Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Pretty Little Baby
Gender: Female
Age Bracket: 11-15 years old
Location: Philippines
Eksena:
"Eto po ang kwento ko. Ako, mahal ko po si Boy 1. Mahal niya rin naman po ako kaso mas mahal niya si Girl. Si Girl naman po, mahal rin si Boy 1 kaso po, mas mahal niya c Boy 2. Si Boy 1 at Boy 2 po ay magkamag-anak (Mas pinili na lang ng may-akda na wag ng tukuyin ang tunay na relasyon ni Boy 1 at Boy 2. Para sa pagiging pribado ng pagkatao ng nagmamay-ari ng Umaarteng Puso.). Malapit sila Boy 1 at Boy 2 sa isa’t isa dahil nga sa pagiging magkamag-anak nila. Si Girl at Boy 2 po ay mag-BF/GF. Ngaun po, parang may problema sa kalusugan si Boy 2 at parang hindi na sya magiging okay. Ang gusto niya pong mangyari ay maging c Girl at Boy 1. Ako naman po, gustong gusto po umiwas kaso tuwing umiiwas ako, lagi na lang babalik o magpaparamdam si Boy 1. Nagawa na rin nyang magmakaawa na wag ko syang iwasan. Eh alam mo namang napakahina ko ate."
Pag-iinarte:
"Anu po gagawin ko sa sitwasyon ko?"
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:
Para sa isang cute na batang katulad mo, salamat at napili mo akong pagsabihan ng inaarte ng puso mo. Simple lang ang buhay, kaya simpleng advice lang din ang ibibigay ko sayo. Un nga lang, magiging komplikado ito para sa inyong lahat na involve sa problema nyo.
Alam mo, ung totoo, ang hirap nang sitwasyon mo ngayon. Ramdam ko yun, ung tipong hindi ito love triangle, hindi din love square dahil wala namang something sa inyo ni Boy 2. Magulong Love Connection ito. Kumbaga sa isang pambatang laro sa comics noon, may susundan kang linya na buhol-buhol para makarating ka sa dulo at mahanap ang kaparehas nito. Ganun kayo, promise. Magulo, masakit sa ulo, masakit sa panga, masakit sa utak, masakit sa puso, masakit sa in-grown.
Naiintindihan ko ang isa pang sakit na nararamdaman mo. Yung tipong hindi ikaw ung First Option, dahil second ka lang. Na hindi ikaw ung The Best, better ka lang para sa kanya. Na hindi ikaw yung Priority, na na-Taken for Granted ka lang nya. Na hindi ikaw ung Happiness, Enjoyment lang naman nya. Sakit di ba? Na bakit kaya sa buhay kailangan may mas hihigit? Mas may lamang? Yang mga tanong na yan, naitanong ko rin sa sarili ko dati. Hanggang ngayon, tanong pa rin sya. At siguro nga mahirap yang mahanapan ng sagot. Ang tanong na mas madaling masagot eh, alin ang mas pipiliin mo? Manatili sa pagiging Second? O humataw para maging First?
Naiintindihan ko ri nang sakit na pinagdadaanaan mo bilang magkaibigan kayo ni Girl, ung pakiramdam na ikwe-kwento mo na lang hindi mo pa magawa dahil alam mong involve sya. Yung eksena na kinikilig ka kay Boy 1 pero alam mong kinikilig din si Boy 1 kay Girl. Yung moments na magkausap kayo ni Boy 1 pero ang topic nyo naman ay ang kaibigan mong si Girl. Mga epic failed na happenings. Alam na alam ko yan, hindi ako nakakarelate pero basta alam ko yung sakit na nararamdaman mo. Tumagos sa heart, mga 1.24 inches.
Magrereact na din ako, dahil nandito na rin lang naman. Ang masasabi ko kay Girl, sana maging faithful pa na lang sya sa Bf nya, may karamdaman man o wala. Hindi nya kailangan magkaroon ng “Mas”, dahil mahirap masabi na totoong pagmamahal yung nararamdaman nya sa Bf nya kung may isa pa syang napupusuan. Kay Boy 1, naiinis ako sa kanya. Kasi paasa effect pa sya. Kaya ayaw nyang mawala ka kasi kapag wala na talagang mangyari na maging sila ni Girl, eh nandyan ka pa. May parang concept nang Panakip- Butas dito, hindi man nya tukuyin, pero there is an idea and a chance na maging ganun ka sa kanya. For sure ako kunf hindi si Girl ang nasa isip nya eh ikaw naman. Di ba? May shifting na nagaganap. And I know, you are aware in that set up, in your set up to his life. Pagdating naman kay Boy 2, naku naman ang lungkot lang pero siguro nga ganun ang buhay. Pero sana wag syang mawalan ng pag-asa, may miracle pang tinatawag ang Diyos. Pwede pang mangyari yun. At sana, wag na rin nyang isipin ang Gf nya na kung kanino man mapunta. Para lang syang ewan. Kayang magawa ng Gf nya na maghanap na ng bago kung mawawala sya. Ngayon pa nga lang na sila pa, may second choice na Gf nya. Eh ewan ko na lang talaga.
Huling Payo…
Eto na ako para sa huling payo.
Sa tanong mo na kung ano ang gagawin mo, simple lang. Gawin mo yung tama, at yung tama hindi palaging masaya ang dulot. Pero hanggat nasa tama ka, darating ang tamang panahon na mararamdaman mo ang kaligayahan dahil pinili mo yung tama, kahit na nasaktan ka at nalungkot sa una. Mas makakabuti kong hayaan mo na silang maging love triangle, kaysa yung nasa Magulong Love Connection kayo. Ikaw lang yung saling ketket sa love story na yan eh. Actually sabit ka lang sa kanila. Problema nilang tatlo yan, naidamay ka lang. Kaya kung ako sayo, lumayo ka na. Sabi mo mahina ka? Pwes, subukan, pilitin at kailanganin mong maging malakas. Sa katunayan bata ka pa para itorture yung sarili mo sa ganitong sitwasyon. When I was in your age, naglalaro pa ako ng Patintero sa quadrangle ng school pag break time. Hindi pa ako natuto magkacrush nung mga panahon na yan, seriously saying. Ewan ko ba sa panahon na ito, ang dali dali na lang itake sa risk ng mga kabataan ang puso nila. Tsk.. Ikaw, bata ka pa, for sure ngayon hindi ka pa 100 percent sure sa itatake mong course sa college. Hindi ka pa rin sure kung anong plano mo kapag nagdebut ka na. Hindi mo pa rin sure kung anong school ang papasukan mo after mag high school. Sa moment na ito, hindi mo pa rin sure kung ano ang mas masarap, ang choco na gatas o ang gatas na choco. Oh diba? Mas seryosong mga bagay ang mga yun, na dapat pinagtutuunan ng pansin at pinaglalaanan ng oras. Kaysa sa love life na yan.
Please.. Pretty, pretty please. Be strong enough. HINDI KA NYA PRIORITY, HINDI KA DIN NYA HAPPINESS, HINDI IKAW ANG THE BEST AT LALONG HINDI IKAW ANG KANYANG FIRST OPTION. Magising ka sa katotohanan, masasaktan ka pa sa ngayon. Hindi pa ito ang panahon para sa inyong dalawa, maaaring sa susunod pa o sadyang walang tamang panahon sa inyong dalawa. Kung makakatulong na sabihin mo sa kanyang masasaktan ka lang, gawin mo. Yun naman yung totoo eh, tanga na lang sya at makasarili kung pipilitin ka pa rin nyang mag-stay. Wag kang pumayag sa gusto nya, pang sariling kapakanan na lang ang naiisip nya. Sya lang ung may matitira oreserba kumbaga, kapag nawala si Girl nandyan ka. Eh pano pag naging sila at sya na ang nawala? Sino na lang matitira sayo? Eh di nganga ka. Sabihin mo sa kanya hindi lang sya ang anak ng Diyos, wag syang selfish. Matuto syang makaramdam. Palayain ka nya para magawa mo na ring mapalaya yung sarili mo sa kanya. Masyado ka pang bata sa ganitong eksena, dapat sayo naglalaro lang ng games sa Y8.com hindi yun ganito. Pinupusta mo pa rin yung puso mo sa larong unti-unti ka ng natatalo.
Hindi ka pinalaki at inaruga ng magulang mo, para maging Second Best lang para sa ibang tao.
******
Katulad ka ba nya?
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.