Umaarteng Puso No.15: Eenie Minnie

307 10 5
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Eenie Minnie

Gender: Female

Age Bracket: 10-15 years old

Location: Philippines

 Eksena:

"Medyo naguguluhan din po kasi ako, Yung crush ko po kasi medyo naguguluhan ako kung may gusto sakin o wala.  Hindi naman sa assuming, marami na rin kasi nakapagsabi eh.

Kapag may nagkakacrush po sa kanya, kadalasan lalayuan niya at yung malala minsan pinagsasalitaan pa niya ng masakit na words. Nagtataka nga po yung mga kaklase ko kung bakit iba pakikitungo niya sa akin, pero dinedeny ko na wala lang un. PANGALAWA naman po, kapag nangtitrip sila hindi nila ugali na mag sorry, which is SA AKIN NIYA LANG PO NAGAGAWA. Pero hindi ko lang masyadong dinamdam.

Nung nagkaalaman na medyo naging awkward kami pero friends lang din naman kami.

Nung j.s prom po, naging first dance ko siya. Tapos may sinasabi siya sakin na "SPECIAL FRIEND lang kita at hanggang dun na lang yun". So ako naman si assumera umiyak ako kasi parang dissapointed ako eh. Dun na po nag umpisa magkaroon ako ng bad mood nun hindi ko sya na enjoy.  Kinabukasan kinuwento ng kaybigan ko na may naikwento nga pong ung crush ko tungkol sakin.

Sinabi niya pong UMAASA daw siya sakin at gusto pa niya lalaliman ung nararamdaman niya para hindi humantong sa break up. Eh di ako naman hindi naniwala kasi iba ung pagkakasabi niya sakin AS IN WALANG CONNECT dba? Tapos  nasabi pa daw niya na SPECIAL FRIEND NYA PO AKO pero ung "HANGGANG DUN NA LANG YUN" hindi daw po un totoong dahilan."

Pag-iinarte:

Naguguluhan na po talaga ako eh.

"May gusto ba talaga sakin ung crush ko o wala lang?"

Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:

Hi teh! Pasensorry kung umabot na ata ng isang linggo bago ko naipost itong problema mong idinulog sa akin. Masyado lang akong napressure dahil mangilang-ngilan na kayong pending ang problema sa aking inbox. Minsan nakakamotivate, pero mas kadalasan kasi nakakaurat. Hahaha hindi ako nagrereklamo, nakakaurat lang talaga :D pakiramdam ko doktora na ako eh, :D lols, O.A. me. :DDD

Alam mo, hindi mapagkakaila ni Kuya na betsung ka din nya. Lols, ang lalaki hindi yan gagawa ng kakaibang kilos para sa isang babae unlike sa usual nyang ginagawa ng walang dahilan. Pwedeng like ka nga nya, pwedeng special ka nga sa kanya. Or pwedeng labiduts ka na nya! Ayie! Pumalakpak tenga nya! Hahaha

Ang mga lalaki kasi, epal yan. May mga paandar broom broom yan na sila lang nakakaalam. At for sure, yang mga lalaki alam naman nating hindi sila vocal sa feelings nila ng basta-basta lang, kaya mga simpleng pagpapakita na special ka, ginagawa nila. Minsan yun na ang mga pasimpleng paraan nila para iparamdam na gusto nila ang isang babae. Lalo na ung mga lalaking wala naman sa image nila yung pagiging lover boy, kahit papaano kasi mahirap sa isang lalaki na hindi naman open sa nararamdaman nya ang pagpapakita ng pagmamahal nya or ng affection man lang. Pakipot effect din yang mga lalaking ganyan. Ayaw nilang nagsasabi ng feelings nila, kahit na taliwas yun sa ikinikilos nila. Mga paechos yan.

Feeling ko nga gusto ka din nya, asyumera din peg ko. Hahaha wala lang, kaso wag mong masyadong damdamin. Maraming naoospital sa maling akala. May kasabihan, actions are better than words. Pero kung minsan naman, actions are sometimes bound to be equal with words that’s why they are both important. Kalma kalma lang sya ibig sabihin, yung tipong hindi tugma ung sinasabi nya sa kinikilos nya, pero parehas yun na mahalaga. Parehas yun na may ibig sabihin, kaya dapat bawat sinasabi nya at ginagawa, i-note mo yan! It’s time for our, handy dandy notebook! We just figure out blue’s clues! We just figure out blue’s clues! We just figure out blue’s clues! Cause we’re really smart! (Oi, kinanta nya. hahaha)

Okay, matapos ang pagkanta ng blue’s clues ito na ang tamang pagkalap ng clues. :D

1.    Pag yang si Kuya, sobrang ibang-iba pagkachat or katext mo kaysa sa pag personal mo syang kausap isa lang ang ibig sabihin nyan, may gumagamit ng account nya pati ng cellphone nya! Kaya pag sweet say sayo, wag agad umasa. :P

2.    Pag yang si Kuya, hindi mapakali pag kausap ka, isa lang din ang ibig sabihin nyan, masakit tyan nyan at napupupu yan! Hahahaha

3.    Pag yang si Kuya, hindi makatingin ng maayos sa mga mata mo, naku po, ano pa ba, isa lang din ang ibig sabihin nyan. May sore eyes yan! Hahaha alam na.

4.    Pag yang si Kuya, hindi makapagsalita ng maayos pag kausap ka, isa lang din ang ibig sabihin nyan. Nawawala ang toothbrush nya! Haha :P lols.

Pero ito ang pinaka epic fail sa lahat..

5.    Pag si Kuya hindi nya masabi ang totoong nararamdaman sayo ng harapan, isa lang din ang tumpak at bet na bet na ibig sabihin nyan, may malalim syang dahilan. At ang dahilan na yun, kailangan nyang sabihin sayo para maintindihan mo kung bakit sya ganun makitungo sayo.

Alam kong waley ang mga sinabi ko mula sa 1-4, eh ano naman? Sinadya ko yun eh. Haha pero yung pang fifth, yun ung payo ko sayo.

Huling payo..

Hindi ko naman talaga masasabi kung ano yung totoo, kung mahal ka nya or kung crush ka nya, or ineechos ka lang nya, or pinagtritripan or pinagmumukhang ewan or pinaaasa or etc. Sa mga nasabi mo kasi, kahit na ang pinakaclose nyang kaibigan hindi rin alam ang nilalaman ng puso nya. At hindi rin advisable na sa kanila ka magtanong, kasi panigurado yan, may dagdag-bawas yang mga sasabihin nila. Mamamali ka na naman ng landas. Kaya kung ako sayo, go directly to him. Oh, nahihiya ka? Then wag ka ng magtanong. Wag ka na ding magsalita. Kasi wala namang mangyayari kung magtatanong ka lang sa iba. That person knows his heart, knows what he really feels. At sya lang ang makakaalam nun, hindi ang kahit sino, hindi ang ibang tao. Kaya kugn gusto mong malaman, sa kanya ka na mismo magtanong. Tama na ang madaming echos. Kung nahihiya ka, then don’t have time to know everything. Alam mo kasi teh, part yan ng sinasabing pagibig. Kung hindi ka susugal na malaman ang nararamdaman ng isang taong nagugustuhan mo, wag mo na ding pagaksayahan ng oras ang pagtingin at pagsulyap sa kanya kahit na isang minuto. Pinahihirapan at pinaaasa mo lang sarili mo. Duwagers ka naman eh.

Alamin mo ang nararamdaman nya mismo sa kanya, wag ka ng makichismis pa.

*******

Gora na? :D Keme na? :D

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon