ipagpapatuloy ang pang-aahas nya. Napapanahon ha? Year of the snake, lols.
Lahat ng nararamdaman mo, sabihin mo sa bestfriend mo. Tell him directly, makipagkita ka, mag-usap kayo. Hindi naman totoong nawala na lang bigla lahat sa inyo eh. NEVER. Once na may pinagsamahan kayo ng kahit sino, nandyan pa din yan. Maaari yang mabawasan o madagdagan. Un lang ang magbabago dun, pero never un mawawala. Keep that in mind. Kaya kung ako sayo, tell him what you really feels. But you need a very BRAVE HEART to do that. Courage to tell everything. Kasi pag nanduon ka na sa moment na yun, baka bigla kang matakot at panghinaan ng loob, nako ineng, wag na wag. Sayang ung pagkakataon. At kapag nasabi mo na lahat, don't expect for a positive answer, baka mas doble lang ung sakit na maramdaman. Just think na kaya mo sinabi ung nararamdaman mo kasi un ang tama. Mahirap magsisi sa huli kung hindi mo sinabi sa kanya, baka naman kasi nararamdaman din nya un sa iyo. Pero maging open ka din sa idea na maaari nyang mareject ang feelings mo at mafriendzone ka lang. Don't expect na aayon sayo ang tadhana. Igalang mo ung magiging desisyon nya, kung ano ung nararamdaman nya.
Pagdating sa pinsan mo, just tell her kung mutual kayo ng feelings ng bestfriend mo sa isa't-isa. Duon wala na syang laban. Supalpal na sya. Pero kung wala namang magiging something sa inyo ni bestfriend then don't tell her what you feels. Mamaya sya pa magmalaki sayo, na dakilang bestfriend ka lang. Pero ikaw, kung mas ikapapanatag ng puso at isip mong naipamukha mo sa kanyang EPAL sya, then go! Make sure lang na maikli ang hair mo, para pag nagsabunutan kayo, hindi ka lugi.
Huling Payo..
Just do it. Say what you feel para hindi ka magsisi sa huli, it's better to be hurt na nailabas mo ung nararamdaman mo. Kaysa sa manahimik ka na lang, at habang buhay mong pagsisihan na hindi ka nagkaroong ng lakas ng loob na magsalita. Wag kang magmove on, wala kang dapat imove on. Wala namang official na commitment sa inyo eh, isa lang pagkakaibigan na maganda na ang nasimulan, na sana eh hanggang ngayon ay naipagpapatuloy pa. Just speak out Neng!
Magsabi ka ng nararamdaman hangga't pwede pa, wag mong sayangin ung panahon na natitira.
*******
Sana nakatulong! :))
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.