Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Lovely Lassy
Gender: Female
Age Bracket: 10-15 years old
Location: Mindanao
Eksena:
"Grade 3 ako nun nang magkacrush ako sa new classmate ko. He is my crush until Grade 6 narealize ko na mahal ko na pala siya. Nung maggrade 7 na kami lumipat siya sa other school which is malayo from my school and from our city. Nung July last year, may nakita ako sa facebook na picture nya na may kasama siyang ibang girl, naiyak ako nung makita ko yun, pati sa school nabad mood ako dahil doon. Nagsumbong yung classmate ko at dahil dun nagpost si Boy sa wall ko na huwag ko daw yun paniwalaan. September, Intramurals sa school. Nahandcuff ako sa isa kong kaklase na hindi ko gusto at umiyak ako ulit dahil dun, gusto ko kasi first si Boy ang first handcuff ko. Umabsent ako kinabukasan. May nagtext sa akin bigla, si Boy. Nagkatext text kami, at yun na nagstart na nanligaw siya sa akin, naisip ko chance na yun kaya sinagot ko siya September 13, 2012. I never forget that date.
Kinagabihan nung araw na yun, sinabi niya sa classmate ko na kami na, nagalit ako. Inaway ko siya sa chat at sinabi niya sa huli "Okay, kung di ka pa ready" nagmadali akong magtype ng sorry pero nagoffline na siya at sa tuwing mago-online siya nagso-sorry ako, pero di siya sumasagot. Nung birthday ko, monthsary, Christmas at New Year di siya bumati. Inerase ko lahat ng pictures niya sa cellphone ko, voice record at mga message niya. In short, I'm moving on. Nagkaroon ako ng bagong crush. Kay crush, KPOP at sa wattpad napunta ang attensyon ko. January 19,2013, nagmessage siya sa akin at sobrang tuwa ko nun, tumalon ako sa sobrang tuwa, bumalik ang feelings ko for him. After 2 days, nagtext siya sa akin. Pero never kong binanggit yung relationship namin dahil wala akong lakas ng loob na sabihin yun.
Ilang beses ko na siyang napanaginipan, ang natandaan ko lang is pinihit niya ang kanang braso ko ng napakalakas at nagthank you siya sa akin ng may halong sarcasm, after ng dream ko na yun, di na siya nagmessage sa akin. Umuwi siya nung february, tinanong siya ng kabarkada kong Girl sa text about sa relationship namin at sabi niya “no comment” tinanong ni Mea ulit kung may gf ba siya, sabi niya naman “Maybe” aaminin ko, nasaktan ako roon. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin at inaamin ko, sa tuwing may nagte-text sa akin, iniisip ko agad sana siya. Pag nagonline siya, inaabangan ko siya.
Nagmahal ulit ako ngayon kahit may sugat pa ang puso ko, MU kami ni crush pero saka ko lang nalaman nung matapos na ang school year, pero sa tingin ko panakip butas ko lang siya :( Kapag nakikita ko kasi si Crush naalala ko si Boy. Di ko alam kung saan ako dapat magsimula ulit para magmove on. The longer the days I love him, the more the pain I feel. For four years, siya lang ang crush ko! In four years, puro pasakit ang naramdaman ko mula sa kanya! Di ko siya maintindihan! Gusto kong malaman ang lahat lahat! Gusto ko na siyang kausapin harap harapan at tanungin kung ano ba talaga ang katotohanan?! Bakit ba kasi nagpaeasy to get ako?! Nagpakatanga ako sa kanya!"
Pag-iinarte:
Should I move on na? Pero sa tuwing nagmo-move on na ako saka lang siya nagpaparamdam?
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:
Well, well, well balong malalim. As I read your Umaarteng Puso Entry, purong puro ang bahid ng kaartehan ang iyong story, charot! Hahaha hindi naman, ramdam na ramdam ko ang sadness na nafefeel mo.
Eh ikaw ba naman, makatext mo ang crush mo at maging kayo? Sino ba namang babae ang hindi kikiligin sa ganyang mga eksena :D high school na high school lang ang peg. Haha pero honestly ha? Masyado kang nagpadalos-dalos girl, dahil naisip mong chance nay un sunggab ka naman agad. Eh nagpadala ka sa super duper mega blockbuster na pagkacrush na nafeel mo para sa kanya. Pero hindi naman kita masisisi dun, kadalasan pag ayan na ang manok, kusang pagkain na ang lumalapit. Go lang ng go, wala ng isip isip. Puro puso kasi eh, puso kakatihan. Kati kati. Char! Haha ayan tayo eh, natitiis ang sakit at hapdi, pero hinding-hindi ang kati! :P Dyan tayo nadedelikado, kapag puro puso ang ginagamit. Kaya nga naimbento ang utak eh, isip isip din. Gamitin ang utak, hindi yan display. Wag abusuhin ang puso, tignan mo nangyari, nayari ka ng super duper over flowing crushness na nafeel mo kay Boy. Eh ano ka ngayon? Ngawaers.
Bat ka naman kasi nagalit nung sinabi nyang sa friend mo na kayo na? Hindi mo ba sya nabriefing na gusto mo ikaw magsasabi? O na gusto mo wag munang sabihin? O secret on lang ang peg mo sa inyo? Sa puntong yan, gusto kong soplakin si Boy. O.a naman makareact na galit agad? Yun lang eh, hindi madaan sa usap? Sa paliwanagan? Ang sensitive naman ata nya masyado? Tsk.. tsk.. Yan ang isa pang mahirap, nagjowa ka kasi ng hindi mo pa ganun kakilala. Siguro nga mabait sya dati nung grade 3 pa lang kayo, pero hello? Bagetching pa kayo nun, wala pang nagbabago sa ugali nya. Pero ngayong teens na kayo, dyan nay an unti-unting madedevelop, madidiscover nyo na ng unti-unti ung personality na gusto nyo. Siguro this time, may nagbago na sa kanya. sabihin mo man na hindi, oo yan. Lahat ng tao, bagay, o maski lugar nagbabago. Sa pagdaan ng panahon, maraming nagbabago. Sa paglipas ng mga araw may mga nangyayaring hindi natin inaasahan. Tulad ng ugali ng isang tao, kung dati crush na crush mo sya dahil sa magagandang katangian nya, ngayon hindi mo na alam na may nagbago na sa kanya. Eh hindi naman sya seryoso about sa inyo eh, kasi kung seryoso sya, wala pang ilang araw kakausapin ka na nun. Hindi rason na bata pa kayo, lol. Hindi na kayo bata para umasta ng ganyan, nakukuha nyo ngang magboyfriend eh, dapat alam nyo kasi ung responsibility ng pumapasok sa isang relasyon. Hindi pwedeng may konting bagay lang na hindi napagkasunduan, kalimutan na agad. Hindi na kayo bata, pero napakaimmature nyo pa pagdating sa relationship. You don’t know how to handle relationships. Dapat hindi nyo na pinasok yan, oo kayong dalawa. Kung sya ayaw makipag-usap, eh ikaw naman galit ka agad sinabi lang na kayo. Kung nahihiya kang malaman nilang may boyfriend ka, wag ka ng makipagboyfriend boyfriend. Immature ka pa pagdating sa ganyan. Kung baga sa bulaklak, talulot ka pa lang. Bleh! Talulot! :P
Lols, ilang taon ka pa lang marunong ka na ng salitang panakip butas ha? Iba na talaga mga kabataan ngayon, :D hahaha hindi mo sya panakip butas :D Panakip butas mo sya kung may formal na commitment kayo sa isa’t isa, pero si Boy ang naman talaga ang laman ng isip at puso mo. Yung tipong ang alam nya sya lang ang nagiisa sa buhay mo, pero yun pala niloloko mo lang sya. Eh ayan, Mutual understanding pa lang kayo, wala pang assurance na magiging kayo. So hindi mo pa peg si Katy Perry. Cause when I’m with him I am THINKING OF YOOOOOOU~~.. Oh di ba? Bagay na bagay. Ngayon, sinusubukan mo pa lang na pumansin ng iba, tinutulungan or sinusubukan mo lang na makaappreciate ng iba. Wag mong isipin na panakip butas mo si crush, nasa pagiisip kasi yan eh. Panakip butas agad, may crush lang na iba? Hindi ba pwedeng may iba pang gwapo sa mundo, hindi lang sya?
Huling payo..
Do as what you said, alam mo naman pala eh. Talk to him, talk, talk, talk. Walang sense kung magmomove on ka ng walang closure yung tungkol sa inyo. Mahirap magmove on ng may bumabagabag sa utak mo, hindi ka makakapagmove on nyan kasi maiisip at maiisip mo ang mga salitang “What if”. Mas magandang magmove on ng alam mo na sa sarili mong dapat ka ng magmove on. Kasi kung hindi, walang sense. Darating at darating ang time na hahanapan mo ng sagot ung mga bagay na iniisip mo about sa hindi mo nalaman sa inyo, so what’s the sense of moving on? Right? Now, kung sa pakikipagusap naman sa kanya. Talk to him in a way na parang hindi ka na umaasa sa inyo. Na nakikipagusap ka na lang kasi gusto mo na ng closure. Nang kapanatagan sa kalooban mo, wag kang makikipagusap na mararamdaman nyang may feelings ka pa sa kanya. Hello? Ikaw na yung ginawa nyang shunga ng ganun katagal tapos pag nakausap mo sya para kang Persian Cat na malambing ang pakikitungo sa kanya? Eh wala na, sasaktan ka lang ulit nyan. Kasi nalaman nya na gusto mo pa din sya, magkakaroon pa rin yan ng lakas ng loob na ulitin ung ginawa nya. He’s unfair of leaving you without closures. So make him feel na gusto mo na lang malaman yung status nyo, un lang. Kahit mahal mo pa sya, wag mong iparamdam na sobra kang kawawa, eh kahit kawawa ka naman talaga. Ipakita mo sa kanya na mali yung ginawa nya sa pamamagitan ng simpleng pagpaparamdam na okay ka na. Wag ka ng papatalo sa feelings mo para sa kanya. Lakasan mo yung loob mo. Yan lang ang meron ka against him. Kung wala naman, bili kang Sting or Cobra sa pinakamalapit na tindahan, wala pang 10 pesos. Hindi ka lang malakas nyan, gising na gising pa diwa mo. :)
Pero kung ayaw nya talaga makipagusap, hayaan mo na. isipin mo na lang sa sarili mo na sa ginawa nya, nilet go ka na nya. Yun na yun. Ginusto nya yun eh. At kapag nagparamdam sya ulit sayo, matuto kang maging malakas para sa sarili mo. Marami ka pang makikilalang mas better sa kanya. At sana sa mga panahon na yun natutunan mo na yung lesson mo. Kilalanin mo muna ang isang tao. Kahit hindi mo sya gusto sa simula, matuto kang kilalanin ang ugali ng isang tao, gumamit ng utak. Hindi puro mata at puso. Try mo rin minsan ang atay balunbalunan pag hindi nagwork.
Wag papadala sa nakikita mo lang, alamin mo muna ang kanyang nilalaman.
*******
:) ngitian lang yan! :D
![](https://img.wattpad.com/cover/3988339-288-k764619.jpg)
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.