Umaarteng Puso No.19: Emotera Princess

239 4 0
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Emotera Princess

Gender: Female

Age Bracket: 11-15

Location: Calapan

Eksena:

"Simple. Mabait. Mapagmahal. Masayahin. Loyal. Yan ang palaging description sakin ng mga tao sa paligid ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit iniwan ako ng taong minahal ko ng sobra sobra. Sino sya? Sya si Boy 1. Bestfriend ko sya dati tapos naging boyfriend ko. Yun siguro ang dahilan kung bakit kami nagtagal ng 2years. Kasi kilala na namin ang isa’t isa. Isa pa, legal kami. Alam ng mga magulang namin na kami kahit na hndi pa namin namemeet ng personal ang parents namin.

April of 2012, umalis sya. At ang masaklap pa dun, dun na sila titira. Saan? Sa batangas. (Nasa Calapan ako) Oo, malapit lang yun. Pero sa batang katulad namin malayo yun. Hindi kami pwedeng magkita hangga’t walang permission ng parents nya. Kaya mahirap. December 2011, alam ko na aalis na sya. Grabe, halos mamatay na ko nung malaman ko yun. Lalo na’t hindi ko mismo sa kanya narinig. Dami kong iniyak nung araw na yun, pumasok din sa isip ko hindi na sya babalik. Dalawang beses namin yun pinagusapan, hindi naman sya nagsalita ng deretso. Puro “hindi pa naman daw sure” ang sinasabi. Sino ba namang hindi maiinis dun. Naiyak ako, kaya nawalkoutan ko sya nung una kaming nagusap. Nagkita rin kami bago sya umalis. Isang buong araw kaming magkasama. Syempre hindi ko maiwasang hindi umiyak nung oras na kailangan na naming magpaalam sa isa’t isa. Ayaw na ayaw kong umiiyak sa harap nya. Ayoko talaga. Pero nagawa ko.

Gabi gabi umiiyak ako. Iniisip ko ng todo kung bakit kailangan samin pa ‘to mangyari. Feeling ko pinaglalayo kami ee. Feeling ko hndi kami meant to be. Hanggang sa nasanay na ko na wala sya, minsan na lang ako umiiyak. Dumaan ang aming second anniversary. Hanggang pictures lang ang nakaya kong gawin ee. Hanggang edit lang. Hindi naman ako talented. Sya naman, gumawa sya ng video. Kumanta sya. Tas paulit ulit ko yung plineplay. As in paulit ulit. Hindi ako nagsasawang pakinggan yun.

Hanggang sa dumating yung time na nagkagulo kami. Bakit daw hindi ako nagpaparamdam samantalang palagi akong nagpopost sa wall nya. Palagi akong nagchachat sa kanya. Ako palagi ang nauuna. Ee nagsawa na rin ako na ako palagi. Hindi naman sya gumagawa ng paraan para magkacellphone. Feeling ko nga nung mga oras na yun ako na lang ang lumalaban. Tuwing paguusapan namin yung problema namin palagi na lang kaming nagkakapikunan. Wala kaming napapala sa paguusap.

Dumating rin yung panahon na kailangan ko ng space para makapagisip. Na masyado nya namang dinamdam. February 15, 2013, May pasok ako nun. Nagnonotes ako. Nung panahon nay un may cellphone na sya, tas nagtext sya sakin. Sinasabi na masyado nyang dinamdam yung hinihingi kong space. Hindi ko daw alam kung gano ko sya nasaktan nun. Na kailangan na daw naming palayain ang isa’t isa sa napakakumplikadong relasyong ito. Wala akong magawa. Kundi ang umoo. Sa sama at sakit ng loob ko, umiyak ako ng todo todo kahit na naririnig ng mga kaklase ko. Madaming nagtanong kung anong nangyari. Kinalma ko ang sarili ko, tumayo sa unahan at binasa ang mga text nya. Sa bawat part na labis na nakasakit sakin, napapatigil ako at napapahagulgol. Alam kong mali yun pero yun lang yung alam kong paraan para mailabas ang sakit ng aking nararamdaman. Buti na lang nandyan sila para sakin. Naririnig ko ang mga sinasabi nila habang umiiyak ako. Sabi nila magiging man-hater daw ako. Ba’t daw ganun ang nangyari. Ba’t daw sa text lang nakipagbreak. Mga ganung bagay.

Nung umagang yun, wala ako sa sarili, iniisip ko kung hahabulin ko pa sya o hindi. Nung tanghali, napagdesisyunan ko na balikan sya. Tinawagan ko sya, pero kaklase nya ang sumagot. Ayaw nyang humarap sakin. Napamura na lang ako. Kinausap ako sa cellphone ng mga kaklase nyang babae, at ang sasakit ng sinabi nila sakin. Sana naman alam nila ang limitasyon nila pagdating sa ganung bagay. Iniyakan ko rin yun.

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon