Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Certified Sossy
Gender: Female
Age Bracket: 16-20 years old
Location: Philippines
Eksena:
"I am a simple college student. Scholar ako ng school namin. And my story begins here ...
I attended General Meeting sa Org namin sa school. I saw our PRESIDENT there. He's very cute. Ahead siya ng 4 years sa akin. And it was not bad for me, kase i believe in the saying AGE DOESNT matter :)
I find him cute, parang LOVE AT FIRST SIGHT kumbaga, then the second time around we meet sa isang party naming, theme nun is Witch and Wizards. Siya yung EMCEE dun then, nagkataon nakapapicture kami . I’m so happy that time kase first time niya binanggit yung pangalan ko! Then the next na nangyari was nung birthday niya, nag greet ako sa kanya sa FB and sa text then text na kami ng text nun! Until na-confess ko yung feelings ko sa kanya. Pero ang problema is , sabi nila he's GAY raw and like duh? Medyo slight totoo pero pagkausap ko siya nafefeel ko he's trying to be a man, I mean a real man. He also treats me like his special someone. Naguguluhan ako kung ano mga ibig sabihin ng mga ginagawa niya sa akin. Sweet kase siya and very friendly."
Pag-iinarte:
"What shall I do? Please help me get the better advice :) TY more power ♥♥♥"
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:
Hi Girl! Una sa lahat, I would like to Congratulate you! Nagiinarte ang puso mo! Hahaha well, kapederasyon ka na ng mga naglalaslas pulso, kumakaen ng bubog, sumisinghot ng katol, umiinom ng asido, nagbibigti sa CR at ang makapigil hiningang pag talon sa 6th floor! Hooray for today! Hahaha pa-coke float ka naman dyan!
Pangalawa, I would like to give you an Award for the Newest Love Problem Entry! Yehey! Habang binabasa ko kasi ang story mo, natutuwa ako at napapangiti. :) paano ba naman, after sa ilang entry ko na may pagkakakahawig ang ilang mga sitwasyon, eto at dumating sa kwento mong nakakabonggels ng chuvaness! Haha yung iba kasi dito may pagakakhawig lang ang mga love problems nila, kumbaga sa mga story dito sa Wattpad, ung mga plot parang isa lang pinagkunan. Pero naiintindihan ko naman sila. Pag puso na ang naginarte, maghirap na talaga. Kaya nga sabi ko sa inyo, basahin nyo muna ung iba kong entry dahil baka may kaparehas na kayo. >.< Buti na lang at loveyduts ko kayo kaya kahit sirang plaka na ako sa kakaadvice ng pa-ul-ul (paulit-ulit) keri lang. Love ko kayo eh. LALALALALALA~
Agree ako sa sinabi mong Age Doesn’t Matter. Ang pagmamahal naman wala yang pinipiling edad, kapag tinamaan ka na ng pana ni Kupido, ayun na yun! Hindi ba? Kaya naman saludo ako sa iyo ateng, dahil kahit na ahead sayo ang lalaking bet na bet mo, ginusto mo pa rin sya. :) Sa pagmamahal naman kasi hindi basehan kung anong layo ng pagitan ng mga edad nyo. Pero minsan depende din sa edad. Sabi nga nila, para sa babae at lalaki, ang magandang age gap para sa lalaki na mas matanda sa babae ay six years. Pero ang agwat ng babaeng mas matanda sa lalaki, hindi ko na alam. Hahaha gamit-gamit na lang ng imaginations kung ano sa tingin nyo ang bagay na edad. :D
About na sa iyong bet na si Kuyang Tanders, char! Hahaha I found my pet name for him, Kuyang Tanders. :D Since he’s older than you naman eh, oh me so conyo. Hahaha well well well balon, ako kasi I don’t believe at love at first sight. Ewan ko ha? Hindi kasi natalab yang ganyan sa akin. Siguro I can be attracted sa isang taong pogi na first time ko pa lang nakita. Sa pagkakataon nay un, crush-crush lang kung sakali. Pero ang ma-fall? Malayo sa realidad. Sino ba naman ang mafafall agad dahil sa gwapo lang? Ay, sorry. Tingin ko kasi marami ang biktima ng insidenteng yan. Pero para sa tulad kong hindi tinatablan ng pakyut na mukha, ang dahilan ko ay ito. Hindi naman kasi sa akin basehan ang hitsura para magmahal ng isang tao. Mas gusto kong nakilala ko muna ang taong mahal ko sa katangiang meron sya kaysa sa minahal ko lang sya dahil nagandahan ako sa buhok nyang naka-gel. Mas gusto kong malaman muna ang mga bagay na gusto at ayaw nya kaysa sa mahalin ko agad sya kahit na wala pang isang oras ko syang nakikilala. Mas gugustuhin kong malaman muna kung ilang babae na ang minahal nya kaysa sa maging kami agad na mismong paborito kong kulay hindi nya alam. Mas magugustuhan ko pang malaman ung bagay na pinakainiyakan nya noon kasya dumating yung araw na mismong ako ung magulat at masaktan sa mga lihim nya.
Hindi ko naman sinasabing masama magmahal ng taong una mo pa lang nakita. Ang punto ko lang, ang isang bagay na dinadaan sa dahan-dahan mas masarap sa pakiramdam pag nakamtan. Hindi ko rin kasi magets, ano bang pakiramdam ng na-love at first sight? Anong klaseng love ang nararamdaman ng ganuon? Isa pa, totoo bang pagmamahal na agad ung nararamdaman pag ganuon? Baka bugso lang ng damdamin? Hindi ba pwedeng crush lang muna? Love agad??
Sa pagiging GAY ni Kuyang Tanders, all I can say is.. I don’t know! Hahaha actually ha, hindi ko alam ang iaadvice ko. Lols. Bakit ko ba ito tinatype? Walang sense, walang kwenta. Haha! Pero naisip ko ha? Kung bakla talaga sya, why would he show to you that he is sweet? Why would he make you feel special? Di ba? Tapos sinabi pa nyang bakla sya? May lalaki bang magsasabi nun sa babae tapos magpapakita pa rin ng mga bagay na ginagawa ng lalaki sa isang babae? Siguro pang front lang ni Kuyang Tanders yun sayo Ateng. Ang hirap naman nyan, :/ feeling ko hindi talaga sya bakla. Kasi ang bakla kung alam nilang trip sila ng girl, hindi na yan makikipagclose pa at magpapakita ng something sa isang babae. Baka hinuhula lang nya ung feelings mo. Or chinachallenge ka nya. O baka naman Gay nga talaga sya, ikaw lang ang paraan para maging lalaki sya ulit! Nyahahaha! :D
Huling Payo..
Tingin ko kasi hindi talaga sya bakla. Hulihin mo sya. Paaminin mo na lalaki talaga sya. Kasi malabong magpakasweet yan sayo kung sya mismo sweet na ang katawan nya. Confront him. Or even say to him na like mo sya. Sa personal ha? Grab and kiss him! Hahaha pag nagpupumiglas, itigil mo na, bakla. Certified na yan. Pag hindi pumalag, halikan mo pa ng madiin, lalaki yan. Proven and tested! Haha Joke lang yang advice ko na yan ha? Pero effective din yan pag ginawa mo talaga. :D Kaya mo yan Ateng, sa ating dalawa ikaw naman ang mas nakakaramdam ng pagkalalaki nya eh. Kaya sa ating dalawa, ikaw ang mas makakaalam kung trulaley ba sya sayo. O wit sa pagiging machong papa.
Walang TUNAY na binabae hindi magkakagusto sa babae.
*******
Yun lang, :D
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.