Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: So-Good-Guy
Gender: Male
Age Bracket: 11-15 years old
Location: Province
Eksena:
"May nakilala po ako na girl nung freshman ako na talaga namang nakabighani sa puso ko. Maganda, mabait, matalino, almost perfect kumbaga. Naging instant crush ko po siya. Marami rin po kasi kaming magkakaperong hobbies. At ayun, 2 months ko na po ata siyang crush nung malaman kong may boyfriend na sya. Pero since "CRUSH" ko pa lang naman po siya nun, wala na akong pakialam, basta crush ko pa rin siya.
Hanggang sa nalaman niya rin po na may paghanga ako sa kanya, and okay lang naman daw po sa kanya iyon. Simula nun madalas na po kaming magkatext, medyo close na rin po kami. Hanggang sa tumagal, nadevelop na po yung feelings ko, naging LOVE na. Same as before, nalaman niya rin po na mahal ko na siya. At tulad rin po ng dati, okay pa rin sa kanya. Naging mas malapit pa po kami sa isa't isa, to the point na "guardian angel-genie" na ang tawagan namin sa isa't isa (Siya yung guardian angel at ako yung genie). Halos gabi-gabi na po kami magkatext, nag-a-I love you na rin po ako sa kanya.
Hanggang sa malaman kong may feelings na rin po pala siya sa'kin. Pero hanggang ngayon, my boyfriend pa rin siya! Yun yun eh."
Pag-iinarte:
"Paano po kaya yun? Sinubukan ko na rin po kasing iwasan siya, pero walang epek. Di ko po kaya"
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:
Nakakakilig yung idea na sa crush crush kayo nagsimula. Ahihi nakakareminisce ng teenage years. Pero sa pagiging crush crush na yan, malapit na din ikaw sa punto na ma-crash ang mukha mo pag nalaman ng boyfriend nya yung about sa inyo ni Girl. Lalalalala~
Eh kasi ba naman eh, nung nalaman mong may boyfriend na sya pinagpatuloy mo pa. Hindi mo ba naisip na baka dumating sa point na mafall kayo sa isa’t-isa? Ayan ang mahirap sa inyong mga teenager, go lang ng go. Hindi nag-iisip kaya pag nandyan na, ang hirap ng lusutan. (Lols, napagdaanan ko na yan, nung bata-bata pa ako. Ahihi) Sermon mode ka muna sa paragraph na ito. Hmp. Hindi mo na naisip na baka mafall ka sa kanya? Alam mo ng may boyfriend na sya eh. Oo, crush mo sya, kaso ang hirap di ba? Hanggang crush ka lang dapat, ay hindi. You can choose to love her, pero hindi ka sure sa pwede nyang ibalik na feelings for you. Dapat hindi mo na hinayaang umabot sa ganito. Pero ayos lang, at least may matututunan ka sa experience na ito. At may isang entry ako sa Boses ng mga Umaarteng Puso. Hahaha
Hindi naman masamang naging friends kayo, na nakilala nyo pa ang isa’t-isa. Na nagkatext-text kayo eh. Walang masama sa pakikipagkaibigan. Pero bawat pakikipagkaibigan may intension. At ang mga intensyong ito, kung minsan ay para sa ikabubuti ng lahat, pero mas madalas na ito ay para sa pang sariling kabutihan. Pupusta ako, intentionally mo syang kinaibigan, sure ako dyan. Di ba? Okay lang yun. Pero baka naman nung nakikipagkaibigan ka na, duon na nagsimula lahat. Tama? Hindi ako galit sa way na ginawa mo para maging kaibigan sya, siguro magagalit lang ako sa mga naging usapan nyo nung nagiging friends na kayo. Pero sa mga piling pagkakataon lang, like nung nagsabi ka na ng I love you sa kanya. Sobrang epic fail.
Sa girl naman, sana hindi sya pumayag na makipag friends sayo ng ganun kaclose dahil may boyfriend na sya. Kung hindi ba naman isa ring pasaway eh. Naku, sa ginawa rin kasi nya, hindi kita masisisi. Kasi naman may boyfriend na nga sya, nakipagclose pa sya sayo. Dahil alam din nyang crush mo sya, hindi pa sya nagsabi na wag na kayong maging close pa. Dapat sa boyfriend na alng nya binigay yung time nya, at sa pag-aaral, most important. Swerte sya, hindi ko sya masesermonan. Sabihin mo na lang ito sa kanya, in my behalf. :)
Huling payo..
Sa iyong dinudulog, kung ano pa ang gagawin mo dahil sa sitwasyon nyo, layuan mo sya, wag lang basta iwasan. Kapag tinanong ka nya kung bakit kailangan mong gawin yun, simple lang. May boyfriend sya. Yun ang dapat nyang pinaglalaanan ng oras sa mga oras na nakikipagtext pa sya sa iba. Lakasan mo ang loob mo, kung gusto mo talagang wag ng magpatuloy toh, ang kailangan mo lang ay tapangan ang loob mo. Yun lang. Pero nasa iyo pa rin yan, you will choose. To stay close with her or to stay away from her. Sa dalawang yun ka lang naman mamimili eh, ang dalawang yan kailangan mong panindigan yung magiging desisiyon mo.
Alam mo, ramdam ko isa kang mabait na kaibigan, and sooner or later pag nagkagirlfriend ka na, magiging mabuti kang boyfriend sa kanya. You don’t deserve to feel this. Nor to be in this situation. Pero sana maisip mo by this ung worth mo bilang ikaw sa buhay nya. You don’t have her, walang kayo sa kwentong ito. Help yourself to be okay ulit. Kung ako sa iyo, wag mo ng subukan or umasa na maging kayo ni girl if ever. Kung sa boyfriend nga nya nagagawa na nya yan ngayon, paano pa pag kayo na. May possibility na maulit lang ito. Tama na yung crush mo na lang sya. Hanggang duon na lang. Crush is enough.
Marami ka pang makikilalang iba, makakafriend na iba. Ang bata-bata mo pa, don't take this seriously. Imbes, mag-aral kang mabuti. Yung sinasabi mo na love mo na sya, I bet, magbabago pa yan. Nadala ka lang kasi sa start na crush mo sya, tapos napagbigyan nya ng chance na magkakilala pa kayo. Ang mali lang dun, commited na sya. The chance that she gave to you has no assurance. Ang pangit non di ba?
Tigilan nyo na yang pagiging close nyo ni Girl, kasi kapag nalaman pa yan ni Boyfriend nya, patay-patay ka na. Baka magkagulo pa. Tapos paano kung magbreak sila, baka masisi ka pa ng lalaki. Isang malaking kaguluhan yan. Ikaw, kung okay lang sayo na maging dahilan ng break up nila, kung okay lang naman sayo. Pero tingin ko kasi gagamitin mo ang isip mo at hindi mo hahayaang mangyari yun di ba?
Wag lang basta pairalin ang bugso ng nararamdaman, ang excitement na nafefeel. Isipin mo yung mga bagay na maaaring mangyari, relasyon na maaaring masira kung ipagpapatuloy mo pa ang pagpasok sa buhay nila. Wag mo ng hayaan na tumagal pa na ganyan kayo, wala kang assurance dyan. Hayaan mo na lang sila.
Lumayo kung kinakailangan, lalo na kung may matindi namang dahilan.
*****
Oh mga bagets, alam na! :)
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.