Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Woman of Love
Gender: Female
Age Bracket: 16-20 years old
Location: Mindanao Province
Eksena:
"It's like 1-3 years na po ako walang boyfriend. Actually, gustong-gusto nga po ng mga friends ko na magpakilala sa akin ng iba't-ibang cute guys, pero wala akong nagustuhan.
Nangyari ito nung August 2012. 1st year college pa lang ako nun. Pero nag-stop na ako. Habang nagbabasa po ako ng stories sa Wattpad, nagulat ako ng may biglang tumawag sa akin. Unregistered number. So, sinagot ko. Nagulat ako, kasi lalake. Hinahanap yung pamangkin ko. Niyayaya nila makipag-jam. Pero, sinabi kong wala sa bahay yung pamangkin ko. Then he asked my name at nagpakilala rin siya at the same time.
1 month kaming nagtetext. No calls kasi maraming pinapagawa sa akin si Mama so ayaw ko naman na ma-disturb ako. At yun na, inamin niya sa akin na may gusto siya. Tinanong niya ako kung pwede ba daw manligaw. Tutal, nakilala ko na man siya thru text e pinayagan ko na. So, after a week sinagot ko kasi medyo slight na gusto ko na rin siya. Hanggang sa na-inlove na ako sa kanya.
TAKE NOTE: Hindi pa po kami nagkikita, pero inlove na po ako sakanya.
Dumating yung times na paminsan naghihiwalay kami. Pero, nagkakabalikan na man. Pero merong nangyari which is very na-disappoint ako.
Habang nagte-text kami nito lang April, nagulat na lang ako ng biglang may nag-reply ng "SINO 'TO?!" Syempre, nagulat ako. I was like "Seriously? Ang tagal na namin mag-ON tapos, di niya ako kilala? WEIRD." Tapos yung sinasabi ko na "Huy! Ano ka ba! Ako 'to! Hello?! 6-month GF mo, di mo kilala?" Tapos panay ang deny niya. Tapos, BOOM! Nagulat ako ng may nag-text "Hindi si *insert my boyfriend's name here* ito. Baka wrong number ka" Tinignan ko na man yung number, yun na man ang number ng BF ko. Sabi ko na man sa utak ko. "Nasiraan na siguro ng utak 'to." Tinatawag-tawagan ko na man, pero hindi sumasagot tapos nagulat na lang ako ng biglang may nag-text na "GIRLFRIEND NIYA ITO. SINO KA?" Dun na nag-simula na umiyak ako ng todo. Hanggang sa nalaman ko na may iba pala siya nung mga oras na yun. Tinawagan ko kasi halo-halo na yung emotion eh. Andun na yung inis at sakit. Parati kong tinatanong sa sarili ko that time na "Ano bang ginawa ko at ginaganito ako ng tadhana?" Halos buong timba na yata yung luha ko.
Bale, tinawagan ko siya after 3-5 rings saka lang sya sumagot. Tumatawa na lang ako ng plastic tungkol sa nangyari kanina. Syempre, di ko alam kung totoo yun o hindi e. Ang lakas kasi nung instinct ko na may babae siya that time kasi umuwi siya ng Cotabato.
At ayun, umamin din sya na may iba nag sya. Ang sakit nun, mas lalo akong naiyak ng sobra. Hindi ko kinaya napaluhod ako sa sahig nung time na yun. As in nanlambot ako. Biruin mo? Halos mas mahal ko pa nga yung BF ko kesa sa sarili ko e. Sorry lang siya ng sorry. So, pinunasan ko yung luha ko. Tumayo ako. Yung feeling na nagmamatapang lang ako. Pinapili ko sya kung ako o yung babae. Medyo matagal siya nakasagot.
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.