Umaarteng Puso No.6: Ms.Girl-friend

497 11 1
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Ms.Girl-friend

Gender: Female

Age Bracket: 16-20 years old

Location: Metro Manila

Eksena:

"Nagkaroon ako ng boyfriend for 6 months. Pero nung pang 4th month pa lang namin, nambabae na sya, ang masaklap, kilala ko pa ung babae. Inamin naman nya sa akin, kaya ayun, tinanggap ko pa rin sya. Ngunit dumating sa time na ako na rin nag nakipaghiwalay sa kanya.

Ilang buwan ang lumipas, may nakilala akong lalaki. Sa apat na buwan na naging magkaibigan kami, nagustuhan ko sya at aware naman sya sa feelings ko para sa kanya. Naging okay lang sa kanya ung set up na ako lang yung nagmamahal. Kaya ayun, palagi na lang akong nasasaktan at ngayon, hindi na kami nag-uusap.

Eto na, naging close ulit kami ng Ex-boyfriend ko. Sa tuwing nagkwekwento sya ng tungkol sa ibang babae, hindi ko maiwasang hindi malungkot. Parang nagseselos ako, pero wala na akong nararamdaman para sa kanya. Pero nagagawa ko pa ding umiyak. Gusto ko pa rin ung lalaking nakilala ko, pero nagseselos ako sa mga babae ng Ex-boyfriend ko."

Pag-iinarte:

"Gulong-gulo na ako, Ano ang gagawin ko? Para hindi na ako naloloka ng ganito?"

Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:

Nais kong pasalamatan ka sa maikling paglalahad ng iyong dinadanas na problema ngayon.(Makata ang intro, wag ka! :P) At sa maikling paglalahad na ito, naramdaman ko ang sakit na pinagdadaanan mo. Kaya upang ikaw ay aking matulungan sa kahit kakaunting paraan, ito ay aking gagawin bilang ikaw naman ay aking kaibigan.  (Lalalalalala~)

Dahil maikli lamang ang iyong idinulog, malamang sa malamang magiging maikli lang din ang sagot ko dito. Echos.

Ang eksenang nagpapakabulag tayong mga girls. Yan yung may mali na nga ang boyfriend, pinagbibigyan pa. Pinagtatakpan ang katotohan kahit na nasasaktan na. Buti naman, binuksan mo rin ang mata mo. Akala ko habang binabasa ko ung kwentong pag-iinarte ng puso mo eh maiim-barney ako. Buti na lang talaga nakipagbreak ka. Good decision din naman. Siguro nga kailangan mangyari ang pambababae nya, dahil kong hindi at kayo pa din, baka maulit lang yun. Good thing naman dahil umamin sya ha? Brave enough to face his mistake.

Eto na naman tayo sa eksena ng mga nakakakilala ng  bago, wala namang mali sa pagkakaroon ng ibang makikilala. Pero sana hinayaan mo lang na kilalanin pa sya. Maikling panahon pa lang na nakikilala mo sya. Sa mga puntong yan, puro kabutihan nya pa lang ang malalaman mo tungkol sa kanya, kaya hindi naging mahirap sayo ang magustuhan sya. Pero Girla, maikling panahon pa lang ang 4 months, sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan lalabas at lalabas din ang mga nakatagong ugali nyan. Hindi mo pa un ngayon malalaman, maaga pa para makilala sya ng lubusan. What I am trying to say is, sana wag kang magpadalos dalos, alam ko madaling makaattract ang ugaling una nating nakikita. Ugaling unang naipapakita sa atin, pero wag mo agad-agad iconclude sa sarili mo na gusto mo na sya. Maaaring gusto mo na sya, pero hindi pa yan nasa level ng pagkagusto na ultimo sa favorite mong teleserye eh naiimagine mong kayong dalawa ung bidang babae at lalaki. Siguro naman hindi pa dumadating sa point na yun noh? Wag kang mag-alala, pag nangyari yun, isipin mo rin na ako ung babaeng kontrabida sa teleserye. Ipaparealize ko sayong hindi pa happy ending.

Connected to the last paragraph, eto na ang sinasabi ko. See? See? Ano bang klaseng lalaki yan, hahayaan nyang may feelings yung girl sa kanya tapos sya parang waley lang? Ano ba teh? Parehas kayong may sermon sa part na toh. Hmp. Unang-una, ikaw girla. Sana naman kasi, hindi ka nagpaka Daughter of the Haring Martyrs. Ung totoo? Sinong tatay mo sa kanilang tatlo? Si Gomez? Si Burgos? O si Zamora? Tsk.. Tsk, kasi naman, parang may pinagmanahan ka sa kanilang tatlo. Akala ko okay na eh, hiniwalayan mo ung Ex mong nanakit sayo, eh ngayon mas malala. Ikaw mismo yung nanakit sa sarili mo. Alam mong ganun lang sya, na ikaw lang ung nagpaparamdam tapos sya ramdam lang ng ramdam. Pinabayaan mo naman. Girla.. Hindi mo deserve yun, bilang babae at the first place. Ang kahit sinong lalaki, walang karapatan na hayaan ang babae na magmahal ng magmahal habang syang lalaki wala lang. Mabuti pa nga sana kung sinabihan ka nyang hindi mo na sya dapat mahalin, tingin ko by that way makakatulong yun para marealize mong ikaw lang talaga ung nakakaramdam ng pagmamahal. At dyan sa lalaking yan, sarap nyang pektusan ng mga 4 ½ times. Kapal ng pes, ang tanong, anong karapatan nyang makatanggap lang ng pagmamahal? Sana dineretso ka na lang nya. Kahit masakit yun para sayo, mas better un, kesa masaktan ka na hindi mo maireklamo sa kanya kung bakit. Mabuti na rin hindi na kayo naguusap, baka mas lalo ka lang mafall sa kanya. Mas mahirap  yan. Itulak na lang kita sa bangin, un mas madaling pagkafall. Effortless.

Bakit ba kasi kayo naging close ulit ng Ex mo? Alam mo ba girla, ang mag-Ex hindi yan agad-agad nagkakaayos ng walang dahilan. It’s either may kailangan kayo sa isa’t-isa o hindi nyo kayang bitawan ang isa’t-isa. Eh sa puntong ito pa lang, dapat hindi ka na nakipagclose sa Ex mo, tapos sasabihin mo sa akin wala ka ng feelings for him? Bigyan mo ko piso, para maniwala ako. Ano ako? 3 years old na maniniwala na sa mga pinagsasabi ni Spongebob? Duh. Dumaan na ako dyan. Tapos eto ka, Iyak-iyak. Ibig sabihin may something pa rin. Kaya nga mali na naging close kayo, kasi ang feelings hindi agad nawawala. Kasi kapag naging close kayo ng Ex mo, dalawa lang ang mararamdaman mo nyan, it’s either maging masaya ka o masaktan. Eh ang napunta sayo masaktan. Kung wala ka ng nararamdaman sa kanya bakit kailangan mong magselos at umiyak. Drama lang ba? O may nafefeel ka pa? Ano kayang ibig sabihin non? Sige nga.. Tell me.

Huling payo..

Take your time. Isa-isahin mo lang. Una sa lahat give yourself a break. Gusto mo ung isa pero may iniiyakan ka pang iba. Ano ba? Help yourself. Wag ganyan. Talagang maloloka ka kung patuloy mong ipaparamdam sa sarili mo yan. Yung sa lalaking nakilala mo, wag mo masyadong dibdibin.  Kelan mo pa lang naman un nakilala, at hindi pa naman siguro love yung nararamdaman mo para sa kanya. Marami pang oras ang nalalabi, masasalba mo pa ang sarili mo mula sa pagkakagusto sa lalaking un. Maaari pa yang mawala, kung pagaganahin mo ang isip mo. Dahil nafefeel kong hindi pa naman sya umaabot sa ikabuturan ng heart mo. At si Ex mo naman, let go na. Nagawa mo ng makipagbreak noon, dapat hindi mo na hinahayaan na magselos ka. Baka nabibigla ka lang kaya akala mo nagseselos ka. Isip mo, noong kayo pa nagawa na nyang mangbabae, what more ngayon. Hahaha he don’t deserve na pagselosan mo. Naku, ikasasakit lang ng bangs mo yan, dahil tingin ko hindi sya mauubusan ng babae. Hindi ka matatapos sa kakaselos dyan. At saka mo na lang marerealize, may feelings ka pa nga sa kanya. Ow em, hindi na dapat.

Just give time to yourself, wag mong pinagiisip at pinagiiyakan ang mga bagay na hindi naman magtatagal sayo. Sila ung mga taong hindi magsta-stay sayo, kaya wag mo silang pagkakapitan ng todo. Mahihirapan kang ilet go un nararamdaman mo, tulad na lang nyan. Matutunan mo sanang mas mahalin ang sarili mo kaysa sa iba. Matutunan mo sanang wag agad-agad ipalagay ang nararamdaman mo sa isang tao, dahil may mga taong agad-agad din aalis at masasaktan lang tayo. Mayroon namang mga bumabalik pero wala naman palang balak mag-stay. Pero syempre, may mga tao ding mananatili sa piling natin hanggang sa huli. Lahat sila makikilala mo, pero ung pinakahuli kong binanggit alam ko makikilala mo rin sya, sa tamang oras. Kapag dumating na yung dalawang nauna.

Take your time, help yourself. Wag kang papadala sa nararamdaman mo ngayon.

*******

Relate? Good. Ngayon alam mo na? :)

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon