Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Bonita Bengga
Gender: Female
Age Bracket: 16-20 years old
Location: Province
Eksena:
"Ganito po ang aking sitwasyon.. Akala ko kasi ate nung nagbreak kami ng ex ko magiging masaya ako kasi meron na akong nagugustuhang ibang tao.. Pero dahil GUSTO lang yun hindi parin nawawala sa akin na hindi banggitin parati si ex.. pero friends kami nung nagugustuhan kogn lalaki. Sakto naman na single ako nun at currently healing the heartache I’m experiencing with my ex.. Sa lahat kasi ng naging bf ko siya ang tumagal kasi siya ang sineryoso ko at iniyakan.. Sa kabilang banda, aminado din akong may gusto na ako sa lalaking kaklase ko ngayon college.
As the time goes by nawala na yung feelings kay ex.. Pero everytime na may ginagawa na sweet nothings yung lalaking yun todo deny ako... Hindi naman kasi ako nag eexpect. Parati na rin siyang concerned sa akin at todo tanong sa akin.. Inaakbayan ako, regular textmates din kami.. Pero dumating yung time na nakipagbalikan sa akin si ex. Hindi ko alam ang gagawin ko.. Hindi ko alam pero, napa oo ako sa ex ko.. Complicated nga eh.. Nag-i-I love you too ako sa ex ko pero sa isip ko ang lalaking kaibigan ko ang tumatatak.. Hindi nagtagal, nalaman niya na nagkabalikan kami ni ex.. Doon na nagsimulang ang hindi nya pagpansin sa akin.. Hindi na rin niya ako kinakausap. Hindi narin kami nagkakatext pero nag g-gm-man lang.. namimiss ko na rin siya kasi may friendship na rin kami eh.. Sinabi pa noon ng mga kaibigan niya sakin na bakit daw ako nakipagbalikan sa ex ko? Ang daming bakit.. Tapos sa huli ang daming masasakit na ginawa yung lalaking yun, yung kapag nandun ako pipilitan niya pumunta sa kaibgan kong babae para kausapin.. Mismong saa harap ko... Ang sweet nya sa babae kahit na ako alam kong may boyfriend na yun. Tinitingnan niya pa ako kapag ginagawa niya yun.. ate..
Tapos nung nangyari yun nagkagusto ulit ako sa kaklase ko noon.. Ngayon nagkakaroon kami ng communication sabi niya single siya at nagbibigay ng sweet nothings sakin.. Tapos malalaman ko lang na may girlfriend na pala siya at to think na inaway pa ako ng girlfriend niya. Sinabihan pa ako ng malandi.. eh hindi ko nga alam na may girlfriend siya kasi siya mismo nagsasabi na may gf siya.. at kung tatanungin ko siya sabi niya DOTA lang ang pinagkakaabalahan niya.. Ni minsan hindi niya sinabing may gf siya.. At ako naman si tanga umasa. Dobleng sakit lang eh.. Grabe."
Pag-iinarte:
"Anu ba yung gagawin ko para mabalik ang friendship namin na nawala? Ano yung gagawin ko para mabalik namin ang dati?"
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:
Isa ka na naman sa mga sumubok na humingi ng payo ko, so eto, pagbibigyan kita, :)
First of all, ung love life mo, medyo simple lang na complicated. Madali itong masusolusyunan kung tutulungan mo ang sarili mo. :) Simple sa sa idea na ung sitwasyon eh hindi na bago sa pandinig, marami kang katulad ng ganitong pinagdadaanan sa pag-ibig. Pero complicated in a way na hindi ito mdaling pagdaanan. Mahirap kaya itong ganito, iba yung laman ng isip mo sa sinisigaw ng puso mo. Kaya kung gusto mong mapadali ang lahat, subukan mong sundin ang seryosong advice na ibibigay ko, pero nasa iyo na kung itatake mo ito seriously. Ahihi.
So eto na.
Clap clap clap for you girl, nagtagal kayo ni Boy 1 (Boy 1 refers to your EX) at nagawa mong magmahal gn seryoso. Pero clap clap clap ulti for you, dahil kahit nawala na sya eh nagawa mong pumansin at ibigay ang atensyon mo sa ibang lalaki. Nice one. Clap clap clap clap clap for you dahil dyan, you deserve it.
Nagtataka lang din ako, okay naman kayo ni Boy 2 (si Boy 2 ang iyong friend na lalaki na close mo na) at sabi mo sya na ung lagi mong iniisip. Dapat hindi mo na pinagbigyan si Boy 1 na maging kayo ulit, alam mo kung bakit? Para mo na rin syang niloko, pumayag kang maging kayo pero ibang lalaki ang nasa isip mo? Paano pag magkasama kayo, ibang lalaki ang iniisip mong sana kasama mo? Pagkatext mo si Boy 1, kay Boy 2 ka ganadong magreply. Ano ito? Thinking of you by Katy Perry ang theme song ng buhay mo? Ow men. Niloko mo na si Boy 1, niloko mo pa sarili mo. Yun ang matindi dun,nakapanloko ka na gamit ang salitang OO, pati sarili mo niloko mo na din. Tsk.. Tsk..
Dapat kasi, bago mo sinabi yung OO mo, nagisip ka muna. Kahit mga 3 hours and 28 minutes, pwede na siguro yun. Or kahit mga 207times na beses mong pinagisipan, keme na yun. Ang pagsasalita ng OO, kahit kelan, kahit saan, sa ano mang bagay, sinasabi lang yun kapag sigurado ka na. Dahil kapag hindi ka siguradong bitawan na sabihin yun, sure na sure na ipapahamak ka ng 2 letra na yan, lalo na sa larangan ng pag-ibig. SWEAR.
About naman kay Boy 2, mapunta tayo sa kanya, sana sinabi mo naman sa kanya na naging kayo ulit. Malay natin, ay hindi, sure tayo na may something na din un na nafefeel sayo. Magkaibigan naman kayo di ba? Unless, natatakot kang mawala ung friendship sa inyo. Pero hindi, kahit mawala pa un, at least naging totoo ka sa kanya. Sa tingin ko umasa na rin sya about sa inyo. See? Ang salitang OO, kapag binitiwan sa maling pagkakataon, nakakapahamak, tignan mo damay-damay na.
Selos ka noh? :D Nung may sinisweet syang girl, ahihi kwits na kayo. Nasaktan lang sya nung nalaman nyang may boyfriend ka na ulit, o baka naman tinitignan nya reaction mo. Pwedeng yun ang dahilan, pinagseselos ka lang nya. Mga teknik yan ng lalaki, wag kang papabihag. Hahaha Pero tiganan mo, kwits na nga kayo. Kasi nagkagirlfriend sya, now you know how it hurts. Na nung nalaman nyang nagkabalikan kayo ni Boy 1, nasaktan sya. Hindi lang basta sakit yun, dahil BINALIKAN MO YUNG TAONG DATI MO NG MINAHAL. Pero sya nagkagirlfriend na sya, masakit di ba? :) Pero mas masakit sa iyo, babae ka kasi eh. I’m sure gusto mo na sya not just being a friend. Halata naman eh, aarte ka ba ng ganito kung waley lang?
Sa idea na inaway ka ng girlfriend nya, dapat inaway mo rin. Feeler sya. Dapat hindi nya un ginawa sayo. Lols, baka ginagamit lang sya ni Boy 2 para mawala na ung hidden desire nya sayo. Charot! Wahahaha
Huling Payo..
Sa tanong mo na kung paano ibabalik ung dati nyong samahan, YOU BETTER TALK TO HIM. That’s the first step, ayun naman palagi. Walang nadadaan sa maayos na usapan. Ask him kung bakit kayo dumating sa point na ganyan, kung bakit hindi na kayo close. Tingin ko kasi talaga gusto ka nya, maybe mutual kayo ng feelings. Pero how will we know it? Kung hindi mo aalamin. Siguro it’s about time to ask him. Tulad nga ng sabi ko sa nauna kong inadvice-san (Umaarteng Puso No.3: Neneng Nii), hindi nawawala nag samahan, nandyan pa din yan. Hindi yan nawala, nagbago lang. Ayun ang dapat mong iwork out, ang alamin kung bakit kayo nagbago. Madali lang ibalik ung dating samahan, kung gugustuhin at gagawan ng paraan. Simulan mo na ngayon pa lang habang pwede pa, habang may panahon pa. Kausapin mo sya, iparamdam mo sa kanyang kayo pa rin yung dati. Pero ito lang, kung gagawin mo ito, dapat siguro tantyahin mo ang bagay-bagay, lalo na kayo pa ata ni Boy 1. Mahirap dahil baka makasakit ka ng nararamdaman ng iba. Isa pa, baka hindi rin masabi lahat ni Boy 2 lahat ng nararamdaman nya dahil alam nyang may Boy 1 ka at may girlfriend pa sya. Time-mingan mo rin ang lahat, pero kailangan mo na itong gawin sa lalo't madaling panahon. Hindi naman sa minamadali kita, pero, GORA NA!! :D Pero be open sa lahat ng posibilities, wag munang aasa hanggat wala pa syang sinasabi sayo na alam mo na, precious words. Kaya wag umasa agad-agad, kahit ganito ung feeling ko na may something si Boy 2 for you, iba pa din ung manggagaling sa kanya. Yun ang katotohanan na dapat mogn tanggapin kahit ano pa yun. At kung sakali manghindi talaga maaaring maging more than friends ang turingan nyo, iwork out mo na lang kayo as friends. Malay mo naman, hindi lang napapanahon ito para sa inyo.
"Walang masasayang na pagkakaibigan kung ipagpapatuloy nyo lang."
*******
Done! :)
I hope it helps, lalo na sa mga nakakaranas ng ganitong sitwasyon din.
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.