Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Charming Darling
Gender: Female
Age Bracket: 16-20 years old
Location: Philippines
Eksena:
"Sumulat po ako sa inyo dahil naguguluhan po ako. Ako nga po pala ay kasalukuyang nasa kolehiyo na. Masyadong naging busy ang kolehiyalang katulad ko marahil sa pagaaral at sa iba’t ibang bagay. Marami ring pagsubok akong hinaharap ngayon sa propesyonal at personal na aspeto sa aking buhay ngunit hindi naging dahilan ang mga iyon para mawaglit siya sa aking isipan.
Sa katunayan po, matagal na kaming hindi nagkakausap. Wala na kaming komunikasyon. Ilang taon na po noong huli kaming nagusap. Ang huling paguusap naming ay noong patapos na ako sa ikalawang taon ko sa sekondarya. Bakit? Lumayo ako…
Isa lang po pala siya sa mga sumubok na tumibag sa matigas kong puso. Para po sa inyong kaalaman, hanggang ngayon po ay NBSB ako.
Mataray kong tinanggihan lahat ng nanligaw sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit sa taong ito medyo mahinahon ata ako :D Haha!
Eto po ang mga rason kung bakit naging NBSB ako..
1.Bata pa ako para sa tinatawag nilang pag-ibig :D
2.Ayaw ng magulang ko at pati na rin ako. (Siguro noong siya yung nanligaw, yung magulang ko lang ang may ayaw. Haha :P )
3.Hindi pa ko handa.
4.Studies First :D (Ayweh? Hahaha!)
Lahat naman yan totoo pero may mga nadagdag akong rason noong siya na ang tinanggihan ko.
5.Natatakot ako.
6.Magulo ako. Magulo ang buhay ko at hindi ko gustong madamay siya doon.
7.Emotional Wreck ako. Sobra!
8.Magkaedad kami pero mas nauna akong magaral sa kanya. First year siya ako Second year. (Hindi ko alam kung isa talaga to sa mga dahilan)
9.Hindi alam ng mga kaibigan ko ang tungkol dito, marahil ganon din siya. (Secret Affair ang peg namin :D)
10.Hindi ko alam kung seryoso siya, feeling ko kasi pustahan lang o nachallenge lang siya.
Ganito po pala kami nagkakilala nung taong tinutukoy ko sa inyo. Second year nga ako siya first year, common friends. Yung friend nya crush yung friend ko, kaso may nagalit sa friend ko na kabatch namin nung nalaman un. Kaya naglakas loob akong sabihin sa friend ni Guy na tigilan na yung friend ko. Nanduon lahat ng circle of friends nila nung time na yun, as well as my friends. At duon, na nagsimula ang lahat. Nagtext si Guy sa akin. Alam ko na kung kanino niya nakuha number ko. Sa isang common friend :D Pag sa school kami nagkikita, secretly we smiled at each other. Haha! Idagdag pa na pareho kaming Varsity player kaya nagkakasama kami minsan sa mga laban. I play chess while he plays Basketball. Naalala ko malakas ako magcheer ng “Go LIONS!” Pero deep inside malakas din magcheer yung puso ko ng “Go *insert name here*”
Days go by, then he told me he likes me pero tinawanan ko lang siya. I’m happy talking to him. Hanggang isang araw naputol na lang yung koneksiyon namin. Walang Closure na naganap. I just cut it. Funny, ako ang pumutol pero ako yung di makalimot. After nung nangyari, he had three relationships. Since we study in the same school, nagkakasalubong kami tapos magkakatitigan saglit then wala na. May awkwardness. Hanggang sa grumaduate ako without talking to him. Pero may times na magkakasalubong kami sa mall and just like before magkakatitigan then wala na. Affected pa rin ako hanggang ngayon. Tapos nitong bagong taon. Nakaonline ako. Tsaka dahil nga ayoko na ng awkwardness between him and me, I tried reaching out. Kakaonline niya pa lang chinat ko na siya ng “happy new year” Guess what? Bigla siyang nagopen without seeing my message. Hanggang ngayon unread pa rin iyon.
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.